Bakit ba ang mga babae anhilig awayin ang kanilang mga lalake? Anhirap din nilang intindihin. Suspetsa ko, pati sila hindi rin nila maintindihan ang sarili nila.
Dati simple lang mga awayan namin ni esmi, tipong selos lang. Lahat kasi pinagseselosan. May makasalubong kaming seksi, pagseselosan. Pag nabanggit ko ‘yung ex ko, pagseselosan. Dati nahuli akong nakatingin sa billboard ni Christina Aguilera sa Edsa pati ‘yun pinagselosan. Aanhin ko naman ‘yung billboard ni Christina ang taas-taas n’un di ko naman kayang buntisin ‘yun. Badtrip. Buti naman sana kung kasintangkad ko lang ‘yung billboard. Talagang papatol? Haha.
Unang matinding away namin ‘nung maglalayas si esmi. Ako naman parang si Jimmy Santos lang, mukhang tangang sumusunod at nagso-sorry kahit clueless ako kung anong kasalanan ko. Sabi ko ayusin natin ‘to at pinagpipiyestahan na tayo ng mga tsismosa sa paligid. Hindi tayo si Popoy at si Basya sa pelikulang One More Chance. Mahiya ka naman. Pero walang sagot tuloy tuloy lang ang lakad. Ayos na sana ‘yung galit-galitan niya kaso biglang natalisod. Pinigilan kong tumawa.
Nasa may labasan na kami nang sa galit niya sakin binato niya ‘yung wedding ring niyang pagkamahal-mahal sa kanal. Buti na lang nag-Milo ako kaya magaling ako at nasalo ko. Sa isip ko, sayang ‘tong singsing na ‘to. [*Pwede ko pang isanla sa pawnshop ‘to. ] Tuloy pa din akong nagso-sorry. Sa huli lumambot din ang puso ni esmi at pumayag na bumalik na kami sa bahay. Alam mo kung anong puno’t dulo ng away namin? Hindi ko daw kasi siya pinapansin. Nakanang.
Pero ‘yung huling away namin nito lang, eto na yata ‘yung pinakamatinding away naming mag-asawa. Nahihirapan nakong pakisamahan siya at ang mga mood swings niya. Sa badtrip ko, ako na ‘yung hindi umuwi ng bahay.
Mahigit isang linggo akong hindi umuwi. Nagrenta ako ng apartment malapit sa opisina. This is it. Buhay binata na ulit. Ayoko nang mag-asawa. Sakit ng ulo lang ang pag-aasawa. Magbabayad na lang ako ng belyas.
Pati ‘yung naging bestman namin sa kasal pumagitna na para ayusin ang problema naming mag-asawa. Pero parang kay misis pa kumakampi. Sa asar ko natanong ko tuloy kung bestman ba talaga siya o maid of honor siya ni misis. Nagalit sakin pero di naman ako sinapak.
Isang araw, pagdating ko sa opisina nasa lobby si misis nag-aantay. Umiiyak. Sabi ko umuwi ka na. Hindi daw siya uuwi hangga’t hindi niya ako kasama. Patay, eskandalo na naman ‘to. Pero nakita ko kung pano pinilit makipag-ayos ni misis. Sino naman ako para magmatigas sa babaeng handang lunukin ang ‘pride’ magkaayos lang kami. Humihingi ng One More Chance.
Iniisip ko siguro magtatanda din kami. Pero biglang bawi, baka hindi rin. Ang tao di naman nagtatanda. Nadagdagan lang ang edad natin pero ang pag-iisip natin, ganun pa din.
Sa experience ko eto ang natutunan ko kung bakit nag-aaway ang mag-asawa:
Isip ni Lalake: Asikasuhin mo ako, ako ang lalake.
Isip ni Babae: Pansinin mo ako, ako ang babae.
At dahil parehong may saltik sa pag-iisip ang mga babae at lalake [*lalo na ang mga babae], ang kalalabasan nito ay tampo, inis at away.
Sa huli ako pa din ang nag-sorry. Sabi ko ‘di ko na uulitin maglayas. Anhirap mabuhay ng walang gasul, washing machine, at higit sa lahat pagmamahal at pag-aalaga ng isang asawa.
Happy ending naman ‘tong kwento ko dahil sa huli ay nagkaayos na kami. Ewan ko, siguro inaway lang ako ng misis ko para makatikim ng umaatikabong labing labing.
Tanong: Anong kinaiinisan mo sa opposite sex?
Piktyur 1] ‘Yan ‘yung apartment na nirentahan ko nung naglayas ako.




Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.







Bagong Puna