The Phillip C Jessup Debate Finals

17 02 2004

Ang Philip Jessup Debate finals ang pinaka-Oscars ng mga nag-aaral sa abogasya.  At dumating kami mula sa dulo ng mundo para lang makapanood nito.  

Day 1 ng finals round ng Phillip C Jessup International Moot Court Competition.  Pag sinabing ‘moot’, hindi ‘yun muta.  Pag sinabing moot, ibig sabihin ‘open to debate’.  Kumbaga sa sabong e wala pang siguradong panalo.  Pagpupustahan pa lang kung sinong may matalas na dila.  Ateneo De Manila law vs. UP law ang labanan.  Kami naman ay pampadagdag lang sa audience, in short props lang para may tagapalakpak sa audience ang dalawang respetadong school.  Sa totoo lang boring kasi panoorin ’yun, wala silang mahila dito sa Maynila na props na audience, ‘yung mga tipong pwedeng utu-utuin kaya kami ang nahila.  At kunwari ay mayroong mga hukom na tinatawag na International Criminal Court (ICC) na magdedesisyon kung sinong mananalo.

Bago ang laban, ang UP debating ay kumanta ng kanilang ‘UP naming mahal’ habang taas kamay.  Kala ko naman pino-promote nila ‘yung bagong chant sa Lord of the Rings.  Tumayo pa bulbol ko sa kakaibang thrill na naramdaman.  Ang galing.  Sumunod ang Ateneo.  Okay naman ‘yung debate.  Sinasampal-sampal ko nga mukha ko kada 5 minuto para hindi naman tuluyang makatulog.  Kung minsan tinutusok ng perdible para magising.  Binabantayan kasi kami ng prof namin, dagdag points sa klase ‘yun pag di kami natulog sa panood.  Isang higanteng pagsubok din ‘yun.  Para kang inaawitan ng Ibong Adarna.  He he. 

In pernes, magagaling mag-ingglis nung mga debaters - sa sobrang galing wala akong naintindihan kahit isang salita.  Ang tawag sa kanila ay agent,  ‘yun ang tawag sa mga abogadong humaharap sa international court.  Pag sinabing agent, wala kang nilalako sa bahay bahay na produkto ng sabon o pancit canton.  Basta ganun.  Dami ko din nalaman sa debate na ’yon.  Tulad halimbawa ng Geneva Convention (hindi si Geneva Cruz na taga kumbento), saka Miranda doctrine (hindi sopdrinks), atbp.   

Champion ang Ateneo.  Nakatabi ko din si Haydee Yorac na isa sa mga kunya-kunyariang hukom.  Kamukha pala siya ni Madam Auring sa personal.  Nakawig kasi dati pag nakikita ko siya sa mga balita, afro ’yung buhok nya.  Naka-rubbing elbows ko din si Joan De Venecia, sikat na debater.

Yan ang anecdote ko bilang props.


Mga Aksyon

Kaalaman

2 sumagot to “The Phillip C Jessup Debate Finals”

6 12 2007
horny me (18:12:47) :

3rd place nakuha csu last month sa moot court. kasama lovelorn galano sa team

8 12 2007
badoodles (16:21:08) :

@horny u yep narinig ko nga. csu’s always been settling for d third, sabagay national lebel naman. tinanong ko nga si dean sa caliber ng mga bago. howell, ung batch daw namin ang pinakadabest. sabi ni dean… [hehe]

Mag-iwan ng puna

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>