Amboy General Taguba is CNN Flavor of the Week

17 02 2004

Sikat na sikat ‘tong Major General Antonio Taguba, ‘yung amboy na gumawa ng imbestigasyon tungkol sa napabalitang ‘prisoner abuse’ ng mga sundalong kano sa Abu Graib sa Baghdad.  Nang lumabas ang tinatawag na ‘Taguba Report’, nadetalye ang planadong at sistematikong pag-abuso sa mga bilanggo.  Napanood ko pa nga si Taguba sa interbyu niya sa CNN. 

 

Kababayan ko si Taguba at isang true blue Cagayano.  Ang galing mag-inglis parang armalite lang.  Ganun talaga siguro ‘pag nahawa ka na sa pamumuhay ng mga kano.  Di laking Amerika itong si Taguba.  Sa Tuguegarao, Cagayan siya ipinanganak, tapos nakipagsapalaran sa Maynila noong lumaki na.  Di ko na alam kung paano na sila napunta sa Amerika.  

 

Magkalapit lang ang barangay namin ni Taguba.  Taga-Caritan Norte ang heneral, lugar ng mga taong naghahabulan na may hawak ng itak pag nalalasing.  Ang apelyidong Taguba ay popular na angkan ng mga Ybanags sa Cagayan na parang katulad din ng mga Ayalas, Santoses at Dela Cruz sa Maynila.  Maliban sa pangalan, masasabi mo ang lahi namin sa itim ng siko.  Ibang itim ‘yung sa min - itim na malapit sa betlogs.  Ganung ganun.  At ‘yun ang palatandaan ng aming lahi.

 

 

 

Daming nasulat dahil sa Taguba Report sa Times Magazine saka AsiaWeek.  Di ko lang maintindihan ang logic, ‘pag pinatay ng sundalo ang kalaban e legitimate act ‘yun pero pag pinitik pitik mo ang betlogs mo sa loob ng preso ay human rights violation ‘yun.  Teh fuck.  Siguro di pa kayang intindihin ng utak ko ang ganyang kakumplikadong usapin.  


Mga Aksyon

Kaalaman

3 sumagot to “Amboy General Taguba is CNN Flavor of the Week”

16 10 2007
basil (14:00:47) :

He was born in Sampaloc but his parents came from the north.

16 10 2007
badoodles (18:25:27) :

really? damn, need to check my facts… tnx basil.

10 03 2008
tagadagat (09:35:06) :

oi badoodles talaga pala taga tugue ka? nangisit gurebang? wahaha! lagi ko nadidinig ngalan ni taguba mula pa ng di sinasadya ay napadpad ako dun. Parang legend yan eh. Ala snow wyt ang dating! jowke! Prominent family its nice to know nakikipagtaramitan na pala sya sa united S! hehe

Mag-iwan ng puna

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>