Bago ako magpaputok ng watusi, shoutout ko lang muna sa lahat ng mga naging bahagi ng pakikipagkwentuhan, bolahan atbp dito sa Kwentong Barbero, salamat sa suporta in wan wey or anoder. Special mention sa mga resident tambays na sina:
Antuken, best wishes sa nalalapit na pagpapakasal, wag matutulog sa hanimun, be prepared, be very prepared | Anukayayun, sa pagiging magaling na blogger at sa lahat lahat alam mo na ‘yun | Bebe Ni Badoodles, sa pagmamahal, pag-intindi, pagluluto ng masarap na pancit canton, tinola at sa TLC | Broken Man, tama ka, it’s a wonderful world | Camilleeee Shy Girl, salamat sa pagpapaalala that it’s always good to return to innocence | Chillidobo, sa kakulitan at adding spice to life | Christianne Medina, kahit medyo busy sa work at lablife | Chuvaness , sa pakikipag-noseblidan. Peyborit ko na nga ‘yung linyang ‘at its finest’, pang-mayaman ang dating | Earth Lotus, sa walang sawang pakikipagkulitan | Engineered Gbert, sa pagiging magaling na engineer | Gasti, sa pakikipag-gastihan | IceYelo, for all the things that matters alam mo na ‘yun, gasgas na linya pero classic pa din | Invisible Blog, welkam sa bagong tahanan sa WP | Jeckyll 27, sa constant na pakikipaglitan ng kuro-kuro kahit saan man mapadpad ang usapan | JP Nash In A Flash, sa pagbibigay ng sports update sa mundo ng basketbol, wrestling at tumbang preso | Kotseng Kuba, maligayang paglalakbay sa mundo ng hopia | Kwentong Walang Kwenta, sa words of wisdom | Lenggai, sa serbisyong totoo | Liday Ken Ragsak – ukis ti saba, maysa nga nalaing nga ilocano daytoy agyamannak lakay | Maruism – salamat sa panandaliang aliw, patawa, at pagiging lababol | Me Myself Saka Aders – sa patuloy na pagsuporta | Pasakalye – cheers sa pagbabagong image, hulsam na ba ? | Pep up With Pepe – sa pagiging totoo | Renewed Soul – sa kasiyahan | Short Term Effect – sa panandaliang kalimot | at kay Smokin Rabbit Hole – idol, parang local version lang ni Seinfield sa galing.
Salamat din sa Smart Lahattxt, sa nakaimbento ng rice in a box, sa gotohan sa panandaliang pagpawi ng gutom, sa nangholdap sa kin for teaching me d greatest lesson that in this life we always have to deal with lunatics. Salamat sa ‘Tatlong Itlog’, sa Marimar at kay Papa Jesus for the gift of life.
AT SA INYO, sa lahat ng aking mga bagong nakilala, nakakwentuhan, nakapitikan ng tenga, maraming maraming tenk yu. Isa itong taon ng masayang paglalakbay. At sa pagsasara ng tsapter na ‘to, paalam sa isang masayang alaala. Sa pagbubukas ng panibagong taon, cheers sa panibagong kakulitan, bagong makikilala sa blogging community at makikitambay sa Kwentong Barbero. Hapi New Year sa lahat!











Bagong Puna