Isang taon na pala ang nakakalipas mula ng mapikot kinasal ako sa maganda kong asawa. Heto ang mga bagay na natutunan ko bilang may asawa:
1. Pag nagkakainitan sa usapan, divert the topic. Halimbawa,
BebeKo: Lakwatsa ka ng lakwatsa, anong akala mo binata ka? Kahapon.. yada.. yada…
PogiMe: Be ano ‘yung nakasabit sa bintana? Manananggal! [sabay turo]
BebeKo: Asan? Wala naman eh?
PogiMe: Syempre wala na, nakalipad na. Antagal mong tumingin.
2. Pag nagkatampuhan, ‘wag piliting magkabati, take it slow. Sabi ng mga ninong at ninang namin sa kasal, wag matutulog nang hindi nagkakaayos. Di ko alam kung anong reference material nila sa pagsabi nila no’n, baka Abante Tonite saka iyottube.com. Pero mas okay ‘yung wag munang magkibuan, pahupain ang sama ng loob. Tapos mamyang madaling araw, oras ko na para umatake, maglambing, at yumakap ng mahigpit. Wala nang usap-usap ‘yan. ‘Yun na ‘yun. Hindi nga lang fool-proof ang advice na ‘to dahil kung minsan, napagkakamalan niyang gumaganti pa din ako dahil hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa leeg. Choke slam kung choke slam ito. Hahaha.
Hindi na masama ‘yan, dalawang aral sa isang taon. Tama ‘yung sinasabi nila na ‘wisdom comes with age’ saka ano… ahm… ‘sex is the best teacher’. Oo, ‘yun nga. Anong typo error, walang typo error ‘yan, wag ka nang umangal kung ayaw mong masaktan.
Basahin ang karugtong nitong lahok »
Bagong Puna