Mahilig sa kahayupan ang boss ko. Katunayan, nag-email kanina. Ang sabi: I have chicken fox. I will not be in the office in the next week. Di ko alam kung saang lupalop nakuha ni boss Gardo ang pagpapalit ng p saka f. Hindi cool pakinggan. Minsan pag nagpe-present pa ‘yun sa mga executive meeting, tinatakpan ko na lang ‘yung mata ko sa hiya. Sabay yabang pa niya ng ”This is how to pofulate the database” instead na populate. Kung pwede lang i-disown ang boss eh, matagal ko nang ginawa.
Diverse ang workforce sa opisina. Considering that we are all 11,000 employees and coming from different parts of the country we have to contend with the language barrier since there are eleven major languages plus 87 dialects. Although eight of the major languages in the country are of Malay-Polynesian origin, none of which are mutually exclusive. May kanya-kanyang difference pa rin sa phonetics and twang which other people in different language group would consider as a defect. Halimbawa nito ay ang nawawalang ‘h’ sa mga Kapampangan at ang pagsasabi ng mga taga-Laguna ng ‘Aba’y di naman naulan’ na para sa iba ay dapat sinasabi ng ‘Di naman umulan’. Kaya nga kung minsan pinipilit kong masanay ang aking tenga pag nag-oorder si boss ng supdrenk saka litsi plan during our 3 pm break.
Nung bagu-bago pa ako, pina-research sa akin kung paano mag-ferform testing. Madapacking sheet, ginoogle ko na ang buong wikipedia saka webster di ko makita kung ano ibig nyang sabihin. Di ko naman maitanong kung ano ’yun kasi 3 hours dapat ang severity bago i-escalate ang problema. Anak ng baog na tinapa, performance testing lang pala gusto nyang sabihin, pinahirapan pa ako. On the other hand, okay din ang pagpapalit ni boss ng p saka f dahil pag pressured at napapamura ng pack you saka fotang ina, hinde masakit sa loob. May extra cushion sa tenga kumbaga. Amf naman ang may class na pagmura from the original ampota.
At kahit naman may mood swing palagi ‘yun saka kalalaking tao e parang nireregla ng tabo tabo kung magalit, okay na din dahil pag ako naman ang nabadtrip e tumitiklop din. Siya lang ‘yung boss ko na pag problematique ako e pede kong tawagin sa inuman. Nakikinig din sa aking ’this is a cruel world’ litany pag ako’y outside d kulambo. Mas mahirap yata mag-manage ng sutil na empleyado kaysa makisama sa sutil na boss. Bilib pa rin ako dun dahil baka nga pag boss na ako at inangasan ako ng isang empleyado ko, malamang walang sabi sabi na ibibitin ko na lang ng patiwarik, tutuhugin ko ang kanyang yagbols sabay ihaw at ipapakain ko sa kanya longganisa-style. My bad.









Bagong Puna