Hope of the Motherland

17 12 2006

Tanong: Magkaka-cancer ba ‘ko sa prostate kung malakas akong magtikol?  Tinanong ko na kasi lahat ng mga tropa kong nagmamarunong kaso di daw nila masasagot ‘yun kung walang Red Horse saka pulutan. 

Pero alam ko, sabi ng mga doktor sa Asian Hospital (walangyang mga doktor yan, pinisil pisil lang yung daliri ko sa paa kasi may nararamdaman akong displaced na ugat tapos siningil na ‘ko agad ng isang libo), healthy daw ang maglaro ng pototoy.  Nakaka-relax at bawas tension.    

Bigla ko tuloy naalala ‘yung mga katarantaduhang pinag-gagawa ko noong wala pa akong alam na matino (nung idyot pa lang ako, iddyooottt!) at mga makamundong bagay lang ang laman ng utak ko.  Hayskul kami noon tapos nagpupustahang palayuan ng tamod.   Lahat na lang ng pwedeng gawing pagpustahan, pinagpupustahan. 

Minsan, nakakaguilty na mag-tikol kasi baka dun manggaling ‘yung susunod na Presidente ng Pinas.   O kaya Vice President.  O kaya Chief of Staff ng AFP.  O ‘yung papalit kay Binay sa Makati.  Malay mo, hindi mo alam na nasa desisyon ng palad mo ang kinabukasan ng mundo.   

 





Boy Meets Girl

12 11 2006

Boy meets girl.  Boy courts the girl.  Boy gets his first date, never mind what’s the showing whether it’s some triple x.  Girl gets attracted up to the kili kili level.  Girl says yes to the boy.  After all the usual rituals of courtship, BebeKo and I is now in the adjustment phase of our relationship.  That’s the time when boy moves in to the girl’s apartment.  We have weathered from the storming phase, and that’s the time when girl is suspecting boy has another one and boy is jealous even with the girl’s brother.

Part of living together is knowing who’s to do what and what to do next.  It’s awkward at first but it is exciting like the excitement you get when your balls get tickled by chicken feather.  I do the laundry, and BebeKo does the cooking, ironing and cleaning the house. 





Ten Things Men Are Afraid Of

12 10 2006

 

1. Lola na naka-plunging neckline at naka-sexy shorts na pagala-gala sa mga malls.

 

2. Maging shaggy hair.  ‘Yung sa gilid na lang ng ulo tinutubuan ng buhok.

 

3. Babaeng palaka.  Palakain.  Palautos.  Palasaway.  (Palakan… , hinde nakakatakot ‘’yun, okay ‘yun)

 

4. Hindi na tigasan ang pototoy.

 

5. Malaman na kumerengkeng sa iba ang asawa nila.

 

6. Ang pagnipis ng buhok na kelangang suklayin lengthwise na parang si Donald Trump ng The Apprentice.

 

7. Matinik sa lalamunan at mamatay sa katakawan.

 

8. Makatanggap ng death threat habang nagmamasturbate.

 

9. Mabulag dahil sa kaka-masturbate.

 

10. Ma-basted.





Project Lafftrip Laffapalooza [Dummy Entry Lang]

9 10 2006

Sali ako sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles – ang search para sa mga makukulit na blogs ng Pinas.   Heto ang 5 peyborit blogsites ko na kapareho kong makukulit.  

1.  Kwentong Tambay Pinaka-dabest na Pinoy humor.  Quick-witted, insytful saka creative.   Masarap basahin habang lumalagok ng ice cold beer saka fried chicken pulutan.  Entertainment-wise, pedeng pangtapat ‘to sa wrestling. 

2.      Smokin’ Rabbit Hole Sabi ko nga, ang blog na magpapataob sa youtube.com.  Irreverent, ‘badly-browned’ humor, nutty insights, at iba pang kakulitang naglalaro sa isipan ng ni robertdrew, isang OFW na nagtatarbaho sa mainit na siyudad sa bansa ng arabyano.  Hop in!

3.  Maruism  Ang tunay na kaseksihan ay ang pagkakaroon ng sandamakmak na kapilyahan + oozing with wit en humor.  Sometimes insane, sometimes normal-normalan, pero tunay na down to earth, sensible saka sincere sa kakulitan, ang aming online mare ni BebeKo.

4. Jessica Rules The Universe Wacky, oozing with intelligent brain cells saka perpek nosebleed inglis.  San ka pa?  Dito ka na sa female bersion ni Boy Abunda. 

5.  Nanskii  Ang mundo ni nanskii boy.  Kasing kulit ng surot, kasing kwela ng mario brothers.  Ang tigasin ng baryo dagat-dagatan.  Hehe, the wan, the only nanskii dude.

Sali na rin kayo.  Share niyo sa Project Lafftrip Laffapalooza ang iba pang ‘makukulit’ na blogs na palagi niyong tambayan at manalo ng papremyo.   Let’s bolt in!





Dangerous Manila

1 07 2006

Ang Maynila ay isang higanteng garbage bag. Wala pa akong dalawang linggo sa trabaho sari-saring sakit na ang naglabasan sa pribadong parte ng katawan ko. Parang may tinatayong barangay ng hadhad, at an-an sa likod ko. May tatay na butlig , nanay butlig, kambal butlig, kapitbahay na butlig. ‘Yung sa tabi pa ng kilikili ko sa kaliwa ay ang kabilang barangay na butlig. Talo ko pa ang pinakulam nito. Mahina ang paghinga ko na may kasamang paninikip. Dahil lang ‘yan sa nabasa ako ng ulan na naging baha sa ‘min at kailangan kong lumusong sa baha para makauwi.  

Umpisa na ng tag-ulan. May paparating daw na bagyo, Milenyo ang posibleng pangalan, katatapos lang kasi ng bagyong Luis. Kahapon umambon ulit ng konti. Nabasa na naman ako ng konti tapos nilagnat na ako. ‘Yung paa ko nangangati na at may bagong barangay ng bacteria na pausbong. Parang magkakabuni pa yata ako. Napakatoxic pala ang tubig baha dito. Pag may baha sa probinsiya, ayos lang ang lumusong sa baha at buhay ka pa pag umahon.

 

Para mabawasan ang palaging pagkakasakit, nagpaturok ako ng dalawang adult vaccine – isang anti flu saka anti typhoid fever.

Nagpacheck up din ako kanina sa school nurse ng BebeKo. Sabi may acute bronchitis daw ako. Ang sama pakinggan parang malalang sakit na bukas makalawa ihahatid nako sa hukay. Nakngtinapa, tagal ko ng nabubuhay dito sa mundo pumunta lang ako sa Maynila tapos kung anu-anong akyu-kyut daw akong sakit. Di ko pa nga naranasan maospital maliban sa pagkakatuli ko.

Pag humihinga ako parang may makina ng sasakyan na tumutunog sa baga ko. Pers taym ko ‘to. Di ko tuloy alam kung ‘worth it’ nga ba na nakipagsapalaran ako dito sa Maynila.





New Home

13 06 2006

Maliban sa pagkakatul ko noong trese anyos pa lang ako [kasinungalingan.  disisais na akong nagpatuli], isa pa sa liberating experience ko ang unang araw sa trabaho dito sa Maynila.  Sakay ako ng dyip mula sa tinutuluyang boarding house sa Sta. Ana papuntang Boni, tapos bus mula Boni papuntang Makati Avenue papuntang Exchange Building.  New joiner ang tawag sa unang pasok naming mga bagong recruit.  Para akong batang bagong tuli ulit sa excitement.  Tuwang tuwang nilalanghap ang polusyon mula sa tambutso ng dyip at makipagsabayan maglakad kasabay ng iba pang yuppies sa Makati na suot ang bagong leather shoes at bagong kula na puting polo.  Kala mo big time na din ako.  Gayang gaya ko din ‘yung paglalakad na komang ng mga Tsinoy businessmen habang pinag-uusapan nila kung ilang stock shares ang bibilhin.    

Bagong mundo ito sa ‘kin.  May mga bagong salitang dapat intindihin.  City Service ang tawag sa mga taga timpla ng kape at orange juice.  
Nakipagkilala din ako sa mga new hires.  ‘Yung isa, binati ko at sinabi kong may  kamukha siyang artista, si Bitoy.  Ang sabi, ”Bitoy who?” na parang nainsulto pa. Hindi nila kilala si Michael V samantalang kadulu-duluhan ng liblib na baryo namin nakakapanood ng ‘Yari Ka!’. 
Tagalog kami sa bahay pero parang ‘lost in translation’ ako dito.  Pag bagong gupit, ang sinasabi ay bagong tasa.  Inuuto talaga ako ng mga kasama ko.  Ano ‘yun, ulo tapos ginamitan ng sharpener?  Ang pekto sa amin ay tao, dito ay komang.  Ang banban sa amin ay masarap na isda na pinausok, dito ang ibig sabihin ay di marunong mag-shoot ng basketball.  At pag sinabi nilang ‘Nakain ka na ba?’, hindi rumerehistro sa utak ko.  Sabi ko na lang, ‘Hindi ako nakain.  Buong buo pa ako, sinong kakain sa akin? Whatta promdi me.