Between Then and Now

2 09 2011

Andaming nangyari mula noong huling kwento ko hanggang ngayon.  Pero dahil di naman ako sigurado kung interesado kang malaman lahat ‘yun, etong timeline ng nangyari sakin mula noong isang taon para naman makahabol tayo sa mga nawalang oras at sandali:

- Nagbalik Pinas.  Oo, anghirap pala ma-homesick. Ilang buwan palang ako abroad,  sobrang homesick nako.  Pag-uwi ko galing trabaho tulo-luha nako sa homesick.  Buti na lang pinadala sakin ng misis ko ‘yung panty na pinagbihisan niya para pag nami-miss ko siya sisinghutin ko lang ‘yung panty niya, pamatay homesick na.  Pagkatapos ng ilang buwan di ko na masinghot kasi pamatay na ‘yung amoy.

- Birthday ni Papa.  Sakto pag-uwi ko, bertdey ng tatay ko.  Wala akong maisip na regalo.  Pinag-iisipan kong bilhan ng importanteng bagay na magagamit niya ng pang-matagalan. Pero baka di niya magustuhan ‘yung iniisip ko.  Gusto ko siyang regaluhan ng memorial plan.  Hindi naman sa gusto ko na siyang madedo dahil ‘di pa niya napipirmahan  ‘yung Last Will and Testament  na ako ang magmamana ng ekta-ektaryang lupain.

- Birthday ni Cute Little Monster.  Si cute little monster ang aking nag-iisang anak [assuming na baog pako noong binata].  Dalawang taon na siya.  Ambilis nga ng panahon, kelan lang sanggol pa lang ‘yun  at ako ang naghehele sa kanya. Pag tinamaan ako ng katamaran magtimpla ng gatas o kaya wala pa ‘yung nanay niya [para magtimpla ng gatas], pinapadede ko muna siya sa utong ko.  Matagal tagal din niya akong ginawang pacifier.

- Lipatbahay.  Sa wakas, nakalipat na din kami sa ‘ming munting bahay sa Cavite.  Eto na ang maipagmamalaki ko sa buong buhay ko dahil hindi ko pa naranasan magkaroon ng sariling bahay.  Pwede nakong maglakad lakad sa bahay na walang salawal na walang magrereklamo sakin.  Off topic, pansin ko lang sa Cavite, dito ko na siguro nakita ang pinaka-mainitin ang ulo na mga tao, lalo na ‘yung mga drayber ng traysikel, bus, at jeep.   Minsan, hinabol ako ng itak ng isang jeepney driver dahil lang kulang ng piso ‘yung binayad ko.  Bwisit na ‘yan.  Pwede namang sabihing ‘Boss, parang kulang bayad mo?’.  Walang nakakatawa dun pero gusto ko lang ikwento.

- Resign sa trabaho.  Huling araw ko sa opisina.  Sa mga katrabaho, meron at meron talagang ang papel sa buhay ay mangkupal.  Nagkataon, ‘yung amo kong babae ang reyna ng mga kupal – Makati chapter.  Lahat kaming kaopisina ay merong naging traumatic experience sa hitad na ‘to.  Exhibit 1.  ‘Yung kumpare ko na nasabihan ng ‘Hindi bawal gamitin ang utak, mag-isip ka naman owkei?’.  Exhibit 2.  Ako na sinabihan ng ‘Para kang si Jimmy Santos… walang kwenta’.  Whoa. At marami pang iba.  Di ko alam kung bakit ba sa ‘min niya binubunton ang galit niya sa mundo.  Kasalanan ba namin kung malapit nang magsara ang pekpek niya at wala pa din siyang syota?  Kaya naman bilang pagpupugay, nung huling araw ko sa opisina nilagyan ko ng ihi ko ang kanyang paboritong Army Navy iced tea. Asa conference hall siya noon.  Naiwan ‘yung iced tea sa cubicle niya.  Pagkakataon nga naman.  Kunsintidor din naman ang mga kaopisina ko kaya nagawa ko ang maitim kong balak. Meron pa kong lookout sa pinto.  Inubos ko ‘yung ihi ko sa iced tea, tinaktak ko pa nga e.  Di pako nakontento, nilublog ko pa ‘yung betlog ko.  Kinilig ako sa lamig.  Pagbalik ni amo sa kanyang cubicle , napansin ‘yatang naiba ang posisyon ng kanyang iced tea.  Inamoy amoy muna.  Maya maya, ay nilagok na ng tuluyan.  Pero parang wala lang sa kanya, dedma lang. Di ako nasiyahan sa reaksyon niya, kaya painosente akong nagtanong:

Ako: Ubos mo na iced tea?

Amo: HA? [Nilakihan ako ng mata.  Ganyan itsura niya pag tinatanong, laging gulat] Bakit gusto mo ba?!

Ako: Ah.. eh..  Ambilis mo kasing naubos.

Amo: [High pitched na] Eh dapat sinabi mo sakin na gusto mo pala.  Binigay ko sana sa ‘yo…  Iba na nga ang lasa eh.

Yun naman pala.  Tinignan ko mga kaopisina ko.  Namumula ang mga itsura, pigil sa pagtawa.  Gustong matawa pero takot tumawa. Sabi ko next time na lang, ‘pag may iced tea siya ulit. Moral lesson: Wag mo nang pangarapin na maging magkaopisina tayo.

Ano pa ba?  Wala nakong maisip ikwento.  Ayun, nag-apply pala ako papuntang Malaysia.  Nasilaw ako sa salapi at huli ko nang naisip na ayaw ko nang ma-homesick ulit.  Umurong ako.  Idedemanda daw ako ng kumpanya.  Sabi ko na lang namatay kasi ‘yung tatay ko.  Totoo naman ‘yun, di pa nga lang nagaganap ngayon pero siguradong mangyayari din naman ‘yun sa hinaharap.  Wala namang taong imortal.

Ikaw naman magkwento.  Anong pinaka ‘memorable’ na nangyari sa ‘yo mula 2010 hanggang ngayon?





Cross Cultural Communication

8 07 2010

Pare-pareho naman kaming ingles ang usapan sa opisina kahit magkakaiba ang lahi namin pero minsan di pa din kami magkaintindihan. ‘Yung mga bumbay, matigas ang mga letra at exaggerated ang letrang ‘arrrr’. Mga Aussie naman tamad kumpletuhin ang sinasabi. Kumbaga sa pangungusap, binanggit lang ‘yung subject, pagdating sa predicate malabo na, di mo na maintindihan. Di mo alam kung ang sinabi ba ay ‘Jack fell down’ o ‘Jack jakoled’. Di tulad sa Pinoy, pag nag-ingles bawat syllable buong buo. Alam mong Pinoy kapag nagbigkas ng salita parang guro sa elementarya. ‘How are you today? I’m payn tenkyu’.

At ang mga Aussies, may sarili din silang salitang kanto na di mo agad maintindihan. Ang tawag nila sa breakfast ay brekkie. Ang tawag nila sa biscuit ay bickie. Hula ko lang, ang tawag nila sa pokpok ay puckie. At pag naggu-gudbay pa sila sa opisina ay palaging ‘see you later’. Pano’ng ‘see you later’ e bukas pa ulit kami magkikita. Hindi ba dapat, ‘See you latest?’ Hehe. Oo na, ‘See you tomorrow’. Minsan na nga lang ako mag-joke nang-aanu-ano ka pa dyan.

Sa mga kaopisina ko namang bumbay, nagpaturo ako pano magmura sa salitang Hindi para pagpunta ko ng India, cool ako dahil kaya kong makipagsabayan magmura. Just in case lang naman. Ang mothafucker sa kanila ay ‘Ma choud’. Naalala ko bigla [Ting! Bumbilya epeks] kaya pala ‘nung panahong nagha-hunger strike si Mahatma Gandhi ay panay ang sigaw niya ng ‘Ma choud! Ma chould!’. Kala ko Ma chow! Kasi gutom. [Opss, kwentong barbero alert]

Nagpaturo naman sa ‘kin ng mga basic ‘conversational’ Tagalog words ang mga kaopisina ko para naman daw ‘pag namasyal sila sa Pinas, may alam sila kahit konti.

Aussie1:        How do you say bad words in the Philippines?
Badoodles:   Gago tanginamo.
Aussie1:        It’s very long. There’s no short version?
Badoodles:   Pakyu.
Aussie1:        What do you call an ugly woman?
Badoodles:    A shrimp.
Aussie1:       Those are english words!!
Badoodles:   You’re not listening. I told you we were colonized by stupid idiot Americans.
Aussie1:      What is beautiful woman?
Badoodles:  Pokpok.
Aussie1:       How do you say ‘Where’s the toilet’?
Badoodles:   Asan ang takubets?
Aussie1:       [*Nagkamot ng ulo] But before, you said it’s Si-ar.
Badoodles:   Yes takubets for the boys, Si-ar for the girls. [Lusot]
Aussie1:        How do you say ‘How much is this’?
Badoodles:   Magkano ka?

Gugulong siguro ako sa katatawa ‘pag nalaman kong pumasyal sila sa Pinas. At hindi imposibleng hantingin nila ako ‘pag nangyari ‘yun. At meron namang kwentuhang hindi lang talaga ninyo maintindihan ang isa’t-isa.

Indian Girl:   What do people in your country play?
Badoodles:    We play basketbol. What about in your kantre? [* di maikakailang Pinoy]
Indian Girl:   Oh in India, we play titi.
Badoodles:   What?!
Indian Girl:   Titi? That’s our national past time. We love playing titi.
Badoodles:   In the Philippines, only men play titi.
Indian Girl:  Why? Women there don’t like titi?
Badoodles:    They like titi but they only play titi of their husband.

Natapos ang usapan na hindi kami nagkaintindihan. Nalaman ko, ang ibig niya lang palang sabihin sa titi ay table tennis. Pa titi – titi pa kasi table tennis lang naman pala ibig sabihin. At isa pa ‘tong manager naming manang. Excited na lumapit tapos sabi ‘Ohhhh let’s go to Mt. Bulbul’. Syempre sinabi ko na ‘wag na lang, hindi mahilig ang mga Pinoy sa Bulbul. Di na ‘ko nag-elaborate kung bakit dahil pasimple na akong inapakan nung kasama kong Pinay. Sayang ‘yung joke ko, di ko na naituloy. Oh well.

Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.

Ah, Question of the Day na ba. Sige, ang tanong ng bayan: Anong paboritong ekspresyon/mura mo pag badtrip ka? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago, o pinakahayup o kahit na anong sagot sa comment box. Ang di magparamdam, multo.

Piktyur 1.] Dito kami nagyoyosi breyk tapat ng train station nila na mukhang mall. May vandal din ako dyan na pentel pen ”Bawal umehi dito – Badoodles”.





Boob Job

12 07 2009

Pawirdo ng pawirdo ang balita ngayon.  Ngayong linggong ito, nag-leak ang balita tungkol sa pagpapaayos ng suso ng presidente ng Pinas.  Kaya hindi na ako magtataka sa mga susunod pang ibabalita:  First gentleman nahuling nagpalagay ng nipol ring. Napapakamot na lang ako dun sa balitang nagpadagdag pala ng dede si Gloria Arroyo noon pang 1980s.  Langya naman.  Ano na lang ang sasabihin ko kapag nagka-apo nako at tinanong nila ako tungkol kay Gloria Arroyo:  ‘Uh apo, siya ang kauna-unahang presidente sa mundo na nagpadagdag ng suso.’  At nakakarimarim ang posibilidad na permanente ngang mailalagay sa mga pahina ng librong pang-kasaysayan, Sibika at Kultura sa elementarya ang pagpapalagay ng boobs ni GMA.
Basahin ang karugtong nitong lahok »





Whatever Ten

30 01 2009

Para ito sa pagpapatuloy sa nasimulang tag ng chiksilog.com noong nakaraang taon na magsabi ng 10 bagay-bagay tungkol sa sarili mo. At dahil natural akong pakialamero ng rules, binago ko ang tag na ‘to – magsabi ng 10 interesanteng bagay tungkol sa sarili mo, siyam dun ang totoo at isa ang kwentong barbero.   Kaya heto na ang aking kontribusyon:

 

1.  Inglisera sa text ang Mommy ko kahit pa nirereplayan ko sa tagalog.  Pati mag-chat, english din.  Sabi niya sa ‘kin minsan sa YM:

 

Mommy:  How are you my son? What’s my superman doing?!

[*Naisip kong sabayan din ng inglisan ang Mommy]

Badoodles:  Yo! Wassup niggah?

Mommy: ?

Mommy:  Is this my son?

Badoodles: Yo.

Mommy:  Stop saying stupid things anak.

[*Nagalit?  Haha.  Tinarayan ako. ]

 

2.  Hindi talaga ako si Badoodles.  Badoodles ang nickname ng titi ko dati pa.  

 

3.   Tumatawa ako kahit natutulog.  Kung minsan nagigising ako sa sobrang lakas ng pagtawa ko.  ‘Kaloka pala maging asawa mo’, minsan nasabi sakin ng misis ko.

 

4.  Nagsasalita rin ako pag tulog.  Walang pagkakaiba kung tulog ako o hindi, pwede tayong magkwentuhan.  Mas maingay pa nga ako pag tulog.  Isa itong ‘genetic anomaly’ na wala pang kasagutan ang mga doktor ng Makati Med hanggang ngayon.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Under the Same Sun

26 11 2008

 

Napanood ko sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagkakahuli ng lider ng mga sundalo matapos makorner ang kanilang buong grupo.  Pamilyar ang pangalan.  ‘Sana hindi, sana hindi’, napaso pa ang dila ko sa paghigop ng kape kakasabi nito.  Tuluyan na ngang pinakita sa tv ang mukha ng sundalo, na parang ‘photo grab’ lang mula sa kanyang Friendster account.  [Napaka-resourceful ng media].  Lintik.  Si Cammayo nga.

 

Nagbalik sa alaala ko ang nakaraan.  Upper class ko ‘tong si 1Lt Vicente Cammayo mula ROTC days pa lang hanggang sa sumubok akong magsundalo.  Mabait na tao si Cammayo.  Sobra nga ang respeto sa ‘kin ng taong ito kahit minsan hindi pa ako pinatikim kahit isang unday ng suntok.   Mas malaki kasi ako sa kanya kaya di niya ako magawang batukan. 

 

Pag pumasok kang opisyal ng ROTC kung anu-anong ‘rites of passage’ ang ipapagawa sa ‘yo.  Meron ‘yung pag MWF na pagpasok ko sa school dapat nakarubber shoes ako sa kanang paa tapos tsinelas naman sa kaliwa tapos may necktie pa na parang nareject sa audition na maging miyembro ng ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs.  O kaya naman ay bigla lang akong pasisigawin ng tulang ‘Andres Bonifacio Atapang Atao’ sa gitna ng pila ng bayaran ng tuition fee.  May kasama pang matinding hand gesture ‘yan.  Tawanan ang mga nakapila kaya kilala na ako sa accounting office.  Siyempre basta kagaguhan game ako dyan, minamani-mani ko lang.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Take Me Home

19 11 2008

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Humor Gone Mad

8 10 2008

Napanood ko sa balita ‘yung tungkol sa ginawang butt of joke ng BBC sitcom na ‘Harry and Paul’ ang pagiging Pinay domestic helper.  Foul ‘yun.  Sobrang nalungkot ako dun sa balita gusto kong kumanta ng ubod lakas na April Boys song kaninang umaga sa opisina.  ‘Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw!  Pati ang isip at damdamin ay humihi-yawwwwww..’  Demmet dat Brits.

 

Pagkatapos nung nangyaring racial slur sa ‘Desperate Housewives’ sa US, heto na naman ‘tong Harry and Paul.  Sinasabi ng iba na baka pikon lang talaga tayong mga Pinoy.  Kung sino mang tipaklong ang nagconvince sa ‘yo nyan,  siyatap u.  Ako pikon?%$# Neber.  Dyan ka lang sa kinauupuan mo tanginiks ka, wag kang gagalaw, kukunin ko lang laptop ko, isasaksak ko sa tumbong mo.  Narinig ko na ‘yang mga ganyang comment sa radyo, tv, saka nabasa sa balot ng tinapa kaya ‘wag nang inuulit.  Hindi naman kasi simpleng kaso lang ng ‘pikon-talo’ ‘yun.  Unang lesson:  Humor is deeply cultural.  May mga nakakatawa sa isang lugar, na insulto naman pagdating sa iba.  Dito pumapasok ‘yung hinihinging kaunting sensibilities sa pagbibitaw ng birong pwedeng pagmulan ng World War III. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Baptized

26 08 2008

Kung meron mang masasabing tatak Pinoy, ‘yun ‘yung pagiging sobrang relihiyoso natin.   San ka pa makakakita ng bansang pati sapatos ay binibinyagan?  “Hoy pare bagong sapatos mo, binyagan natin”.  Sabay tatadyakan ka sa paa bigla.  Taena. Buti na lang at di ako tumuloy bumili ng salamin sa mata.  Baka pagdating ko sa opisina, salubungin ako ng “Pare, bago salamin mo, dali binyagan natin”, sabay sipa sa mata ko.   

 

Pati nga mga bagyo sa Pinas binibinyagan natin.  Pag nakapasok na nga ang bagyo sa Philippine area of responsibility, binibinyagan na natin ng pangalang Pinoy. Ibang iba sa international name na ina-adopt ng iba’t ibang bansa.  Ang hirap nun kasi nagkakaroon ng identity crisis ang mga bagyo.  Mag-iisip ‘yung bagyo, ‘Teka ang alam kong pangalan ko ay Typhoon Mercedez Benz.  Ako na ba ngayon si bagyong tsedeng?  Is dat me?  Tangena naman”.   Sa sobrang naguluhan, nagiging unpredictable tuloy course ng bagyo.  Conspiracy theory talaga.  Si bagyong Jupot nga, pagpasok sa Pinas nagiging bagyong Julina.  Hehe.  Nababadtrip tuloy ang mga bagyo kaya tignan mo, sobra kung sumalanta.  Kung ako ba naman, karespe-respeto ang tawag sa kin sa international scene sa tawag na typhoon Hunk tapos pagdating sa Pinas, tatawagin akong bagyong Onyok e talagang mag-wawala nga ako.  ’Kayong mga Pinoy kayo, letsugas kayo, hetong sa inyo!’ [insert sound epeks here ->...]

 

Marami rin ibig sabihin ng binyag sa atin.  Pag nagpatuli ka, ang tawag dun ay binyag.  Pag pers taym mong makipag-labing labing, tawag dun ay binyag.  Nagkukwentuhan nga kami sa opisina kanina ni pareng Abdiel. Kwento ni pareng Abdiel, si pareng Nathan daw sa wakas bininyagan na nung siyota niya.  Napasigaw ako siyempre.  “Ano?  Si pareng Nathan, tinuli ng gelpren niya?”.  Wehehe.  Biglang nagtinginan lahat mga kasamahan namin sa opis.  Andun ‘yung boss, manager, director lahat natigilan sa kanilang ginagawa.  Hay naku, ako pa yata magiging mitsa ng bagong tsismis.  Ewan.

 

*Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag-blog.  Masyadong akong nawili sa trabaho at tunay na buhay.  ‘Yang trabaho talaga panira sa pagba-blog. 





Two More

4 06 2008

Kung sinong gustong makipag-trade in ng kanilang Sony PSP, XBox, o house maid kapalit ng isang betlog ko, call ako.  Tatlo ang betlogs ko.   

 

Kailan lang na-diagnose ang bukol ko sa likod malapit sa tagiliran.  Paniwala ko, pangatlong betlog ko lang ‘yun.  Sabi ng katropa kong doktor, kailangan daw tanggalin.  Di ako agad naniwala.  Mahirap paniwalaan ang diagnosis ng isang doktor na barka-barkada mo lang.  At kahit pa siguro taningan niya buhay ko, parang wala lang sakin.  Mas convincing pa nga ang pangalawang teorya ko na ‘yung bukol ko sa tagiliran, kung hindi betlogs, libog lang ‘yun na namuo at hindi nailabas.  Mas kapani-paniwala naman di ba?  Hinde?  Tado ka ah. Suntukan na lang.

 

Minabuti kong magpa-second opinion sa Asian Hospital.  Sabi ni Dr. Cinco tumor nga daw ‘yun at kailangang tanggalin.  Totoo nga.  Hindi ko na pinagpilitan ang aking personal na teorya.  Kung kayo ngang matagal ko nang kapalitan ng kuro-kuro ayaw ding maniwala sa ‘kin, mas lalo pa siguro ang patpating doktor na ‘yun.  Dun ko lang napag-isip isip na seryosong usapin nga ‘to, pangatlo ang importansiya kasunod ng all time high poverty rate saka oil price hike na nararanasan ng bansa.   Kung madedbol ako, tiyak andami ninyong malulungkot at ngangawa [assuming na totoo kayong kaibigan].   Naisip ko, buti pa ang mga bulate, hindi tinatamaan ng sakit tulad ng tumor, kanser, o pulmonya.  Sana naging bulate na lang ako.  Bulateng blogger.

 

‘Kasinlaki siya ng golf ball, na nakakapit sa laman’, paliwanag ni doc habang pabulong kong sinasabing ‘Hindi nga golf ball ‘yun, sabi na kasing betlog ko ‘yun’. 

‘You’re saying something?’

‘Ay em saying nothing.  Iniisip ko lang doc, kung tatanggalin mo ‘yun, magkaka-keloid ba ako?’. 

Tinignan ako ni doc mula ulo hanggang paa, kinakalkula ang probability na ang isang purong native na nanggaling sa pinagsama-samang lahi ng indones, malay at nognog ay pupuwedeng magka-keloid.  ‘Sa tingin ko naman sa balat mo, di ka magkakakeloid’.  Tarantadong ‘to.  Puke ka naman doc, porke ba sandaang porsiyentong exotic ako, wala nakong karapatang magka-keloid? 

 

Pampalipas oras habang hinihintay ang pag-iskedyul ng operasyon, nagbaon ako ng joke para kay doc . ‘Knock Knock doc ’.

‘Who’s there?’, sumakay naman si doc na nakangiting aso wala pa man ‘yung punchline.  Natatawang naninibago na parang ngayon pa lang nakaengkwentro ng pasyenteng siraulo. Fyi, nagkalat na kami ngayon sa mundo.

‘Tumor’

‘Tumor who?’

‘Tatanggalin na ni doc ang betlogs ko, ok lang kasi sabi niya I have two more’.  Kaadik-adikang corny joke.  Hindi natawa si doc. 

 

Bakit kaya walang nagkakatumor sa taba?  ‘Yung sasabihin ng doktor na ‘may tumor ka sa taba.  Kailangan nating tanggalin ang lahat ng taba mo sa katawan’.  Wow.  Kung nagkataon, parang good news ‘yun, lahat siguro ng figure conscious mangangarap na magka-tumor sa taba.  Para ka lang nagpa-lipo for half the price.

 

Madaling araw isinagawa ang operasyon.  Kasabay ko sa elevator kung hindi mga Kano ay Awstralyanong hatsingero.  Bakit kaya nila tinawag na Asian Hospital ito tapos hindi naman Asyano ang mga pasyente.  Kung meron man akong nakitang Asyano dun, ako lang ‘yun saka si Aling Anda, ‘yung nanay ni Vic Sotto sa sitcom na Full House ng siyete.  At dahil nga Asian Hospital, naisip ko sana may nakapaskil sa reception na ‘Only Asians Allowed’.  Para naman makaganti-ganti sa mga Australianong racist na nagkakabit sa kanilang mga restawran ng ‘No Asians Allowed’.  Tablado lang.  At sana pag bumisita ang mga Australianong racists dito sa Pinas, matetano sana kayo sa kakakain ng fish balls sa kalsada, at sana walang ospital ang tatanggap sa inyo dahil ‘Only Asians Allowed’. 

 

Ilang oras din akong binabad sa control room para i-sanitize ng hubo’t hubad.  Nabalewala ang pakikipagbargain ko kay miss nars na kung pwedeng mag salawal.  Hindi daw pwede.  Period. Gusto niya talagang pagnasaan at angkinin ang kabuuan ng aking katawan.  Hayup.  At matapos ang matagal na oras, kinumusta ulit ako ni nars.  ‘Eto ok naman miss nars, bold star na bold star pa din.’  Saka pa lang niya naalalang bigyan ako ng damit pang ospital.  Oo, ‘yung daster na may hati sa likod na kahit anong taling gawin mo ay dudungaw at dudungaw pa din ang iyong pwet.

 

Maayos naman ang operasyon.  Pwede ka pa ngang pumili ng mga kantang ipapatugtog bago ka hiwain ng dalawang doktor at dalawang nars.  Pinili ko ang ColdPlay.  Gusto ko sana ng April Boys kaso baka tuluyan na nila akong paghiwa-hiwalayin at isupot sa itim na garbage bag.  At habang dina-dissect ako ay nagtsi-tsismisan pa ang dalawang doktor kung sino bang tatanghaling FHM’s sexiest ngayong taon.  Kaya kung sakaling aksidenteng maputol nila ang kanang hita ko, dalawang tao lang pwede kong sisihin, si Katrina Halili at Marianne Rivera.

 

Update:  Nakatatak na yata sa DNA ko ang pagiging malikot.  Ilang araw pagkatapos ng operasyon, bumuka ang sugat.  Trip niya lang mag-hello world.  Wala ako sa mood makipagkumustahan sa kanya at makipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa  all time high poverty rate saka oil price hike  ng bansa kaya tinapalan ko ng scotch tape.  Bumuka ulit kaya tinapalan ko naman ng electrical tape.  Nung huli, pinatahi ko na lang ulit.  Ngayon, andito ako sa bahay, nakahilata at nagmamarathon movie at sirang plakang nagpapatugtog ng Metallica.  Wag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay.  Basahin ang nasusulat tungkol sa masamang damo kung ayaw mong maniwala. 





Daddylicious

22 05 2008

‘Miyawrrr! Be!!!!’.  Ginising ako ng isang mabigat na dagan sa butchog ko ng madaling araw.  Akala ko ‘yung pusa na naman, hahatawin ko na sana ng raketang dekuryente na pamatay namin ng langaw.  Kaboses ni BebeKo.  Pupungas pungas akong dumilat at pilit inaaninag sa dilim ang nakahambalang sa harapan ko.  Unti-unting nagkaporma ang kaninang hugis pusang nakadagan sa akin.  Si BebeKo nga, hawak ang isang strip ng papel na pinagmulan ng kanyang kakaibang kasiyahan.  Imposible namang na-promote si BebeKo kasi kung tungkol sa promotion ‘yun, dapat envelope ‘yun na punum puno ng milyones na kwarta. 

‘Tatay ka na!’

‘Ha?’

‘Hindi ka ba natutuwa?  Hindi ka ba tatalon sa tuwa?’.   Naghihintay si BebeKo ng gagawin ko.  Pero hindi ko pa maintindihan ang lahat.  Mabagal mag-reboot ang utak ko pag madaling araw.  Paano ako naging tatay nang dahil lang sa isang strip ng papel na amoy ihi? 

‘Ha?  Kailangan ko ba talagang…?’ Nagdadalawang isip akong tumalon.  Kung ikaw ba naman na tinatrangkaso at nagkumbulsiyon magdamag ay gigisingin ng madaling araw para patalunin, makakatalon ka kaya?

 

Sumimangot na si BebeKo kaya bigla kong binawi ang nasabi.  ‘Eto na po, tatalon na po’.    

 

Nag-umaga na at saka ko pa lang naintindihan ang lahat ng pangyayari.  Isang mayabang na ngiti ang binati ko kina kagawad, sa mga butihing kapitbahay at kay Haring Araw.  Sa wakas, nagbunga din ang pakikipaglabing-labing ni BebeKo sa kanyang labandero [Hehe, ako ‘yung labanderong ‘yun].  Certified na papabol na nga ako.  Papalicious na labandero.  At ngayon ko lang napagtanto ang kahulugan ng pangyayari ng mga nakaraang araw.

 

Nung isang linggo kasi pauwi na ‘ko nang mag-txt si misis nagpapabili ng spaghetti with meatballs saka chicken joy na DAPAT ay may extra gravy.  Meron naman si bayaw sa bahay pero ako daw DAPAT ang bumili. Pasarado na ang SM Munti pag-uwi ko, palabas na lahat ng mga saleslady matapos ang maghapong pagi-istapler ng kung anu-ano.  Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng mapapasukan.  Nakakita ng butas.  Nagmamadali akong sumalisi papasok sa exit para lang sawayin at harangin ng guwardiya. ‘Bos, sarado na po’.  Pero nagkunwaring bingengot ako at tumuloy-tuloy lang patungong Greenwich na noon ay nagsasara na.  Mabilis na kinausap ko ang hindi gaanong seksing bisor nila.  ‘Yun ‘yung mga pagkakataong kaya kong isugal ang aking katawan kapalit ng spaghetti with meat balls.  At kung hindi ko makuha sa santong dasalan ay handa akong magkagat labi sa harap ni miss bisor, magpakita ng nipple kong may dalawang piraso ng kulot na buhok o  kaya’y maghubo ng salawal ng tatlong segundo. ‘Baka naman naglilihi ang misis mo’, pabiro ni miss bisor sabay ang malagkit na tingin.  ‘Oo, naglilihi nga’, sinakyan ko na lang din na hindi ko sineryosong biro.  ‘Hindi kasi ako makakauwi pag walang dalang spaghetti’.  Mukang nauunawaan naman ako ni miss bisor pero kanina pa nagpapatintero ang magkabilang kilay nung cook sa pantry habang banas na sinusuot ulit ang toque at sinisindihan ang lutuan. 

 

At ngayon nga, may kakaibang hiling si BebeKo.  Madalas kasing humatsing si BebeKo ng sunod-sunod na parang armalite tuwing umaga.  [Sige na nga, ‘allergic rhinitis’ ‘yun para tunog mayaman].  Ilang daang araw na kaming mag-asawa pero ngayon nya lang ako tinanong kung bakit ako tumatalikod pag humahatsing siya.  ‘Ha? Ano..’, nag-iisip ako kung pano sumagot na walang damdaming masasaktan.  Di ko pwedeng sabihing sari-saring bacteria at germs ang malalanghap ko at pag tatlong sunod-sunod na hatsing ay triple strength bacteria + germs ‘yun.  Umilaw ang imaginary bumbilya  sa kukote ko. ‘Be, di ba talaga namang patagilid ako matulog?’

‘Ayoko’, hindi kumbinsido si BebeKo.

‘Anong ayaw mo?’

‘Basta, gusto ko pag humahatsing ako, nakaharap ka lang.’

Ha?  Kailangan ko ba talagang pagdaanan ang mga ganitong bagay sa ngalan ng paglilihi?  At kung level 1 pa lang na pahirap ito, ano na lang pagdating sa mga susunod na level up?  Sabi ni pareng Nap, hormones lang daw ito, mga pagbabagong nagaganap sa mga babae.  Pero hindi ako naniniwalang hormones ‘yun.  Si Big Brother lang ‘yun na bumubulong kay BebeKo para pagtripan ako at kung anu-anong tasks ang ipagawa.  Pakyu Big Brother!  Pakyu hormones!

 

Ibang klase din ang senses  ng buntis. Tumatalas ang pang-amoy.  Kala ko nga napalitan na ni Cat Woman ang misis ko.  Sinisilip ko nga ang pwet ni misis kung may buntot pero wala talaga akong makita.  Wala talaga.   ‘Ambantot moooo’, sinasabihan na ako ni BebeKo ngayon ng ganito na akala mo nakaamoy ng higanteng arinola.  Nung isang araw, sabi niya amoy dagat ako.  Tapos nung isa pang araw amoy ihi naman.  Huwat?  Ako mabantot?  Langya, hindi pa ba sapat ‘yung paliligo ko ng minsan sa isang buwan?  Hehe. 

 

Mahirap pala talagang maglihi ang mga babae.  Nung una, kala ko tsismis lang ‘yun.  Wala naman kasing paliwanag ang siyensiya sa lihi kundi mga ‘simple cravings’ lang.  Simple pala ‘yung  humiling ng manggang walang buto saka mansanas na hugis atis?  Bagamat hindi pa naman ako nakakaabot sa mga ganitong klase ng pahirap pero isa lang ang konklusyon ko, adik lang talaga mga babae sa Pinas.  Adik.  [At sana makapasok pa ako sa bahay pagkatapos nitong mga pinagsusulat kong ‘to].

 








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers