Ladies will always be ladies. Meron silang mga bagay na ginagawa na pasikreto. Pa-girl sabi nga. Nakita ko na maglinis ng tutuli si BebeKo, maglagay ng epek-epeks sa mukha saka matulog ng labas ’yung puti ng mata pero ni minsan di ko pa siya narinig na umutot. Kung minsan naku-curious tuloy ako kung umuutot din ba ang babae at kung umuutot man, tunog ‘ka-blob’ din ba o pa-tweetums na parang nagbebenta ng pandesal sa umaga, ‘yung ‘put-put’.
Mag-iisang taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong ni BebeKo. Nakita na niya ang mala-kalabaw kong pwet sa itim, mala-gubat na pubic hair saka narinig ang paghilik kong kala mo umaatungal na butanding. Ganun talaga sa boys, wala na ’yung best foot forward tulad nung nanliligaw pa lang na pa-cute epeks. Lumalabas din ang tunay na kulay pero ’yung dating pagiging makulit andun pa din. Kung noong nanliligaw pa lang e talagang ‘gwaporms’ kala mo James Bond wannabe, ngayon nakikita na lang ako ni BebeKo na paikot-ikot ng bahay butt-naked kala mo nakawalang anak ni King Kong. Binibilisan ko na nga lang ’yung pagtakbo para di masagwa kasi kung pa slow-mo e nakow, mapapamura ka ng ’watdapacka is wrong with you?’.
Inisip ko na baka ’pag umutot ako in her presence, mawawala ’yung inhibitions niya at maririnig ko na din siya na bigla na lang uutot. Ang babae kasi palaging conscious na baka turn off ang kanilang ginagawa kahit gusto pa nating makita ‘yung totoong sila. At ginawa ko ngang ‘magpahangin’ habang nanonood si BebeKo ng paborito niyang soap opera. Hehe, ayun, sinapak ako ng remote.
Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog, kamote, lumang peanut butter at iba pang pampautot in the hope na magkalat din siya sa harapan ko pero she always finds ways na makaiwas na maamoy ko ang ’galit ng kalikasan’. Iniisip ko nga minsan na baka nga galing talaga sa ibang planeta si BebeKo at nautusan ng kanilang pinuno na hanapin si George Clooney para magpadami ng lahi. Kaso naligaw sa Pinas, kala niya siguro si George Clooney ‘yung may brown kinky hair sa goatee. Hehe, sinuutan ko na siya ng helmet at di ko na nga pinakawalan.
Hindi ko na nga siguro maririnig umutot si BebeKo. Sa isang banda, nakikita ko ’yung best effort niya na palaging ’hot chick’ sa aking paningin. ‘Pag sinusundo ko nga lang sa opis nila ‘pag gabi, naaaninag ko pa lang siya sa malayo, tigas na tigas na ako. Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako. And it will always feel like our first dates forever.








hahaha! yur so weird tonyo ha! na pinagiisipan ba talaga kun bakit walang tunog ang utot ni misis! may ‘class’ kase kami no?
“Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog” kala ko you missed the pronoun “ko”! hahahaha!
@pepz mas delikado ung ’silent whisper’ ganung ganun ung nagpasabog sa hiroshima saka nagasaki.
nyahaha! ayus! usapang - utot. kinilig ako dun sa last two sentences ng last paragraph. haysss…
haha! kala ko rin kung anong pinakain mo eh…
astig yun ah napigilan yun utot? nice descriptions din about yourself..haha! binenta mo na yung sarili mo..
pareng badoodle..ang swerte mo nga naman talaga kapag ganyan ang araw-araw mong tanawin. congrats and best wishes…balang araw mauutot din yan sa tabi mo
…makikialam ulit.:)…
…ako kasi, pag umutot na ako sa harap/tabi/likod ng jowa ko it only means one thing…hindi ko na sya love. kaya kahit gaano kahirap ikubli ang tunog (minsan pati amoy!;p) talagang gagawa ako paraan…malay mo baka ganun din Bebe mo…;)
@mareng maru uu nga. ke-aga aga parang gusto ko nang umuwi at magpakyut kay BebeKo.
@sommer ganun pala un. parang ayaw ko na tuloy malaman kung ano ung sound epeks ni bebeKo.
Ankulet nitong entry nato pero somehow naging about love mo pa din sa kanya sa dulo. Naks.
e baka hindi lang ututin ang bebe mo. e ako ang dighay at utot parang pareho. wahahahaha!
oist! pwede po ba kayong mai-link sa bahay ko?
@mithi pede bang pantapat sa otom - mithi love team? hehe
@jojiehottie sure manyur.
anu reaction niya ung maamoy niya utot mo? Uy kilig naman ako sayo, kasi love na love mo sya! ang LUFET!!!!
naalala ko dati pinapatawa ko habang kumakain ng itlog. napautot din! walang kawala!
baka pag sakal - ahh kasal na kayo saka sya “gaganti”
hehehehhhh.. kyut pla ng hilik mo kuya, “umaatungal na butanding” waaaaahhh
“Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako. And it will always feel like our first dates forever.”
—> your post is supposed to be funny, but these last two sentences make
me want to cry. touched lang ako… i know how much i am loved, but it
is always nice to be reassured. as i’ve told you this morning, you know
how much of an attention seeker i am…
—> love you so much… and that’s how it stays for the rest of my life!
@dhez medyo nasasanay na ngayon sa pagiging ’stubborn ututin’ ko. tinatanong lang ni bebeKo kung nagkapalitan ba kami ng magulang.
@pareng sawn kelangan ata banye-banyerang itlog para wala na talgang kawala kaso nun baka masuffocate ung buong compound namin. hehe.
@auee haha! baka hanimun pa lang sabihin sakin na: “utot pala gusto mo, hetong utot” ka-blob. whatta.
@camilleeeeee parang pasigaw tawag ko sa yo ah. hehe. pag nasa lucid interval lang. kung minsan naman parang baka.
@bebeKo tenk u sa fhm. enjoy na ung moments of reading ko pag nakaupo sa puting trono. labyu.
kaw lang nakapagpatino sa kin. ur my reason in dis lyf. syempre laging may foreverrrrrrrrr!
foreverrrrrrrr saka syempre yung… i can’t live without you. Saksakan na tayo ng corny pero ayos lang… masaya naman!
hoy nilalanggam kayo! hehehe…hot chick meets hot *ick.
hehe, kuyaaaa, kelangan talaga pasigaw kasi bingengot ako eheheheee.. pero nice post kuya ha, kinabagan na nmn ako dto hehe.
@bebeKo foreber talaga yan. kahit pinausukan moko ng katol kagabi at nangamoy tinapa ako, labyu. hahaha! kala mo di nagkikita weh. hahahaha!!
@gladita haha! muka tuloy akong malaking hotdog nyan.
@camilleeee [mil - mil - mil echo epeks] salamat at nag enjoy ka sa pakikipagkulitan sa min.
funny… funny… funny… grabe, natatawa talaga ako sa mga posts mo… kahit ang simpleng utot, nagagawa mong mapag-usapan (andami na ng nag-comment sa post na to eh)…
yung kakambal ng nanay ko, kwento nya, yung mister daw nya, kapag kunyari nautot siya while in bed na, talaga naman tatayo si mister sabay pagpag ng kumot… dun na nga lang sa kwento na yun ng tita/ninang ko natatawa na kami, what more dito?
baka naman umuutot lang din se bebemo, kaya nga lang walang sound… or baka sumisimple ng pag-labas ng kwarto or paglayo ng konti sa yo para umutot… hehehe
baka naman diyosa si bebemo, hindi umuutot… hehehe…
ang sweet nyo… kainggit!
@antuken sinabi mo pa. hehe. ewan nga bat nacurious ako bigla.
tanong ko na ren bakit antuken? un tipo bang mahanginan lang ng ercon gusto nang matulog. ganun kasi ako weh. hehe.
@pareng nelo salamat por da regards abot na un hanggang sa wedding ko pare. ngaun ko lang nabasa ung comment mo, tumalbog ata kahapon di ko nabasa.. hehe.
mahanginan ng aircon? wishko… hirap ako matulog sa aircon (bukod sa antuken ako, eh lamigin pa)… mas enjoy ako sa elektrikpan… MASA kse ako, kaya antuken —-> masandal lang tulog na (hehehe)… yun ang term of endearment namin ng papabols ko… kse dati nung di pa kami nagpapa-cute sa isa’t-isa, lagi kaming tulog sa service namin… tsaka college pa lang talaga, antuken na ako… isipin mo, nagi-inuman kami, middle ng inuman, tatayo ako at pupunta ng kwarto para matulog… tapos after mga 1 hour (minsan more pa), babalik ulet para makipag-inuman… hehehe
@antuken haha! sasabihin ko nga sana mahanginan lang sa elektrik pan. ganun pala kau mag-inuman ha, may half taym breyk. ayos. tenk u.
ako lang yung may break… kaya nga ayoko ng inuman sa labas eh… hehehe, pag bar ang pinuntahan namin, asahan mo yung byahe pauwi, knock-out ang beauty ko… kaya nga yata ayaw ako payagan ng boyf ko makipag-inuman sa iba eh… haay (pero matigas ulo ko.haha)
@antuken hehe. si bebeKo kahit magmatigas ulo bawal inom. ako lang exempted to the rule. daya no? hehe
mukhang posible yung sabi ni jojie, “dighay at utot parang pareho”.. naiba lang ng outlet, lol.
hindi kaya, may art of control sila kaya hindi mo nawi-witness?
@pareng dimax malamang malakas nga ang art of control. worry ko lang e hirap nun. paniwala ko kasi ung mga ganun ‘bottled up’ ang sentimiento e pag sumabog, ultimo langgam damay .
ang sweet nyo naman badoodles!! kinikilg ako!!
kasalan na!! ehehehe
@haze yehooo0! haha! ipon pa kami ng ipapakain dun sa mga mag-aatend ng reception.
haha
yun naman yun. naisip ko din, hindi pa rin yata ako nautot pag kasama ko papa ko. hmmm. baka ganun talaga. nako, parehas na parehas na linya. shet. hahaha. ayaw nga nya nagsasabi ako ng tae eh. di daw bagay saken. adek.
kyut kyut nyo naman ng bebemo. goodluckers.
plano nyo na rin pala magpakasal… i suggest attend kayo ng bridal fairs… makakakuha ka kse ng big discounts… minsan 30% off pa… meron bridal fair sa sep 1-2 sa picc… kalimitan kse mga suppliers andun, no harm in going… minsan lang may fee… nung minsan nag-attend ako nung july (o june ata yun) parang 40 pesoses ang fee… pero marami magaganda offers… kaya lang next year pa ako e, kaya di muna ako nag-commit, humingi lang ako ng mga brochures/flyers… try nyo mag-attend, marami pa tuloy kayo mapapagpilian…
may gf ako dati nung college. syempre dalaw si azrael sa bahay at nagpapakyut. eh sinisipon ako, sa sobra tawanan namin lumabas sipon ko at tumalsik sa lamesa. pinagtawan ako ni ex-gf. sa sobra nya halakhak… NAUTOT SYA..
taena sino ngayon ang mas katawatawa lol
pinakilig mo ko sa utot. haha.
@joice baka ganun nga talaga nature ng girls as against sa boys. pag kasama ko kasi barkada ko din or sunog baga boys, typical na ung ginagago namin ung isa’t isa.
@yagidoodz nakow pagkamamahal pa din un, pang dibisoria lang kaya ko. wehehe. wow malapit ka na din pala. next year nga din sana kami kaso di na makaantay ung betlogs ko. hehehe.
@azrael hayup. pedeng pamalit dun sa post ko ung comment mo pare. natawa ako. seriousli. di ka lang dj, matulis na komikero pa.
@tim ang ang mahiwagang si tim ang… pen name mo ba yan pare?
dis is my utot lab stori.
hahaha
umuutot din..discrete lang..dinadahan-dahan baga…minsan itina-timing sa tugtog…wahahhahha
@chuva saktong saktong isabay yan sa beat ng ‘itaktak mo… takatakatak. itaktak mow-wow-ho. ‘ dapat may top ten list ako ng kantang panakip butas ng utot. tulad ng tigidong.. ah… isip isip.
Ngyahahahaha!
Sana may English version ka nito para mabasa ng asawa ko… this one cracks me up and I’m sure he’ll find this post hilarious! More… more…!
@ZJ thanx for liking it. i was originally writing in english kaso due to requests and [change of heart also], i started posting in the vernacular. saka mas ok pala ako pag tagalog.
ang lakas mo pa lang humilik. next time na maglalabas ka ng sama ng loob at may nakarinig sabihin mo ringtone lang yun.
Sir Bads, ayos yung TOP TEN LIST ahh….sama mo dun yung HOW GEE ha…
tanan taaananaaan HOW GEEE!! tanan taaananaaan HOW GEEE!!
LOL LOL LOL
umuutot din kami…tahimik nga lang. ako nung minsan umutot fiancé ko, sinabayan ko din pero alang tunog…amoy na lang… silent killer! wala naman aksi akong “microphone”. di na napigil eh..usually, lalabas pa ko ng room pag magpapa”GAS”
pero hindi ako umamin nun…LOL
pero tama ka..ladies will always be ladies.
ang last few lines ay nakakatouch at nakakamove. in tagalog, nakakahipo at nakakagalaw.
hehe.
mahirap pag ganung pati langgam ay damay.. lalo na ngayon, malakas na isyu ang global warming.
[...] My Wife Never Farts « kwentong barbero . com [...]
@ikabon di ko pa nga malalaman na humihilik ako kung di pa ako nakatulog sa bus. sa sobrang lakas, pati ako nagising. pers taym kong narinig sarili kong hilik. gross.
@chuva highness uu nga. how-jee [ka-blog]. di halata. para ka lang disco dj, nagmi-mix ng dalawang awit.
@thet yessss. ang bottom line n lang siguro is for us men to accept and celebrate our ladies’ ‘uniqueness’. kung ayaw talaga iparinig ang tunog ng careless whisper, di ok. baka magulat kami tunog bumbero pala, trauma ito. hehe. juk unli.
@alpha hanggang ngayon ay nahhihiwagaan pa din ako sa blue green analogy.
@pareng dimax parang napanood ko nga na nakakabutas ng ozone layer ang utot. tutuo ba yown?
oo nga pansin ko nga yan.. sa mga girls… gnon ba tlga?
@zoul pansin mo din. ladies are always a wonderful mystery. exchange links?
oo nga, bakit kayong mga lalaki, di nyo mapigil? pano naman si queefing, huh
@kengkay si queefing ang bagong object of attention ko ngaun. hehe
they say that one is ready for marriage when both parties are comfortable to fart in front of each other. ang asawa ko kasi ututin pero i dont complain. sabi nga diba sa wedding vows, “for better or for worse”.
@chi ibig sabhin di nya pa ako labs? hwahhh… kaya nga chi nagtaka ako kasi kau yata ni waswit mo e sabay pa mag-cr. hehe. hackshuli, m excited na mixed emotion na din kasi baka ganun ung next chapter of our laybs ng bebeKo.
ang kyut nyo naman ni bebemo. hehe kinikileeeg ako!!! –> ambakla
ibang asa isip ko kanina dun ah.. haha.. ^_^
pinakain mo na kasi kamoh ng itlog yung bebemo.. wahaha..
pareng badoodle, hambak na nga pala. buhay na nga pala ako ulet. wahaha..
yaan mo, next time mapapautot din yan sa sa**p… wahaha..
peace tayo! \(^_^)/”
@flori ayos ka mareng flori. kaw kelan mu naman kami kikilitiin ng labstory na mahaba-haba asyd from brief moments of encounters mo with ur ‘very special prens’.
@earthlotus pano na ung si aguil mo? ung napapautot sa ‘happiness’ e tinatawag pala nilang ‘queefing’ ayon kay kengkay.
hahaha! umutot din ang babae… actually may kulay nga and utot nila.. ung nga lang diko nakita, pero narinig ko loudly… karamihang kulay ng utot nila ang “PINK” kc iniipit nila kaya nagi2ng kulay pink… kaya pag umutot cila… pppppppppppppiiiiiiinnnnnnnnk!!!
Hay naku Lord kung narinig nyo at naamoy ang utot nya ay ma papamura ka, pero na sanay na kame sa mokong na yan “utotizer yan”. Baka fina flash ni misis ang utot nya ha ha ha ha
pareng badoodle.. nakapaglipat na ko ng blog. pa-change na lang ng link..hehe!
ayun, dedo na si AGUIL. adik kasi eh. haha.. ^_^
hmm.. natatawa pa din ako sa kapag naiisip na may napapautot sa sarap. wahaha.. ^_^
uu.. ganyan talaga kaming mga girls.. super conci kapag guys ang kasama.. minsan nga kahit tropa lang yung guy.. hehehe
ASSSSTIIIGGG! You lucky bastard! TOl, nakakatawa ka. hahaha.. Ayos! Care for a link Exchange?
pirstaym reader lang… lumobo sipon ko sa kakatawa… hala natanong ko tuloy kung babae ba ako… eh kasyi parang sumabog na bulkan din ung farty ko eh… hehe… buti na lang nadapa ako sa site na to…