Napanood ko sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagkakahuli ng lider ng mga sundalo matapos makorner ang kanilang buong grupo. Pamilyar ang pangalan. ‘Sana hindi, sana hindi’, napaso pa ang dila ko sa paghigop ng kape kakasabi nito. Tuluyan na ngang pinakita sa tv ang mukha ng sundalo, na parang ‘photo grab’ lang mula sa kanyang Friendster account. [Napaka-resourceful ng media]. Lintik. Si Cammayo nga.

Nagbalik sa alaala ko ang nakaraan. Upper class ko ‘tong si 1Lt Vicente Cammayo mula ROTC days pa lang hanggang sa sumubok akong magsundalo. Mabait na tao si Cammayo. Sobra nga ang respeto sa ‘kin ng taong ito kahit minsan hindi pa ako pinatikim kahit isang unday ng suntok. Mas malaki kasi ako sa kanya kaya di niya ako magawang batukan.
Pag pumasok kang opisyal ng ROTC kung anu-anong ‘rites of passage’ ang ipapagawa sa ‘yo. Meron ‘yung pag MWF na pagpasok ko sa school dapat nakarubber shoes ako sa kanang paa tapos tsinelas naman sa kaliwa tapos may necktie pa na parang nareject sa audition na maging miyembro ng ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs. O kaya naman ay bigla lang akong pasisigawin ng tulang ‘Andres Bonifacio Atapang Atao’ sa gitna ng pila ng bayaran ng tuition fee. May kasama pang matinding hand gesture ‘yan. Tawanan ang mga nakapila kaya kilala na ako sa accounting office. Siyempre basta kagaguhan game ako dyan, minamani-mani ko lang.










Bagong Puna