Constant Change

24 08 2004

Nakabanggaan ko si pareng Lee Hussein sa palengke.  Schoolmate ko dati si Lee sa St. Louis, taga-Engineering department siya.  Kasa-kasama ko din si Lee last year sa mga gigs ng iba’t ibang banda.  ’Yun ’yung panahong nakikipagbasagan pa kami ng tutuli sa mga kantang rock.  Ako ang emcee ng mga gigs, ’yung taong nag-iintroduce nang bandang kakanta between sets saka nagbabasa ng sponsors habang tinitimpla ng mga banda ang kanilang instrumento.  Ako ’yung pamatay oras saka taga-salo na rin ng mga nagliliparang mineral bottle, paper planes, crumpled papers, na binabato ng piso ng mga nabuburat na audience.   

Trying hard rock star ‘tong si Lee.  Parang palakang gina-gang rape ng sandosenang malilibog na palaka.  Pero itsurang rock star kasi ang pare ko kaya hinahayaan na lang ng concert organizers na magsisigaw onstage.  Saka nilulunod na lang din ng tunog ng tambol at electric guitar ng mga bandmates nya. 

Engineer na ‘tong si Lee. Sa wakas, naipasa na din mula ng huminto sa paggitara.  Kung dati mahangin ako magkwento, ngayon parang natauhan ako.  Sinong mag-aakala na ang pa-bandying bandying na si Lee ay engineer na ngayon at ako na sinasabihan nilang magiging successful di pa man gumagradweyt ay ganito pa din ang tayo sa buhay.  Isa pa ring underpaid at underemployed na empleyado sa isang publishing house.  Nag-aaral-aralan sa college of law para  naman ‘pag may nagtanong naman sakin kung anong pinaggagagawa ko sa buhay, masasabi kong ”Ah… I’m enrolled at the college of law.  Shit.


Mga Tugon

Kaalaman

Mag-iwan ng puna