To the Ends of the Earth

20 10 2008

Naimbitahan akong mag-mountain climbing sa Susong Dalaga.  Alam mo naman tayong boys, makarinig lang ng bundok at suso, kahit ano pa hugis at itsura nyan, go go go! Mga bagong kakilala ko lang nag-imbita sa ‘kin, di ko sigurado kung anong mountaineering group sila basta ‘yung dalawa, taga UP mountaineering club.  Suspetsa ko lang mga miyembro sila ng Alcoholics Anonymous dahil amoy singkamas ang karamihan sa kanila, pero kahit pa siguro Seks Adiks Anonymous pa ang grupo nila, basta sinabing may libreng pakain, Zest-O juice at unlimited babol gam, sama agad ako dyan.  Haha. Isang linggo bago ang pag-akyat, nag-change venue sa bundok Gulugud Baboy sa Batangas, mas bagay daw ‘yun pambeginners.  Tsk.  Suso na naging baboy pa.

Alas dos ng  madaling araw ako gumising at lumabas ng bahay na di ko naman kadalasang ginagawa dahil ‘yun ang oras na kasagsagan ng totnakan ng mga askal na nagkalat sa barangay namin.  Inggitin pa ako ng mga hayup. ‘Arf! Arf! Look Badoodles, inggit ka ba?  Alam mo ba ‘to?  Dis is doggie style.’

 

Pagkababa namin ng Batangas, sakay kami ng nirentang dyip paloob.  Sementado na ang paanan ng bundok kaya madali na lang pumunta dun.  Nalaman ko rin na sa bundok na ‘to nagsimula sa pag-akyat sina Dale Abenojar, ang unang Pinoy sa Mt. Everest summit at si Romy Garduce.  Kung nagkataon, isa ako sa mga gaya-gaya sa kanila.

 


Pers taym ko ‘to.  Lawit dila agad ako sa sampung minuto pa lang ng pag-akyat.  Ambilis ng tibok ng puso ko, naalala ko parang tulad din nung unang beses kong nabosohan ang cleavage ni BebeKo.  Ganung ganun pati pagkakalawit ng dila. 

 

May mga bahay-bahay na din sa bundok.  Commercialized na din, may nagbebenta ng sopdrinks, ice candy at pangontra sa aswang.  Hindi na ako magtataka kung sa susunod na taon, may magbenta ng piratang dibidee dun sa bundok. Sa mga nadadaanan naming bahay, nagbigay ako sa mga bata ng baon kong ‘raisins’.  Pinagkaguluhan kaagad.  ‘Tae ng kambing ‘yan’, biro ko.  Di ko alam na seseryosohin pala. Napahinto ang lahat na parang hindi maipinta ang mukha sa pagnguya.  Priceless prank.   Naguguluhan ang mga bata sa pag-iisip. Bago pa nila naihagis, tinuruan ko sila ng lesson na hindi nababasa sa textbook sa paaralan, ‘Ok lang yan mga kids, may mga tae talaga ng kambing na nakakain’.  

 


Ako ang natokang isa sa tatlong ‘sweeper’, ‘yung miyembro ng grupo na nasa hulihan ng trail.  Bilang sweeper, ikaw ang taga-motivate sa mga humihinto sa paglakad.  ‘Kaya mo pa ‘yan pare, isipin mo lang hinihintay kang i-massage ng babae ng FHM sa tuktok’, ganyan ako kagaling mag-motivate, daanin sa basic instinct.  Ang mahirap lang sa pagiging ‘sweeper’ ikaw din ang nakakalanghap ng utot ng lahat ng miyembro. 

 


Matapos ang matatarik ng bangin, matatangkad na damuhan, at dalawang oras na pag-akyat, nasa tuktok na din kami ng bundok Gulugod Baboy.  Ang million dollar question ko na lang pagkarating sa tuktok ng Gulugud Baboy:  Teka, asan ang mga baboy?  Walang baboy sa Gulugod Baboy, meron lang kambing, kabayo at mga bakang nagagalit pag nakakakita ng tao.

 

So eto pala ‘yung naeexperience ng mga mountaineers.  Matapos mong magkasugat-sugat, magtraining ng sangkatutak ng ilang buwan,  mare-realize mo na ang pag-akyat mo ng bundok ay wala naman talagang dahilan.  Power trip lang.  Konklusyon:  Wtf.

 


Nag-siesta kami pagkatapos naming kumain.  Dito ko rin nadiskubre na hindi totoo ang ‘bed time story’ sakin ng lola ko na gawa sa cotton candy ang ulap.  Wala rin itong pinagkaiba sa hamog sa umaga.   Naisip ko, mapag-imbento talaga ng kuwento ang mga matatanda, palibhasa wala pa silang soap opera na pagkakaabalahang i-analyze tulad ng kung bakit marunong magtagalog ang mga alien, syokoy at sirenang bida sa palabas.

 

Para magkaroon naman ng saysay ang mountain climbing namin, namulot kami ng kalat pagbaba.  Naisip ko, pano kaya naging bayani sina Romy Garduce sa pag-akyat ng Mt. Everest.  Namulot din kaya sila ng kalat pagbaba ng Mt. Everest?  Pinwersa ba natin silang magpakapagod umakyat para lang bumaba ulit?  Tingin ko mas bayani pa ‘ko dahil namulot ako ng kalat, nagbigay ng raisins sa mga bata, at nagturo sa kanila ng leksiyon na hindi nila makakalimutan habang buhay nila.

 

Pictures: 1.] Hanapin si boy kulangot.  2.] Eto ‘yung pang Olympic ang taas na basketball court nila sa gulod.  Papawis muna ako.  3.] Gulugod Baboy summit 4.]  Si ako.  Nagpapatuyo ng sinampay.

About these ads

Mga Tugon

Kaalaman

59 sumagot

20 10 2008
paperdoll

ayoco ng raisins. .parang kulangot ng kabayo. . mas bayani ka kela romy garduce. . kasi namimigay ka nga papremyo dito:D

badoodles: @paperdoll binabayaran ako ng mga sponsors para mamigay ng pera. hindi akin un.

20 10 2008
MARU

syet! pula ang brip ni pareng badoods! parang alam ko ang brand!

SO-EN!!!!!

peborit kong kulay. t-bak kaya yan?

badoodles: @mareko garter yang red. itim ang brip ko. hindi din ako pwedeng mag-tbak dahil lumalaylay ang mabigat kong betlogs. mahirap ibalanse ang mundo.

20 10 2008
cutedanger

pre buti pa sau pagalagala na lang ah este nagiging bayani pala.. pasyal kami katapusana sa inyo.. kasama ko si baby.. tampo si nap sayo di kana daw na daw nag papakita wahahaha :D nag shot kami nung sabado..

badoodles: @ryan pre nagkataong busy lang sa trabaho nung nagtxt si pare nap. tapos wala pako load. sige pre, pasyal kayo sa bahay.

20 10 2008
mangbadoy

papa badoddds shades kung shades naka with matching red brief na ayaw ni gasti! hahahaah! sarap naman ng suso este bundok pala!

badoodles: @mangbadoy mukang nasilipan ako dun AH. kailangan ko ba talagang iexplain ung brip ko? di yan red brip, blak yan.

20 10 2008
umleo23

P%^#%@ I%&! Isang tulak lang sa akin ni Badoods tatlsik ako!!! Prawmis! Ang laking tao pala nitong owner ng site na toh!!! wahahahahahahaha

Uy tagal ko ng pangarap yan! Mag mountain climbing!!! sarap nyan! nature tripping!

badoodles: @umleo istir. yaan mo susubukan kitang pitikin kung talagang tatalsik ka. maliit lang ako, wala pa akong isang dangkal katangkad.

20 10 2008
gasti

nyahahaha! anlaki ng biceps ni baduds..pag naumpog ako dyan mawawalan talaga ako ng ulirat..gym kung gym ah! tapos ngyon may akyat bundok pa..ayan ang gusto kong social life..nature tripping.

nga pala. ewan ko kung ako lang ah pero sa tingin ko pula ang garter ng brief mo pero kulay itim ang kabuuan nito.
tama si mang badoy ayoko ng pulang brief..pero kung garter lang ang pula..meron ako nun. ayun nga lang mas trip ko na magsuot ng boxers short

badoodles: @gasti oo itim lahat ng boxer shorts, brip, boxers ko para di halatang binabali-baliktad lang pag madumi na. kumusta naman lto. ung brip ko pang nag-hello world ang napansin.

20 10 2008
antuken

ahahaha. andaming nakapansin ng red garters ng undies mo.

ganda ng view pala pag naka-akyat ka ng bundok? never ko kse nagawa yan at di ako athletic. at hindi rin ako mahilig sa mga nature trip trip na yan. nahihirapan kse ako mag-wiwi sa hindi normal na cr. eh active pa naman ang bladder ko. hehehe.

badoodles: @antuken sinubukan ko lang. wala talaga akong balak. narinig ko kasi susong dalaga kaya parang nahipnotismo akong sumama. mare sori di ko tuloy napadala ung shirt mo. di ko pa rin naipalit. next saturday na lang. sori po.

20 10 2008
Colegialagirl

Kung kasing macho at kasign guwapo mo ang mag-imbita sa akin para magmountain climbing, sasama kaagad ako sa iyo.

badoodles: @colegialagirl patay ako nyan sa misis ko. maghilamos ka na lang ulit saka ka bumalik dito, baka namamalikmata ka lang.

20 10 2008
ellieshe

ansarap nman jan manong ko..sulit talaga ang pagod pag nakarating ka na sa tuktok..aztig’…

badoodles: @ellieshe sulit. next time papalagyan ko ng elevator papuntang bundok para mas convenient ng konti.

20 10 2008
akosiikay

akala ko badoods ngpapatuyo ka ng kilikiling pawisan
kya nkataas ang kilikili mo…hehehehe

badoodles: @akosiikay multi-tasking. front ko lang ung pagpapatuyo ng sinampay. ung kilikili ko talaga pinapatuyo ko.

20 10 2008
FerBert

da peymus arab scarf ang sinasampay ni bossing.. lols

kala ko ba bossing kapareho kitang sumo blogger? hahaha.. nagkamali yung doctor hindi ka class A obese..

parang ang sarap umakyat ng bundok oh.. pero mas mukhang mas masarap nga talagang akyatin ang susong dalaga kesa sa gulugud baboy.. pangalan pa lang eh ginaganahan na akong umakyat…

badoodles: @ferbert i lost around 10 kilos na siguro dahil dun sa weight lose challenge in two weeks. not bad.

20 10 2008
joshmarie

ang sya naman! naalala ko ang aking childhood. sa bundok. me ganun palang bundok sa batangas… :) sa province namin me bundok din na ang pangalan ay “cagmasuso” haha. bakit kaya ganun ang pangalan ng mga bundok. hehe.

nakibasa,
joshmarie :)

badoodles: @joshmarie alam ko na kung bakit naging babae ang reference sa mother nature, dahil sa kabundukan.

20 10 2008
wei vines

ayyy! ang saya! suso na nga naging baboy ba..hayyy… di bale.. maakyat mo din yung susong dalaga ^^

badoodles: @wei vines next project ko yan, ang akyatin at ienjoy ang susong dalaga.

20 10 2008
jojitah

talaga palang malaki ang braso mo. akala ko ini-istir mo lang kami. hahaha!

badoodles: @jojitah istir ko lang talaga. kaso nagkasubuan na kailangang panindigan. haha.

20 10 2008
b@kekang

hayzz.kala q p nman nasa susong dalaga u tlga ..aabangan sana kita pgbaba u kc mgpapaautograph sau hehe..

badoodles: @bakekang asa. nasa kabilang lupalop ka kaya ng mundo.

20 10 2008
The Gasoline Dude

Ayus! Me feectyur na si Pareng Badoods! Ampogi kaka-bading! *LOLz*

badoodles: @mas amfugeeee. wag lang tayong pagtabihin at lalabas na lamang ka ng dalawang paligo sakin.

20 10 2008
dimaks

susunod tae ng kambing naman ang dalhin mo tapos sabihin mo raisins.. hehe joke.

badoodles: @dimaks sa susunod na pagbalik ko, may chart akong dala na pinapakita ang pagkakaiba ng raisin at tae ng kambing. kailangan ko silang iahon sa kamangmangan.

21 10 2008
barefoot_alchemist

naks naman c badoodles, machu at take note ha andami nakapansin ng posing ng lolo ko hehehe…

next tym susong dalana ang akyat nyo po. hehehe

badoodles: @barefoot noong college ko kahit maghubo ako ng pants sa school walang pumapansin, ngayon, sumilip lang ang garter ng brip ko, isyu na. watta life.

21 10 2008
aia

ganda picture number 3.:D

badoodles: @aia fuugeeee picture number 4

21 10 2008
byter

ahhooo!!! bonggacious ang pose ng papi pang centerfold ng playgirl, at kulay pula pa ang brip. g-string ba yan papi?

badoodles: @byter yan ang labandero slash betlog boy pose. hindi ako gumagamit ng g-string, sinulid pwede pa.

21 10 2008
camilleeee

sarap naman. mawnten klaymbing. ..ok na trip to. ‘commune wid neytur’ (kumbaga).

kapansin pansin talaga ang garter. yung RED! hehe :D

badoodles: @camilleeee hinde. malikot lang mata mo kaya mo napansin un. bad u. ;)

21 10 2008
Ayyang

haha kuya badoods, pwede ka na maging PANGALAWANG Pinoy sa Mt. Everest summit :p

badoodles: @ayyang marami nang pinoy nakaakyat sa summit. siguro ako na lang ang kauna-unahang pinoy na tatlo ang betlog na makakaakyat sa mt everest. o kaya kauna-unahang pinoy na umihi sa tuktok ng mt everest. kahit na ano basta pers.

21 10 2008
joshmarie

haha. natawa po ako sa sagot niyo sa comment ko. hehe. siguro nga… kaya mother nature ang tawag… dahil sa kabundukan… hehe… :)

badoodles: @joshmarie ang motherboard ng computer, alam mo bakit mother ang tawag? dahil may butas. ok shatap nako. pulos greenjoke na naman.

21 10 2008
akosimakoy

wow naman mukang masarap ngang mag mountain climbing. pampaganda rin yan ng katawan hmmmn ma-try nga…

badoodles: @akosimakoy at pampatigas ng utong. sa lamig ng hangin sa tuktok. try mo. bagong discovery ko.

21 10 2008
R.J.

yun sanang pulang garter ng boxers mo ang icocomment ko kaso dami nang nauna. so hindi na lang ako magcocomment don sa pulang garter. hindi na talaga. doon sa pulang garter? hindi na.

sa tingin ko kung natuloy kayo doon sa Susong Dalaga eh mahihirapan kayo. dahil sobrang tarik non tiyak dahil tayong tayo pa yon. pero doon sulit siguro talaga ang pagakyat dahil biruin mo naman, Susong Dalaga yon pards.

badoodles: @rj mapamahiin ako kaya pulang garter. sabi ng lola ko pantaboy ng aswang ang pulang garter. urban legend shit.

pag natuloy ako pare sa susong dalaga, wag kang mag-alala ihahalik kita dun sa tuktok for sure. hahagkan ko ang tuktok. syempre para sa yo un [dahil ayaw kong malagot sa misis ko].

21 10 2008
jheiphoe

sabagay, may point ka nga dun…

kahit anung hugis, itsura at laki… basta may suso… GO PAREN!!!

by the way, ganda nung lugar ah

badoodles: @jheiphoe exception to the rule: susong kasingkunat ng balat ko sa siko.

22 10 2008
lethalverses

naakyat ko na nga din ang suso gulugud baboy na yan, pero mas nag enjoy ako sa beach pagbaba :D

at salamat, natutunan kong may mga tae pala talagang nakakain. kaya siguro maraming sanay na sa lasa nito, maririnig mo minsan ang mapanlait na katagang “lasang tae…”

waaaw badoodles, ang gwapo gwapo mo pala. potekz, nakakabading!!!

badoodles: @lethalverses ung paglusong sa beach ang di ko nagawa. sayang. yun talaga ang culmination ng mountain climbing sa gulugud baboy dahil paanan lang ng bundok ang beach. ayaw kasing umitim ng mga kasama kong beaches. maybe i’ll do it next time.

22 10 2008
bart

pota baduds, pang matinee idol pala ang dating mo, sana wag mo ng tanggalin ang shades mo. astig ka tlga kahit kelan.

badoodles: @bart and also with you.

22 10 2008
foobarph

ok yun ah! may court sa bundok! nak ng.. ayos!

badoodles: @foobarph hayuf sa taas nung court. tingin ko mga tikbalang saka kapre ang nagbabasketball dun.

22 10 2008
vhonne

ahaha… tae ng kambing pala… kaya pala ganun ang lasa nun…

san bung gulugod baboy na yan? taga dine ako sa lipa, batangas pero wala naman ako masyadong alam sa lugar… lol…

sa bundok sa cuenca lng ako nakaakyat… ehehe…

badoodles: @vhonne u missed half of ur life kung di mo subukang pumunta dun. hindi mo matitikman ang hayup sa sarap na ice candy sa gulugod baboy. oo may ref sila sa bundok. lupit.

22 10 2008
popoyq

sayang naman at nagchange bundok kayong inakyat. sabi nila maganda daw sa bundok susong dalaga. 100million years na daw yung bundok na yun, baka lumawlaw na kaya nagchange venue?

anw, gusto ko din umakyat ng bundok. wala lang gusto ko lang. gusto kong malaman kung mananakit ba ang hita at paa ko o hindi.

kapag sa susong dalaga ba umakyat, bukod sa paa, ano pang sasakit kaya?hmmmm

badoodles: @popoy tingin ko hindi mo madiretso ako na magsasabi: sasakit pati t____ mo pag-akyat sa susong dalaga. tuhod :)

22 10 2008
Conventional Wisdom

Astig ng pics….lalo na yung last…kala ko si Ogie Alcasid na umitim. Lol.

(no offense to Ogie).

badoodles: @cv sigurado ka bang hindi si brad pitt nakikita mo? tignan mong mabuti. paki-alog pa ng konti ung monitor. isa pa… hindi pa rin? tsk. sige you win.

23 10 2008
McRey

Mas masagwa pa nga yung raisin na isinasama sa menudo eh…

Hindi na sya mukhang tae ng kambing, mukha na syang tae ng daga… eww

Hahaha…

badoodles: @mcrey morbid kang mag-isip. makiki-eww na din.

23 10 2008
carelesshush

waaaaaaaaa…natawa naman ako sa suso na naging baboy pa! hahaha..o nga naman!

tanong ko rin yan eh, pano nagiging bayani ang mga mountain climber, hmf! ehh andami naman climber na di lang nakikilala kasi ayaw ng shobiz. hihi.

badoodles: @carelesshush mas bayani pa ung mga pasahero sa bus dahil sa araw-araw na pagdidikit ko ng babolgum sa upuan, hindi sila nagsasawang tanggalin.

23 10 2008
beero

tsk! suso na nga naging baboy pa. di pa siguro yun ang takdang panahon bosing. hehe. pero astig pa rin naman ang trip nyo sa Gulugud Baboy kahit na alang baboy dun sa summit. hehe. at astigin din ang pechur oh! woot! dahil namulot ka ng basura pagbaba nyo, mas idol kita kesa kay romy garduce. lols.

badoodles: @beero panglimang beses mo nang sinabing idol mo ako. pramis hijo, naniniwala na ko sayo. hehe, tnx lex.

24 10 2008
beero

hahaha. at talagang binibilang mo pala bosing. lols. pero, totoo yun bosing. alang halong bola. kaya nga gumawa ako ng link catergory na para lang sayo.hehe. welkam bosing!

badoodles: @beero hanggat kaya pa bilangin. meron pang daliri sa paa kung magkulang ang pagbilang sa kamay. para akong may trono sa blog mo, kulang na lang mga magaganda at seksing alipin na magsusubo sakin ng ubas. salamat pre.

24 10 2008
lei

ampugee ni kuya badoods! AHHHH!! hahaha :) pwedeng-pwede nang ipangtapat sa boytoy ni ate xG na si umleo oh! Partida pa yan! si kuya badoods nasilipan lang ng pulang brief, si umelo kaylangan pa maghubad. lols. peace tayo kuya umleo. haha.

mukang mas takaw pansin pa ung solo picture ni kuya badoods na walang habas na pinapakita ang kanyang pulang brief(itim daw) kesa sa view ng galugud baboy. sana next time makapunta ka na talaga sa susong dalaga.. mas sexy siguro ang view dun, mageenjoy ka. lols.

badoodles: @lei wahhh- yan lang nakaya kong isagot. lakas ng hangin sa tuktok di ko napigilang dumungaw pati brip ko. buti naman brip lang. si umleo, fetus pa lang yan destined na maging boytoy. ako gradweyt na jan. ;)

24 10 2008
bomzz-in-iraq

sir badoods ang dami naka pansin sa Grief mo! hehehe napansin ko rin parang minomodel mo yata ang “DHL” DHL ba brand nyan? bagong business ng DHL ang andewer?hehehe ayusssssss patussss payongg!!

badoodles: @bomzz so-en daw yan sabi ni mareng maru. musta kau jan shoutout sa mga astig pinoyz!

24 10 2008
phot

ee, poging pogi pala `tong si mr. badoodles eh! haha.:)

badoodles: @phot bata ka pa kaya gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi pa malabo ang mata mo. wala nang bawian nasabi mo na yan.

25 10 2008
anakngpiso

kuya badoods yung panty nyo po nakikita…. ang sexy ah scarlet red ang undies.. ahahaha… ano ba yan, ang haba ng entry yun ang napansin ko…

ang sarap naman ng ginawa nyo…. pero di ko alam kung kaya ko yan… mejo matetest ang pagiging sweeper mo sakin.. cheers-glesy the great

http://anakngpiso.wordpress.com/

25 10 2008
b@kekang

delicious,papable,edible,yummy!..next 2 my hubby hehehe

26 10 2008
ronturon

huwawowowowow!!!

anak ng .. nainggit ako sa nature trip natin a! anakanamp! hehehe.. magta-tatlong bwan na ko sa Pinas hindi pa ko nakakapag-out-of-town.. hay…

asteg yung site… kainggit!!!
hweheheheh

26 10 2008
joshmarie

@yayaRONTURON: Lumabas ka naman kasi sa lungga mo. :)

—-

ok. may butas ang motherboard. :) pamatay talaga ang mga hirit niyo kuya badoodles. ;) i just noticed na si paperdoll ang unang nagcomment sa post na ito. galing na pala siya dito pero hindi niya narealize na ikaw si badoodles :) hehe. ;) natawa ako ng mapagkamalan niyang ikaw yun isang blogger. :)

napatambay lang po ulet at nakibasa ng mga comments. ;)

26 10 2008
paperdoll

@joshmarie

hindi co talaga alam :-( malay co kung yun pala ung ibang blog ni badoodz:-( tapos mahina pa ang memory co pag dating sa mukha:D

@badoodles

uu, napagkamalan co si kosa. . kasi naki basa aco ng post eh nirepost nya pala yung sulat mu dun sa future son mo dapat. nawindang aco at tinanong co sya ng “ikaw pala si badoodz?” sabi nya hinde, hindi rin aco nakuntento sa sagot nya.XD katangahan co sa pagbabasa hindi co pa nabasa ung REPOST. . buti nalang di nanunuklaw un:-( churi. .

27 10 2008
maelou

hahahahaha! =)) sa ganda ng pagkakadescribe mo feeling ko nandun ako sa lugar mismo. new reader po.

may friend ako kasama din sa mountain climbing club. sa kanya ko unang nalaman na pagkarating sa tuktok ng bundok picture taking lang ang ginagawa nila.

ikaw ba yung sa picture number 4? mukhang di po kayo pagod sir. hehehe.

28 10 2008
april

ang ganda ng view! matagal konang plan makapag-mountain climbing kaya lang di ako makahanap ng chance.

28 10 2008
jeck

mother nature and motherboard…me point ha..hehehe

me mga nag invite sa akin mag mountain climbing madalas di ako sumasama…kasi feeling ko baka di ako makarating sa tuktok dahil nadala na ako ng hangin, liit ko kasi…lumalakas ba ang hangin pag pataas na ng bundok? (di yung mga utot na naamoy mo ang tinatanong ko ha?) hehehe

28 10 2008
Kotsengkuba

wala palang bantay sa greatwall kaya nakalusot ako. kung di ka pa ang-comment dun di ko maitatry ulit. anyho, nabasa ko na to dati sa feeds, nalimot ko lang ang dapat na comments ko pero wala lang. paramdam lang halloween na e ;-)

31 10 2008
foobarph

badoodles: @foobarph hayuf sa taas nung court. tingin ko mga tikbalang saka kapre ang nagbabasketball dun.

ay naku, sinabi mo pa pre. pero natural lang yan sa mga province diba. hehe

badoodles: @foo napaka-racist kasi tignan. pano na lang yung mga dwende.

31 10 2008
jepoy

lupet back to the wilds hehe

badoodles: @jepoy tuloy ba ung palawan adventure natin? haha. sana.

15 11 2008
don pulubi

haha hindi ko pa nttry na umakyat ng bundok base sa kwento mo mukang mawawalan na ako ng balak. wall climbing palang ang nasusubukan ko at malayo iyon sa akyat na sinbi mo.. at dahil tatlong kilo lang ang bigat ko malamang di ako tatagal..

badoodles: @don pulubi mas mahirap ang wall climbing dahil mas matarik. pag mountain climbing naman para ka lang nagi-stroll sa bukiran.

20 11 2008
chona

sosyal ka namang magsampay naka sunglass ka pa. Pinipintahan kong mabuti kamukha mo ang classmate ko sa college. Uhugin yon at hindi ko nakikitang nagpaparticipate sa klase, pero minsang pumasok ako ng sabado nakita ko pinagsisigawan nya ang mga estudyanteng lalake sa kolehiyo, kaya naman pala sya ang commander ng ROTC. Buti na lang pala hindi ko tinaray tarayan.

21 11 2008
mumusakanto

masarap mag mountain climbing, minsan ko lang yan na experience nung bata pa ko, nakakangini gng tuhod pero ma-thrill.. pinatulan nio talaga yung baskelball court? lolols..

badoodles: @mumusakanto sa pag-akyat namin sandamakmak na reklamo tapos nung nakakita ng court, babad naman maglaro. hehe. may pustahan kasi kaya ganun.

6 01 2009
accounthing

cool,. nandun parin ba yung asong rakista? my ngtitinda parin ba ng ice candy?

12 01 2009
boytoy

ang pugler mo pla idol… cnung mas pogi satin?

12 09 2009
Jessica_DosPalmas

infairness ang ganda ng mga pix mo d2…grabe sa mga nakakatawang pagpuna at pagsagot..sana matuloy na kau sa Susong Dalaga na bundok,d2 sa palawan try nio..ganda ng view,samahan mo pa ng magandang beaches,..if u have any questions bout palawan u can email me caca_21rule@yahoo.com..tulungan ko kau hanap ng hinahanap nio wahehehe..

15 09 2009
socioako

sana umakyat ka din susong dalaga… pwamis maraming suso este view… heheh

lufet ng hello world underwear! pansing pansin! haha lols

24 09 2009
N91

“Suso na naging baboy pa.” – Hahaha…ayus na hirit to a.

Correction lang, ang unang bundok na inakyat ni Romy Garduce ay Mt. Nagcarlan nung 1991. Lawit din dila niya dun. Yung “bayani” na hirit naman galing lang sa media yun, alam mo naman dito sa Pinas lahat pinalalaki. Si Romy bukod sa namumulot na basura dito sa Pinas, mahilig din yan mag tapon ng barya sa kalye (para daw may makapulot na mga bata haha). Labo, pero in a way may sense din kahit pano.

Sino yung 2 members ng UP Mountaineers na kasama mo?

20 01 2010
jenny

tungkol po ba sa mga kababalaghan ang mga kwento dito??
may impormasyon akong sasabihin sa inyo kung gusto nyo malaman ang lugar may roon talagang aswang un ang lugar namin sa katunayan sa mga panahon ngaun un ang problema sa lugar namin sa STA. ROSA MATAG-OB LEYTE marami ng naging aswang sa lugar namin sa katunayan my bata na pong nakagat buti nalang may nakakita at nailigtas ung bata ngaun nasa hospital parin ung bata
at ung isang asawa ng aswang humihingi na ngaun ng tulong sa namomono ng barangay namin nakita nya daw kc kung paano mag transform ang asawa nya
kaya natatakot na cya at gusto nya etong ipagamot sana kung may alam kau tung sa paraan kung paanp PAGAGALINGIN ANG MGA TAONG NAHAWAAN NG PAG KA ASWANG PLS LANG PO TULONGAN PO NINYO KAMI AKO PO AY LUBOS NA NANANAWAGAN SA MGA TAONG MAY MABUTING PUSO kung ayaw po ninyong maniwala magpunta nalang po kau sa lugar namin at kaya na po mismo ang tumoklas ng mga kababalaghan doon magtanong po kau sa mga tao doon sa lugar namin for more information contack this number 09067139535 MARAMING salamat po kami po ay mag hihintay sa mga taong may alam kung paano sugpoin ang ganitong problema maraming salamat magnhihintay po sa mga tulong nyo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 144 other followers

%d bloggers like this: