The Penis Monologue

16 07 2007

Women have sixth sense.  Lakas ng pang-amoy kung nagsisinungaling ka o hindi.  Early in my relationship, I can’t lie to MyBebe.  As a psychologist, she knows.  She said that generally, a right-handed man is lying when he keeps on glancing sideways to his left while explaining.  And so with a left-handed man who keeps on glancing sideways to his right.  That’s science.  But even after mastering the art of not glancing to my left (I’m right handed), she still knows.  I don’t know if it’s gut feeling or that clitoris has extra sensor that measures wavelength sort of a polygraph test. 

“Ano na naman ‘yang ginagawa mo sa banyo?”. 

“I’m taking a leak..” [shouts] 

“No you’re not.  I know what you’re doing. Nagjajakol ka na naman.” 

Packing sheet.  Why do I get cornered always?  I’ve been in a relationship for quite some time and have moved in to BebeKo’s apartment just last year.  Moving in means getting rid of my boyhood attachments to watching discovery channel (aka that channel 101 in wee hours of the morning that showcases human copulation), and ditching my reading materials on the field of human exploratory behavior (read: FHM).  MyBebe caught me reading porn once and I explained I just borrowed it from an MMDA guy standing along Ayala Av [one in a million chance but still is true].  She gave me that smoldering look I just wished the ground  opened up and swallowed me whole.   

May mga chances na kahit wala kang ginagawa, ikaw pa din ang may kasalanan.   

“What have I done?” 

“I saw you with another girl.” [sobbing] 

“Where?” 

“In my dreams.  And she’s only wearing white panty and bra and she’s cuddling you…” 

What da.  How do you defend yourself in that situation?  What would I say?  “Ah, I’m sorry?  I won’t do it in your dreams again.  Wag na u magalit, pleaze.”  Instead, I just said:  “Maybe it’s you.” 

“Nooo!  I don’t have a white bra.” 

Sigh.  Women. They’d pick you up for a fight just for the heck of, well… picking up a fight.  I tell you, they are bullies by nature.  And I don’t know why, but we love them even more… :)





Your Name Determines Your Destiny

2 07 2007

May pagkabingengot ang mga Pinoy.  Kaya mahilig tayo sa mga pangalang inuulit tulad ng Nene, Toto, BekBek, TonTon para matawag natin ‘yung tao ng dalawang beses.  Noynoy naman ang tawag sa akin noong panahong ang titi ko ay tinatawag pa lang na ‘little bird’ at di pa ko tinutubuan ng kilo-kilong pubic hairs.  Ang ibig sabihin ng Noynoy sa Bicol ay ‘bunsong makulit’.  Dahil sa pilosophy sa psychology na ‘your name determines your destiny’, unconsciously I have lived by my name’s meaning.  Sa lebel ng kakulitan, andun siguro ako in between the thin line of being genius and insane.  Genius ‘kuno’ dahil marunong na ako in terms of serious decision-making tulad ng anong uulamin sa umaga.  One time, five years old ako ng pinabili ako ng tuyo sa tindahan nina Aling Mameng.  Dahil wala silang tuyo, nagpasya akong tumawid sa super highway para bumili na lang ng itlog sa tindahan nina Aling ‘Marunong Managalog’.  Gulat sina Papa saka Mommy.  Though bumilib yata, pinag-promise ako na ‘wag na ‘wag ko na daw uulitin ‘yung pagtawid sa super highway.  Minsan naman pinabili ako ni Lola ng mantika.  Dahil gusto kong bumili ng babol gam, inihian ko ’yung supot saka binalik sa kanya.  Malabo na rin ang mata ni Lola kaya hindi napansin agad.  Siguro nung kumukulo na ’yung ’mantika’ saka lang naamoy na mapanghi pala.  

At dahil na rin siguro sa kakulitan ko, kung anu-ano pa ang binansag sa akin.  Iba pang ’pet peeves’ sa akin ay ’little monkey’, ’kulaspiro’, ’pulungkutoy’, at ’kutitubs’, ewan ko ba parang mga pangalan ng mga bagong recruits ng kampon ng kadiliman.  Siguro lang sa sobrang tuwa o inis kaya kung anu-ano ang pinapangalan sa akin.  O dahil may pagkalaitera din ang Mommy ko noon, ako ’yung nakatanggap ng bad karma.  Mahilig magpangalan si Mommy ng mga kapitbahay namin tulad ng Rositang Ulikba, Lusing Duling, Anita Laki-Mata, Tersing Bad Breath, atbp.  May kagandahan kasi si Mommy no’n, pero ngayon, pag nagkakaroon ng katuwaang ’intellectual debate’ sa bahay at natatalo na si Kuya, nandadaya at tinatawag niya si Mommy ng Tina Dalawang Ipin.  Foul ’yun sa debate dahil isa itong logical fallacy [ano’ng kinalaman ng ipin sa legitimacy ng presidency ni GMA?], ‘yun ang sinasabing argumentum ad hominem [o argument directed to the person].  Siyempre hurt si Mommy, at maglilitanya na naman na wala man lang siyang anak na gustong mag-isponsor ng kanyang ngipin.  [Nag-drama na, lagot].   

Aside from the fact na nakukyutan ang mga Pinoy sa mga salitang inuulit ang daglat sa mga pangalan ng tao, pati private parts pinagkatuwaan din.  Andiyan ang kili-kili, bulbol, pekpek, titi, suso, dibdib, atbp.  Nung childhood years ko, tinatakot ako ng mga kapatid ko na paglaki ko, dahil nga ang pangalan ni papa ay Manolo at ako’y junior, ang magiging tawag sa akin ay Uncle Mani-Maning.  Asar ako dahil katunog ng parte ng female genitalia.   Magiging buzzword ang aking pangalan sa mga sex education classes: 

Teacher:  Class, what do you call the part at the upper portion of the pudendum and between the labia majora and labia minora? 

Class:  Mani-Maning! 

Hindi na lang sinagad-sagad ang pagiging bahagi ko ng female genitalia.  Clit na lang kaya pangalan ko?  O Fellatio kaya.     

Mommy:  Fellatio, anak, nag-igib ka na ba ng tubig? 

Me:  Hindi pa po Mommy, nakapila pa po kasi si Kuya Cunnilingus saka ate Syphillis.   

Nakng baog na dilis naman ‘to.   

Sa psychology, may mga existing research na nagsasabing ang pangalan ng tao ay nag-dedetermine ng kanyang kinabukasan.  Ang mga may pangalang patawa tulad ng Inday Bote, Potenciana, o Maximiana ay nagiging inferior o lower ang status sa society.  Ang mga cool namang pangalan ay mas mahaba ang buhay ng 3-4 taon [pangalang Love, Joy, Sunshine] kumpara sa mga pangalang kahindik hindik tulad ng Candido, Gollum, Ismigol, atbp.  Ang mga may pangalang Ana, Elizabeth o Emma ay less likely na kukuha ng engineering o mathematical courses di tulad ng mga pangalang Abigail, Ashley atbpang less feminine names.  Ang mga may pangalang likeable ang tunog ay mas mataas ang binibigay na grade kaysa sa ibang less-likeable ang pangalan na kapareho lang naman ang galing.  Hmm… kaya siguro mababa grades ko.

 

*Pahabol:  Sa aking mga cute na prens sa blogroll, may bago na akong tahanan:  kwentongbarbero.com.  paki-update na lang ako sa inyong blogroll.  Tenk u marami!





Crazy People Don’t Know That They Are Crazy

25 06 2007

Madaling ma-stress out ang babae in terms of relationship issues.  Sinugod kasi sa bahay si BebeKo kagabi ng isang babaeng may sayad at hindi niya alam na may sayad.  Convincing kasi ‘yung babae.  Asawa daw niya ako at matagal na niya akong pinaghahanap.  Kung saan saan na siyang lupalop napadpad sa kahahanap sa akin.  May kasama pang galit galit epeks sa harap ng mala-diyosa kong asawa at sinabing ilabas daw ako.  Hayblad si BebeKo, nawala ang pagiging psychologist, kaya nilabas naman ‘yung kitchen knife saka chopping board, balak yatang gawing sizzling adobo chunks ‘yung claimant.  Turns out, may tililing ‘yung babae, naisip ko baka napagtripan siguro ng mga sunog baga boys sa kanto na ako ang itinuro.  Tapos na ang gulo at explanations pero nahirapan pa rin akong lambingin si BebeKo.  Outside the kulambo na naman.

Hindi na bago sa akin ang mga taong maluluwang ang turnilyo.  All through out our lives with MyBebe, napapaligiran na kami ng mga ‘yan.  Sa mental hospital ang apprenticeship ni BebeKo nung college.  Kakaiba nga panliligaw ko kasi pag nagka-cutting class ako, tinutulungan ko siya na magpakain ng mga pasyente.  Sa paliligo, nakikita ko na de tabo ang pagpapaligo pero dun sa mga silent aggressive types, binubuksan yung garden hose saka itinututok na lang.  Sabay na ring malilinisan ‘yung kulungan nila.  Two in one.  Tawag nila sa akin noon ay Dadi Cesar Montano at si BebeKo ay si Charlene Gonzales.  [Minsan lang magsabi ng totoo ang mga baliw kaya pagbigyan niyo na ako].  Nagpapakyut pa lang ako nun, karibal ko na sa atensiyon ang mga baliw.  Meron ’yung nagpapakyut ako kay BebeKo,  biglang agaw eksena ‘yung isang baliw tapos pinakita ‘yung titi niya tapos nagtikol pa sa harapan  namin.  Bad trip talaga.  Madapacking sheet, kung di ka ba naman magulat sa ganun, pero si BebeKo sanay na.  Sa psychology, huwag daw kutyain o kagalitan agad.  To do that  can be more damaging to their self image.  Self image?  E kung matamaan ang mata ko sa pagpusitsit ng sperm nung gagong ’yun, mabulag pa ako.  Pero dapat daw pinagsasabihan na lang  din na parang normal na tao. 

Naisip ko tuloy kung paano ko ipe-phrase ’yung sasabihin.  “Okay, puwede bang pagkatapos mong magsalsal diyan, umalis ka na sa harapan namin?”. 

Minsan naman, hiningan ako ng barya nung isa, toll gate daw.  Binigyan ko naman.  Malay ko bang lulunukin nung tarantadong ’yun. [Hehe!  Nakaganti rin ako].   Binabawi ko sabi niya di na daw pwede.  Bangko daw siya, hintayin ko na lang daw magkainteres.  

 Before, pag namamasyal naman kami sa public places, naaawa si BebeKo sa mga baliw kaya binibigyan niya ng pagkain.  Okay lang ’yun, ang ayaw ko lang ’yung niyayakap pa niya. Nagsasalubong kilay ko lalo na pag ako’y under matapobre-mode.  Kulang na lang dalhin niya sa salon tapos ipa-relax pa ’yung buhok saka ipa-pedicure ang paa.   Ipinapaunawa naman niya sa akin na walang gamot ang pagkabaliw dahil hindi organic ‘yung cause ng pagkabaliw.  The only thing she could do is give them love and care to bring them back to their senses.    Iniisip ko na nga rin minsan, kaya niya lang siguro ako ginusto ay dahil may pagka-sira ulo din ako [self-pity na ‘to].  Though she assures me, “Be, kung natanggap ko ‘yung pagiging malikot mo, ‘yun pa kayang pagiging sira ang ulo mo”.  Sabay kurot sa tagiliran.  Ayos.  Balik na naman sa kwarto ito. 





Pissed Off

6 02 2007

Impresib sa linis ang Makati.  Ultimo kasuluk-sulukan ng mga underpass parang kinakaskas ng sa linis.  

Okay na din kaso hindi mabait sa pantog ang Makati.  Wala ka kasing makikitang urinals na malapit.  Kung meron mang public urinals, mga isang kilometro pa ang layo at may bayad pang limang piso.  Tuloy kung minsan kung saan saan na lang ako umiihi.  Pag gabi na pauwi, jumijingle ako sa may ilalim ng Ayala MRT station.  Kabado ako kasi bawal ’yun pero sa buhay ng tao, may thrill din lahat ng bawal.   

Experience wise, mas ayos pa ang umihi sa kalsada kaysa sa CR sa opisina.  ’Yung ihian namin sa Makati Stock Exchange, katabing katabi lang ng lababo.  Magkatapat na, magkapantay pa.  Kahit sinong lalaking may respeto sa sarili ay ayaw mapunta sa isang sitwasyon na naghihilamos habang sa tapat mismo niya ay isang nagmamayabang na tarugo na umiihi.  Putanginangyan.  Kundi ba naman isa’t kalahating gago ang gumawa ng CR sa MSE.  Alam mong nagtitipid sa espasyo pero sana wag ganon.  Parang walan common sense.  Hindi nakakatawa yung ganun, kung may plano man silang magpatawa.  Parang pang-Bitoy’s show na ‘Yari ka!’.  Kung minsan tuloy, tinataon kong maghilamos sa oras na walang gaanong gumagamit ng CR para siguradong walang kasabay.  ‘Pag may nakasabay ka tiyak na health hazard ‘yun.  





Hope of the Motherland

17 12 2006

Tanong: Magkaka-cancer ba ‘ko sa prostate kung malakas akong magtikol?  Tinanong ko na kasi lahat ng mga tropa kong nagmamarunong kaso di daw nila masasagot ‘yun kung walang Red Horse saka pulutan. 

Pero alam ko, sabi ng mga doktor sa Asian Hospital (walangyang mga doktor yan, pinisil pisil lang yung daliri ko sa paa kasi may nararamdaman akong displaced na ugat tapos siningil na ‘ko agad ng isang libo), healthy daw ang maglaro ng pototoy.  Nakaka-relax at bawas tension.    

Bigla ko tuloy naalala ‘yung mga katarantaduhang pinag-gagawa ko noong wala pa akong alam na matino (nung idyot pa lang ako, iddyooottt!) at mga makamundong bagay lang ang laman ng utak ko.  Hayskul kami noon tapos nagpupustahang palayuan ng tamod.   Lahat na lang ng pwedeng gawing pagpustahan, pinagpupustahan. 

Minsan, nakakaguilty na mag-tikol kasi baka dun manggaling ‘yung susunod na Presidente ng Pinas.   O kaya Vice President.  O kaya Chief of Staff ng AFP.  O ‘yung papalit kay Binay sa Makati.  Malay mo, hindi mo alam na nasa desisyon ng palad mo ang kinabukasan ng mundo.   

 








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 142 other followers