Between Then and Now

2 09 2011

Andaming nangyari mula noong huling kwento ko hanggang ngayon.  Pero dahil di naman ako sigurado kung interesado kang malaman lahat ‘yun, etong timeline ng nangyari sakin mula noong isang taon para naman makahabol tayo sa mga nawalang oras at sandali:

- Nagbalik Pinas.  Oo, anghirap pala ma-homesick. Ilang buwan palang ako abroad,  sobrang homesick nako.  Pag-uwi ko galing trabaho tulo-luha nako sa homesick.  Buti na lang pinadala sakin ng misis ko ‘yung panty na pinagbihisan niya para pag nami-miss ko siya sisinghutin ko lang ‘yung panty niya, pamatay homesick na.  Pagkatapos ng ilang buwan di ko na masinghot kasi pamatay na ‘yung amoy.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Cross Cultural Communication

8 07 2010

Pare-pareho naman kaming ingles ang usapan sa opisina kahit magkakaiba ang lahi namin pero minsan di pa din kami magkaintindihan. ‘Yung mga bumbay, matigas ang mga letra at exaggerated ang letrang ‘arrrr’. Mga Aussie naman tamad kumpletuhin ang sinasabi. Kumbaga sa pangungusap, binanggit lang ‘yung subject, pagdating sa predicate malabo na, di mo na maintindihan. Di mo alam kung ang sinabi ba ay ‘Jack fell down’ o ‘Jack jakoled’. Di tulad sa Pinoy, pag nag-ingles bawat syllable buong buo. Alam mong Pinoy kapag nagbigkas ng salita parang guro sa elementarya. ‘How are you today? I’m payn tenkyu’.

At ang mga Aussies, may sarili din silang salitang kanto na di mo agad maintindihan. Ang tawag nila sa breakfast ay brekkie. Ang tawag nila sa biscuit ay bickie. Hula ko lang, ang tawag nila sa pokpok ay puckie. At pag naggu-gudbay pa sila sa opisina ay palaging ‘see you later’. Pano’ng ‘see you later’ e bukas pa ulit kami magkikita. Hindi ba dapat, ‘See you latest?’ Hehe. Oo na, ‘See you tomorrow’. Minsan na nga lang ako mag-joke nang-aanu-ano ka pa dyan.

Sa mga kaopisina ko namang bumbay, nagpaturo ako pano magmura sa salitang Hindi para pagpunta ko ng India, cool ako dahil kaya kong makipagsabayan magmura. Just in case lang naman. Ang mothafucker sa kanila ay ‘Ma choud’. Naalala ko bigla [Ting! Bumbilya epeks] kaya pala ‘nung panahong nagha-hunger strike si Mahatma Gandhi ay panay ang sigaw niya ng ‘Ma choud! Ma chould!’. Kala ko Ma chow! Kasi gutom. [Opss, kwentong barbero alert]

Nagpaturo naman sa ‘kin ng mga basic ‘conversational’ Tagalog words ang mga kaopisina ko para naman daw ‘pag namasyal sila sa Pinas, may alam sila kahit konti.

Aussie1:        How do you say bad words in the Philippines?
Badoodles:   Gago tanginamo.
Aussie1:        It’s very long. There’s no short version?
Badoodles:   Pakyu.
Aussie1:        What do you call an ugly woman?
Badoodles:    A shrimp.
Aussie1:       Those are english words!!
Badoodles:   You’re not listening. I told you we were colonized by stupid idiot Americans.
Aussie1:      What is beautiful woman?
Badoodles:  Pokpok.
Aussie1:       How do you say ‘Where’s the toilet’?
Badoodles:   Asan ang takubets?
Aussie1:       [*Nagkamot ng ulo] But before, you said it’s Si-ar.
Badoodles:   Yes takubets for the boys, Si-ar for the girls. [Lusot]
Aussie1:        How do you say ‘How much is this’?
Badoodles:   Magkano ka?

Gugulong siguro ako sa katatawa ‘pag nalaman kong pumasyal sila sa Pinas. At hindi imposibleng hantingin nila ako ‘pag nangyari ‘yun. At meron namang kwentuhang hindi lang talaga ninyo maintindihan ang isa’t-isa.

Indian Girl:   What do people in your country play?
Badoodles:    We play basketbol. What about in your kantre? [* di maikakailang Pinoy]
Indian Girl:   Oh in India, we play titi.
Badoodles:   What?!
Indian Girl:   Titi? That’s our national past time. We love playing titi.
Badoodles:   In the Philippines, only men play titi.
Indian Girl:  Why? Women there don’t like titi?
Badoodles:    They like titi but they only play titi of their husband.

Natapos ang usapan na hindi kami nagkaintindihan. Nalaman ko, ang ibig niya lang palang sabihin sa titi ay table tennis. Pa titi – titi pa kasi table tennis lang naman pala ibig sabihin. At isa pa ‘tong manager naming manang. Excited na lumapit tapos sabi ‘Ohhhh let’s go to Mt. Bulbul’. Syempre sinabi ko na ‘wag na lang, hindi mahilig ang mga Pinoy sa Bulbul. Di na ‘ko nag-elaborate kung bakit dahil pasimple na akong inapakan nung kasama kong Pinay. Sayang ‘yung joke ko, di ko na naituloy. Oh well.

Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.

Ah, Question of the Day na ba. Sige, ang tanong ng bayan: Anong paboritong ekspresyon/mura mo pag badtrip ka? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago, o pinakahayup o kahit na anong sagot sa comment box. Ang di magparamdam, multo.

Piktyur 1.] Dito kami nagyoyosi breyk tapat ng train station nila na mukhang mall. May vandal din ako dyan na pentel pen ”Bawal umehi dito – Badoodles”.





Land of the Sheepshaggers

1 06 2010

Habang tumatagal ako dito sa Australia, lalo akong napapabilib sa sistema nila. Bilib na may kasamang inggit. Panong di ka maiinggit, magtatapon ka ng basura kusang bubukas yung takip ng basura. Iinom ka sa gripo, meron nang pindutan ng hot or cold. Iihi ka sa urinal kusang papawpawan yung betlog mo. Ok ok, gawa gawa ko lang ‘yung pangatlo. Pero pag napapaisip ako, ang Pinas ay galing pa sa pinaghalu-halong maharlikang dugo ng mga ita, indones at nognog pero third world country pa din samantalang ang Australya na isang dating tapunan lang ng preso ng Gran Britanya ay isa na sa pinakasibilisado at asensadong lugar sa mundo.

Nung panahon ng British colony, tapunan lang ng preso ang Australia. Ayon sa kwento [ng isang barbero na nagba-blog], na-bored ang mga preso kaya nagbungkal na lang ng lupa, nagtanim ng sangkatutak na gulay, at nag-alaga ng sandamakmak na tupa. Sa atin pag nabo-bored ang mga preso, binobrokeback yung kapwa preso, pero sila malamang sa malamang pag nabo-bored ay mga tupa ang pinagdidiskitahan. Well, teorya ko lang naman yan na mahilig sila sa tupa, wala pa akong matibay na ebidensya maliban nga sa pag bumabati sila ay parating G’day meeehhh!

At pag ganitong mainggitin ako, balasubas akong sumagot sa usapan. Tinanong ako minsan ng isang opismeyt kong kupal na Aussie kung anong bansa ako.

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Partida di pa ako pikon dyan. Saka di mo magawang mapikon dahil nga dayo ka lang. Ang kaya ko lang gawin ay tayuan kung anong nasabi ko saka wag magpapalamang. At kung bastusan lang ang pag-uusapan, panalo tayo dyan. Kaya pag nababanggit ‘yung ‘third world country’ sadya man o hindi sadya, sinosopla ko lang ng ‘Dammit, you sheepshaggers’. Pero in general naman, marunong rumespeto at palakaibigan ang mga Aussies.

Ayos din sana mamuhay dito dahil nga mababa ang crime rate. Kung may krimen man dito, kasing bihira ng ngipin ng manok. Nakakita ka na ba ng ngipin ng manok? Kaya nga, ganun ka bihira. Ayos din ang ospital nila. Pag ang Aussie nagkaka-baby, binibigyan ng gobyerno nila ng 6 months na baby allowance. Sa ‘tin pag nagkaka-baby, binibigyan lang ng libreng pa-condom sa health center. Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.

Ang problema ko na lang dito, hindi pa nila nadidiskubre ang pinakahenyong imbensyon ng mga Pinoy – ang tabo. Walang nagbebenta ng tabo dito. Hindi pa naman tayo sanay na walang tabo. Gumagamit tayo ng tabo panghugas ng pwet at hindi yung kaskas-tissue lang. Kaya pag merong nilalangaw ang pwet dito, syento porsyentong hindi ako ‘yun.

Tsaka walang Jollibee dito. Wala silang pagkain na tatakamin ka. Lasang papel ang pagkain nila. Kung minsan naman, lasang cardboard. At pag tinimplahan mo ng asin, magiging lasang inasinang cardboard. Oh Shyet, miss na kita Pinas.

Piktyur 1.] Ang mahiwagang tabo ni badoodles.





Humor Gone Mad

8 10 2008

Napanood ko sa balita ‘yung tungkol sa ginawang butt of joke ng BBC sitcom na ‘Harry and Paul’ ang pagiging Pinay domestic helper.  Foul ‘yun.  Sobrang nalungkot ako dun sa balita gusto kong kumanta ng ubod lakas na April Boys song kaninang umaga sa opisina.  ‘Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw!  Pati ang isip at damdamin ay humihi-yawwwwww..’  Demmet dat Brits.

 

Pagkatapos nung nangyaring racial slur sa ‘Desperate Housewives’ sa US, heto na naman ‘tong Harry and Paul.  Sinasabi ng iba na baka pikon lang talaga tayong mga Pinoy.  Kung sino mang tipaklong ang nagconvince sa ‘yo nyan,  siyatap u.  Ako pikon?%$# Neber.  Dyan ka lang sa kinauupuan mo tanginiks ka, wag kang gagalaw, kukunin ko lang laptop ko, isasaksak ko sa tumbong mo.  Narinig ko na ‘yang mga ganyang comment sa radyo, tv, saka nabasa sa balot ng tinapa kaya ‘wag nang inuulit.  Hindi naman kasi simpleng kaso lang ng ‘pikon-talo’ ‘yun.  Unang lesson:  Humor is deeply cultural.  May mga nakakatawa sa isang lugar, na insulto naman pagdating sa iba.  Dito pumapasok ‘yung hinihinging kaunting sensibilities sa pagbibitaw ng birong pwedeng pagmulan ng World War III. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Body Talk

22 04 2008

Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makaharap si God at makausap ng masinsinan, eto ang mga suggestions ko para sa ikabubuti ng sangkatauhan:  

 

- Dagdagan pa ang haba ng pototoy naming mga Pinoy kahit 2 inches lang.  Sige na nga, kahit 1 inch lang.  Sige na po, please. [Talagang tumawad e]

 

- ‘Yung idadagdag na haba sa pototoy namin e ibawas na lang po sa pototoy ng mga Negro at Kano para mabawasan din ang kayabangan nila.  Saka para naman sa halip na puro gasgas na linyang ‘Pack me hard like a Negro’ ang sinasabi sa mga Hollywood movies e makakarinig na din kami ng mga bagong dialogue tulad ng ‘Make labs to me like a hot macho Pinoy’.   Awwrrr!

 

- Patawan ng parusang kamatayan ang mga lalaking nagpapahaba ng kuko.  Ganung ganun ang kuko nung sangganong nakatabi ko sa bus nung isang linggo.  Kumikislap sa araw ang kanyang ‘bling bling’ na kuko na kulay dilaw at bright red.  Kala ko may nakasabay akong taong ‘traffic light’.  At may disenyo pang maliliit na hugis puso.  Puke talaga, anong klaseng kabulbulan at kajologan naman ang makakaisip gumawa ng ganun.  Hindi nga lang ako maka-epal baka bigla akong kalmutin.  Sobrang naligalig ako dun sa nakita kong ‘yun kaya ilang gabi din akong hindi nakatulog ng mahimbing.

 

- Nagrereklamo na si misis sa palagiang pananakit ng buto nya sa pwet o ‘yung coccyx.   At ang pinagdududahan nyang dahilan ay ‘yung lingguhan naming schedule ng ‘modern position’.  Samantalang nung tinanong naman kami nung pre-marriage counsellor ng simbahan ng ‘Do you agree when your partner wants to ‘do it’ the modern way?’, e oo lang siya ng oo.  Tatanungin ko pa sana ang lay counselor ng paignoranteng ‘Can you please qualify what do you mean modern way?’ e kaso umoo na ang aking butihing maybahay.  [At opo, merong ganyang klaseng tanong sa simbahan bago ikasal].  Tutal naman sabi naman po sa Bibliya, galing kami kina Eba at Adan at hindi sa lahing unggoy, tanggalin na lang ang tail bone na ‘yun.  [At pag wala na ‘yun, the possibilities are endless, biruin mo,  pwede nang gawin ng mga couples kahit saan, sa lababo, sa bubungan, o loob ng washing machine ang gusto nilang gawin sa kanilang buhay at walang pwet na sasakit at magrereklamo].

 

- Bakit po kapag nae-excite kami e balahibo namin ang tumatayo?  Mali po ‘yun eh.  Isipin mo na lang na matutuwa ka tapos biglang ang magtatayuan ‘yung buhok mo sa pwet.  Ampangit.  Parang cartoons.

 

- Isa pa po ‘tong appendix namin.  Sabi nung Science teacher ko wala naman daw silbi ang appendix pwera na lang kung vegetarian ka tulad ng kalabaw na kailangan ng extra pouch na lalagyanan ng ulam.  Dahil karamihan naman po ng Pinoy ay walang balak maging vegetarian sapagkat masarap ang tocino, dinuguan, menudo, bopis, kare-kare saka nilagang baka, sana lang sa susunod na salinlahing Pilipino, wala nang appendix.  [Opo selfish ako, gusto ko Pinoy lang ang walang appendix].

 

- Saka isa pa po ‘yang  wisdom tooth na yan.  Bakit po ba may wisdom tooth.  Pag hindi pa po ba tinutubuan ng wisdom tooth ibig sabihin e bobo ‘yung tao.  At pag may wisdom tooth na ay magkakaroon ka na ng wisdom?  Mas mainam po bang pampatalino ang pagkakaroon ng wisdom tooth kesa kumain ng mani at paglaklak ng isang karton ng Tiki-Tiki?  Kaya po ba mukang monay sabi ni Xienah Girl si Judy Ann Santos dahil kasinlaki ng kalabaw ang kanyang wisdom tooth?

 

- Kung ako lang ang tatanungin, hindi bagay sa kalalakihan ang may nipples.  Bakit po ba may nipples kami hindi naman kami nagpapasuso?  Saka hindi po ako sanay na nilalapirot ni BebeKo ang nipples ko pag natutuwa siya sa pinapanood niyang soap opera.  Kaya kung pwede, wala na lang.  Gawin na lang ‘abs’ mula dibdib hanggang tiyan.

 

- Last but not the least, ilipat ang betlogs sa noo ng kalalakihan at gayundin ang pukengkeng ng kababaihan.  Mahirap na kasi ang panahon ngayon, hindi mo na madistinguish kung sino ang lalaki sa babae.  May lalakeng mukhang babae.  May babaeng may bigote pero babae.  May bading na mas maganda pa sa babae.  Lagi nga kaming natatanso sa Glorietta pano kala mo pagkagagandang dilag e mas mahahaba pa ata ang lawit ng mga hitad. 

 

‘Yun lang po.  Hindi ko po alam kung may suggestion box dyan sa langit, pero kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, sana lang po mapakinggan ang aking payak na hiling.

 

P.S.  Pahabol lang po, baka pwedeng padagdag na din ng guhit sa aming palad at daliri.  Alam mo naman kaming mga Pinoy, mga rice-loving people.  Eto kasi ginagamit naming pansukat ng tubig sa bigas.  Si misis kasi pag nagsaing, kung hindi malabsa e tutong.  Pag mas maraming guhit, malamang mas accurate ang sukat ng tubig.  Tenkyu berimats po.





No Mating Season

26 03 2008

Umaatungal si BebeKo nang lumabas na ang resulta ng pregnancy test nya saka Histopath, parehong nagsasabing buntis siya.  Noon ‘yun.  Bago pa siya ‘dinatnan’ last week na nahirapan pa nga siyang i-flush ‘yun’ sa CR.  

Mahirap i-console ang babae.  Dahil una, mabilis ang kanilang emotional attachments sa mga bagay-bagay.  Sakin, isang simpleng sperm at itlog lang ‘yun na nag-date at hindi nagkatuluyan.  Hindi naman kasi kami close ng sperm ko kaya rason ko, ‘Gumawa na lang ulit’.  Walang problema.  Marami pa akong stock na sperm.  Pero iba kay BebeKo.  Pinangalanan na nga agad ni BebeKo ‘yun ng Angel.  Ako may pinangalan na din naman – Casper.    Baka nga pinagplanuhan na ni BebeKo kung anong brand ng pampers ang gagamitin ni Casper,  saang exclusive school mag-aaral, at kanino siya ipapakasal.  Hehe.   

“Bakit hindi ka nalulungkot?”.  Nilapirot ni BebeKo ang dibdib ko.  Ewan, bakit kapag hinihila nya ‘yun e parang may kuryenteng dumadaloy papuntang betlogs ko.  Hindi ko alam kung sinadya talaga ni Papa Jesus na magkaroon ng koneksiyon ang utong at betlog o baka ito lang ‘yung sinasabi kong ‘Maybe, it’s just me’. 

“Anlungkot lungkot ko kaya tignan mo o?”.  Sinipat ko muna ang sarili sa salamin.  Ginaya ang pagkakalukot ng mukha ni John Lloyd Cruz  noong nagsusumamo siya kay Bea Alonzo sa pelikulang ‘One More Chance’.  Pero sablay.  Hindi ko kamukha si John Lloyd.  Sa pagkakataong ‘yun, mas kamukha ko si Bentong. 

“Ikaw kasi, nagtampo tuloy sa ‘yo”, hirit ni BebeKo.  Sabagay may punto siya.  Sinabi ko kasi noon na hindi pa ako handa magkaroon ng anak.  Wala akong balak i-share ang dede.  Akin lang ‘yun.  Baka nga gumanti si Casper sa ‘kin at lumabas ‘yung kamay nya sa inidoro at biglang kalabitin ‘yung betlog ko habang nagsi-CR ako.  Nakokonsensiya na tuloy ako.  Sa susunod, papayag na akong pumasok sa isang kasunduan para i-share ‘yung dede sa magiging baby ni BebeKo.  Basta ba sa kanya ‘yung kaliwang dede, gusto ko akin ‘yung kanan.  Kananete kasi ako.   

Sabi ng OB-Gyne mababa daw ang matris ni BebeKo kaya kailangang ipahilot para tumaas.  Wala pa akong naririnig na nagpapataas ng matris sa ibang bansa tulad ng Amerika at Australia kaya iisa lang ang naging siyentipikong konklusyon ko – malakas talaga ang gravity pull sa bansang Pilipinas kumpara sa ibang parte ng mundo.   

Nagpahilot nga si BebeKo nung isang araw habang nasa opis ako.  Andami daw pinagbawal nung aleng manghihilot.  Bawal malamig na tubig, bawal ang Coke at higit sa lahat, bawal ang labing-labing.  Taena naman, hindi ko alam kung may tagong galit sa ‘kin ‘yung manghihilot na ‘yun at pinagbawal ang sex.  Ng isang buwan.  Kulang na lang e isalang ako sa silya elektrika ah.  O baka mas gugustuhin ko pang matutong sa silya elektrika, o pasakan ng buhay na kawad ng kuryente sa ilong kesa pagbawalan ng labmaking.  Naman.   

Tanggalin mo ang sex sa buhay naming mga lalaki ng limang araw kung hindi kami matuliro ng todo.  Pakiramdam ko nga, ngayon pa lang, parang barado ang buo kong katawan, mahina ang pandinig [iba ang dinig ko sa salitang canton], at nanghihinang nahihirapang magreply sa mga comments nyo [Cencia na po].   

Pakyu talaga ‘yung matandang ‘yun.  Mahanting nga.  Kung pinoproblema nya ‘yung mababang matris ni BebeKo, kaya ko namang ipataas ‘yun.  Hihilahin ko lang ‘yung dalawang fallopian tube sa matris ni BebeKo hanggang umabot sa may balunbalunan nya saka ko ita-thumb tacks.  Tapos.





Boxer or Brief

1 02 2008

Alam ko may pagkapilyo ‘tong si God nang mag-iwan ng ‘human glitch’ sa pagkakagawa ng kalalakihan.  Human glitch ‘yung pagkakaroon namin ng morning sickness o ‘yung biglaang pagtigas ng pototoy sa umaga, lalung lalo na pag malamig ang paligid. Wala lang, trip trip lang siguro ni God, para naman hindi boring ang mundo kung perpekto ang pagkakagawa ng mga bagay bagay.  

Struggle talaga sa kin ‘yung morning sickness dahil air con bus ang sinasakyan ko papasok ng opis.  Bigla na lang maninigas ang pototoy ko ‘pag umaga sa kadahilanang, wala lang, trip nya lang talagang mag-stretching exercise.  Sa ngayon, may nahanap akong panandaliang solusyon sa ‘morning sickness’ ko – ang pagsusuot ng brief.  Oo, hindi ako nagbi-brief.  Isang dekada na yata ang nakakalipas ng huling mag-brip ako.  Hehe, siyempre naka boxer shorts naman kasi ako.  Nasanay akong magboxer shorts nung college, nung panahong cool ang maghubo sa harap ng school admin at sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Pero hanggang ngayon di ko pa rin ma-konek kung bakit kelangang  maghubo muna kami bago sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Ang alam ko lang, mas madaling hubarin ang boxer shorts kaysa sa brip.  

Advantage ng boxer shorts, maluwang,  may built in ventilation system para mahanginan ang ibong namamahay sa loob, at makapaglaro ng habulan-taya ang nag-uumpugang betlogs.  At kasabay din ng pakikipaglaban ko sa aking karapatan bilang estudyante,  natuto ring magdemand ng right to freedom of space at right to fresh air ang ibon ko.  Kaya dun nagsimula ang aking boxer shorts story. 

On the other hand, ngayon ko lang muling na-realize na okey din naman sa ‘kin ang pagsusuot ng brief, lalo na pag mas masikip, bakat na bakat kasi ‘yung etits ko kaya nagmumukha tuloy malaki. Mukhang XL.  San ka pa.    

Pero tulad ni Scoffield ng ‘Prison Break’, alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang pototoy kong makawala sa brief ko.  At pagdating ng panahong ‘yon, meron pa naman akong huling alas na natitira – ang gumamit ng industrial strength packaging tape para mapirmi ang kanyang kalalagyan sa ‘karug’ – oo karug, ‘yung karugtong ng bulbol sa may bandang ibaba ng pusod.  At pag hindi pa rin umubra ang packaging tape, gagamit an ko na ng higanteng stapler at ii-stapler ko ang potoytoy ko sa makunat na balat ng aking yagbols.  Wala lang, pauso ko lang. 

Pero pano kung ikaw ang tatanungin, ano bang nararapat, boxer ba o brief?  Dagdag pogi points ba sa mga kababaihan kung nakaboxer shorts o brief ang kanilang mister o boypren?  Huwag niyong ismolin ‘tong pinag-uusapan natin dahil isa itong seryosong usapin.  Dito nakasalalay ang magiging desisyon ng susunod na henerasyon ng Pilipino.  Kung dapat nga bang boxer o brief.  Kaya ang tanong ng taong bayan, boxer ba o brief?  Let the historical debate begin!





What Men Can’t Do

5 11 2007

May mga babaeng nagrereklamo, ‘bakit ang lalake pedeng mangaliwa pero ang babae hindi pwede?’.  Tanggapin na natin ‘yun.  Ganun talaga.  Pero di lang naman babae ang nado-double standard sa lipunan.  Ayon sa aking masusing pakikipag-inuman, bar room story telling, at kung sino-sino pang nakakakwentuhan – rich, poor, doctor, meyor, meron din naman kaming di pwedeng gawin na ok lang gawin ng mga babae.   

Tulad na lang sa pangalan.   ‘Pag babae ang gumamit ng panlalakeng pangalan tulad ng ‘Billie, Ian, Jordan’  e ang cool pakinggan.  ‘Pag nakikipagkilala, “Hi, I’m Billie and dis is my foxy fren Ian, we’re wondering if we can fuck your brains out”.  Nakakalibog pakinggan.  Pero pag boys at ang pangalan namin ay pambabae, “[in big deep voice]  Hi I’m Jenifer and dis is my pren pareng Susan.  Ahh.. we’re wondering if we can fuck your brains out?”  Tangena di ko alam kung di pa kayo tumakbo sa takot.   

Ang babae pedeng magpasama sa kaibigang babae sa CR.  ‘Girl, powder tayo sa CR.  Retouch kita’.  Ayos lang, bonding moment ng mga babae.  Pero pag kami, ‘Pare, samahan mo nga akong juminggel sa CR.  Pa-assist ha’.  Pucha, di ba nakakakilabot-bulbol pakinggan?   

Hot chic ang babaeng naka-t-back.  Isipin mo na lang kung kami naman ang naka-t-back.  Ang hirap nun, kelangan ng sandamakmak na talent para balansehin ‘yung betlogs namin.  At hindi pwedeng ‘yung dalawang itlog ang naka-‘sakay’ sa t-back, siguradong nakalaylay ‘yung isa.  Hindi ba mas unfair ang mundo sa min?  Hem ay rayt chocolayt?   

Kaya payo ko, let’s accept things we can’t change, sabi yan ni St. Francis of Assissi.  Ang aangal pupunta sa hell.





The Choices We Make

26 09 2007

In our lifetime, we jump from one work to another, approximately 5-7 times. San galing statistics ko?  Wala lang.  Napanaginipan ko lang.  Malay mo totoo.  Kung minsan hindi ka lang sigurado sa pinili mong gawin kaya ka palipat-lipat.  “Ayaw ko nang gumiling-giling, pagod na ako”, sabi ng potmaker.  Sabagay, para ka ngang nagbibilot ng malaking kulangot kung ganyan trabaho mo.  Ako nga, magkakaalmoranas na sa walong oras na pag-upo sa harap ng computer.  At pag Pinoy ka na nasa ibang bansa, kadalasang may dalawang full time job ka pa. 

Hindi ako nagtuloy maging sundalo o kaya mag-abugado.  Sa pagsusundalo,  kasama kasi sa job description ang kumitil ng buhay, mahina loob ko sa ganun.  Small time ipis killer lang talaga ako.  Iniisip ko nga kung pano ang payroll sa pagsusundalo.  Baka sabihan pa ako nung mga taga-payroll, “Tatlo pa lang nabaril mo, pano ka mapo-promote nyan?”.  O kaya, “Hala, may nabaril kang inosens, salary deduction ‘yan”, na para ka lang nakabasag ng pinggan.   Sa pag-aabugado naman, may pagkakataong dedepensahan mo ang isang kriminal [bawal kasi ang pumili ng kliyente].  “Injection your honor”,  isisigaw ko dun sa korte na rereplayan naman ako agad ng “Injection oberul”.  Packing sheet, bakit kaya injection eh di naman ako duktor. 

Software engineer ako ngayon with deep industry expertise working on Microsoft.Net platform.  Problema ko lang ang hirap i-explain sa pamilya ko kung ano ang ginagawa ko para kumita di tulad kung sundalo o abugado ka.  In plain words, kami ‘yung gumagawa ng mga ‘bleeding edge’ business technologies.  Ang mga kliyenteng nakaka-rubbing elbows ay ‘yung mga nasa Fortune 500 companies.  Pero ang suspetsa pa rin ni Mommy, macho dancer ako sa isang strip club dahil sa napaka-unholy hour kong magtrabaho. 

 ‘Pag nagre-reunion nga ang mga barkada kong sundalo o classmates sa law iskul, ako lang ‘yung odd man out.  “Di sundalo, di abugado, ano ito?”, napagti-tripan pa akong gawing bugtong pero ok lang.  May ilang colonel din sa training camp ang na-frustrate sa ‘kin noong di ako nagtuloy magsundalo, ‘yung mga naging tatay-tatayan ko kasi ako ‘yung parating number 1 sa physical and academic trainings.   Sa law school, si Dean Letty Aquino na nanay ni gifted child Fr. Aquino na isa sa top 1000 philosophers of the millennium in the world, ayaw akong payagang huminto sa law school.  Kakalawangin daw utak ko ‘pag huminto [hehe, dati na pong may kalawang].    

Last Sunday, nag-take ng bar ‘yung mga classmates ko sa law school.  Kasama sana ako kung di ako huminto last year.  Daming what if’s.  Indeed, what we do today affects who we are in the future.  Nag-attend pa din ako ng bar operations sa Dela Salle para suportahan ang mga kaibigan at kaklase.  Ang bar exam ang pinakaprestihiyosong exam sa Pinas.  Enjoy mag-attend kasi ‘yung kahabaan ng Taft sarado sa dami ng tao, media, at bandang nagpe-perform.   ‘Yun lang din ‘yung pagkakataong pwede kang magtatatakbo ng hubo’t hubad ng walang manghuhuli sa ‘yong pulis.  Ginawa ko nung college ‘yun pero hinuli ako ng sekyu.  Ang reklamo sa ‘kin, public scandal with oversized betlogs.  Hehe.  ‘Kaw, what do you do for a living? 





Betlog Diaries 1: Jeepney Rush Hour Blues

4 09 2007

Ang hirap pag siksikan sa jeep.  Kailangang ipitin ang betlogs mo para magkasya ang ibang pasahero at nang makalarga na.  Sana na-foresee ni Papa Jesus ang ganitong krisis sa Pinas para ginawa na lang niyang detachable ang betlogs ng mga Pinoy.  ’Yung pagsasakay ka na lang, isu-shoot mo na lang betlogs mo sa backpak mo o kaya makisuyo ka kay mayLabs na itago muna sa kanyang shoulder bag.  Saka mo na lang ulit ikabit pagbaba ng dyip.  [Isipin mo na lang ang mga magiging typical phone conversation sa opis:  ”Mahal, naiwan ko ’yung betlogs ko sa bag mo.  Wag mo kalimutan dalhin pag-uwi ha.  Ay lab yu.  Mwamwa”.  Hehe. ]  

Kung di ba naman kasi isa’t kalahating adik itong mga barker sa terminal ng dyip at FX.  Pinipilit na magkasya ang sampung pasahero sa pang-waluhan.  Wa epeks ’yung naririnig ko sa radyo na ’Isipin mo na lang mag-isa ka’ kasi ramdam kong kalahati lang ng pwet ko ’yung nakasampa sa upuan.  Sinisigaw pa ng mga barker na ito na ’Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa’, e kitang kita namang ’sangdangkal na lang ang natitirang espasyo.  Pano na lang kung sumasaydlayn ’tong mga ’to na mambugaw ng chicks diyan sa may Cubao?  “Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa. O bakante pa ’yung butas sa may tenga, isa pa dyan.  Sa may butas ng pilikmata, pede pa yan.  Dali at bibiyahe na sa langit”.  Langya namang kaadik-adikang mga barker na ‘yan.  Di mo alam kung nanadya o talagang nawalan na ng common sense.  Buti at di rin naging waiter sa high class restoran ang mga barker na ‘to.  Ang tino ng candle light dinner deyt kasama si myLabs mo biglang lalapit saka sasabihing “Kasya pa dalawa sa table 3, esmyuski tabi lang po”.  Nakow kung nagkataon tragedy ang labas ng date mo minus one thousand pogi points agad.  Reminder na ‘yan na wag kang gagamit ng credit card sa date.  Dahil nga likas na malalakas ang boses ng mga ’yan, baka isigaw pa sa ’yo na“Sir! Yur credit card exceeded it’s limit sir!  No more balance Sir”.  Haha.  Habaan mo na lang ang pasensiya at baka mahila mo ang kanyang esophagus sa galit, maging kriminal ka pa ng wala sa oras.   

Kung di naman siksikan sa dyip, mamalasin kang makasabayan ang mga may putok at sa magkabilaan mo pang tumabi na di mo alam kung sa’n nila hinuhugot ang lakas ng loob na isampay ang kamay sa hawakan at magpahangin ng kilikili. Nakng tokwa talaga.  At pag dinoble naman ng malas, nakakasabayan ko pa sa dyip ang mga bumbay na yuppies papuntang Makati.  Dear God, wala ka bang suggestion box diyan nang masulatan kita na magpaulan ka naman ng sandamakmak na tawas at matamaan ang mga bumbay na ’to.  Kahit 40 days lang na tuloy tuloy na umuulan ng tawas, tulad nung ginawa mo kay Noah noon at nang makatikim naman kami ng sariwang hangin dito sa Manila. 








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 142 other followers