Kung meron mang masasabing tatak Pinoy, ‘yun ‘yung pagiging sobrang relihiyoso natin. San ka pa makakakita ng bansang pati sapatos ay binibinyagan? “Hoy pare bagong sapatos mo, binyagan natin”. Sabay tatadyakan ka sa paa bigla. Taena. Buti na lang at di ako tumuloy bumili ng salamin sa mata. Baka pagdating ko sa opisina, salubungin ako ng “Pare, bago salamin mo, dali binyagan natin”, sabay sipa sa mata ko.
Pati nga mga bagyo sa Pinas binibinyagan natin. Pag nakapasok na nga ang bagyo sa Philippine area of responsibility, binibinyagan na natin ng pangalang Pinoy. Ibang iba sa international name na ina-adopt ng iba’t ibang bansa. Ang hirap nun kasi nagkakaroon ng identity crisis ang mga bagyo. Mag-iisip ‘yung bagyo, ‘Teka ang alam kong pangalan ko ay Typhoon Mercedez Benz. Ako na ba ngayon si bagyong tsedeng? Is dat me? Tangena naman”. Sa sobrang naguluhan, nagiging unpredictable tuloy course ng bagyo. Conspiracy theory talaga. Si bagyong Jupot nga, pagpasok sa Pinas nagiging bagyong Julina. Hehe. Nababadtrip tuloy ang mga bagyo kaya tignan mo, sobra kung sumalanta. Kung ako ba naman, karespe-respeto ang tawag sa kin sa international scene sa tawag na typhoon Hunk tapos pagdating sa Pinas, tatawagin akong bagyong Onyok e talagang mag-wawala nga ako. ’Kayong mga Pinoy kayo, letsugas kayo, hetong sa inyo!’ [insert sound epeks here ->...]
Marami rin ibig sabihin ng binyag sa atin. Pag nagpatuli ka, ang tawag dun ay binyag. Pag pers taym mong makipag-labing labing, tawag dun ay binyag. Nagkukwentuhan nga kami sa opisina kanina ni pareng Abdiel. Kwento ni pareng Abdiel, si pareng Nathan daw sa wakas bininyagan na nung siyota niya. Napasigaw ako siyempre. “Ano? Si pareng Nathan, tinuli ng gelpren niya?”. Wehehe. Biglang nagtinginan lahat mga kasamahan namin sa opis. Andun ‘yung boss, manager, director lahat natigilan sa kanilang ginagawa. Hay naku, ako pa yata magiging mitsa ng bagong tsismis. Ewan.
*Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag-blog. Masyadong akong nawili sa trabaho at tunay na buhay. ‘Yang trabaho talaga panira sa pagba-blog.








Bagong Puna