Ladies will always be ladies. Meron silang mga bagay na ginagawa na pasikreto. Pa-girl sabi nga. Nakita ko na maglinis ng tutuli si BebeKo, maglagay ng epek-epeks sa mukha saka matulog ng labas ’yung puti ng mata pero ni minsan di ko pa siya narinig na umutot. Kung minsan naku-curious tuloy ako kung umuutot din ba ang babae at kung umuutot man, tunog ‘ka-blob’ din ba o pa-tweetums na parang nagbebenta ng pandesal sa umaga, ‘yung ‘put-put’.
Mag-iisang taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong ni BebeKo. Nakita na niya ang mala-kalabaw kong pwet sa itim, mala-gubat na pubic hair saka narinig ang paghilik kong kala mo umaatungal na butanding. Ganun talaga sa boys, wala na ’yung best foot forward tulad nung nanliligaw pa lang na pa-cute epeks. Lumalabas din ang tunay na kulay pero ’yung dating pagiging makulit andun pa din. Kung noong nanliligaw pa lang e talagang ‘gwaporms’ kala mo James Bond wannabe, ngayon nakikita na lang ako ni BebeKo na paikot-ikot ng bahay butt-naked kala mo nakawalang anak ni King Kong. Binibilisan ko na nga lang ’yung pagtakbo para di masagwa kasi kung pa slow-mo e nakow, mapapamura ka ng ’watdapacka is wrong with you?’.
Inisip ko na baka ’pag umutot ako in her presence, mawawala ’yung inhibitions niya at maririnig ko na din siya na bigla na lang uutot. Ang babae kasi palaging conscious na baka turn off ang kanilang ginagawa kahit gusto pa nating makita ‘yung totoong sila. At ginawa ko ngang ‘magpahangin’ habang nanonood si BebeKo ng paborito niyang soap opera. Hehe, ayun, sinapak ako ng remote.
Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog, kamote, lumang peanut butter at iba pang pampautot in the hope na magkalat din siya sa harapan ko pero she always finds ways na makaiwas na maamoy ko ang ’galit ng kalikasan’. Iniisip ko nga minsan na baka nga galing talaga sa ibang planeta si BebeKo at nautusan ng kanilang pinuno na hanapin si George Clooney para magpadami ng lahi. Kaso naligaw sa Pinas, kala niya siguro si George Clooney ‘yung may brown kinky hair sa goatee. Hehe, sinuutan ko na siya ng helmet at di ko na nga pinakawalan.
Hindi ko na nga siguro maririnig umutot si BebeKo. Sa isang banda, nakikita ko ’yung best effort niya na palaging ’hot chick’ sa aking paningin. ‘Pag sinusundo ko nga lang sa opis nila ‘pag gabi, naaaninag ko pa lang siya sa malayo, tigas na tigas na ako. Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako. And it will always feel like our first dates forever.








Bagong Puna