Body Talk

22 04 2008

Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makaharap si God at makausap ng masinsinan, eto ang mga suggestions ko para sa ikabubuti ng sangkatauhan:  

 

- Dagdagan pa ang haba ng pototoy naming mga Pinoy kahit 2 inches lang.  Sige na nga, kahit 1 inch lang.  Sige na po, please. [Talagang tumawad e]

 

- ‘Yung idadagdag na haba sa pototoy namin e ibawas na lang po sa pototoy ng mga Negro at Kano para mabawasan din ang kayabangan nila.  Saka para naman sa halip na puro gasgas na linyang ‘Pack me hard like a Negro’ ang sinasabi sa mga Hollywood movies e makakarinig na din kami ng mga bagong dialogue tulad ng ‘Make labs to me like a hot macho Pinoy’.   Awwrrr!

 

- Patawan ng parusang kamatayan ang mga lalaking nagpapahaba ng kuko.  Ganung ganun ang kuko nung sangganong nakatabi ko sa bus nung isang linggo.  Kumikislap sa araw ang kanyang ‘bling bling’ na kuko na kulay dilaw at bright red.  Kala ko may nakasabay akong taong ‘traffic light’.  At may disenyo pang maliliit na hugis puso.  Puke talaga, anong klaseng kabulbulan at kajologan naman ang makakaisip gumawa ng ganun.  Hindi nga lang ako maka-epal baka bigla akong kalmutin.  Sobrang naligalig ako dun sa nakita kong ‘yun kaya ilang gabi din akong hindi nakatulog ng mahimbing.

 

- Nagrereklamo na si misis sa palagiang pananakit ng buto nya sa pwet o ‘yung coccyx.   At ang pinagdududahan nyang dahilan ay ‘yung lingguhan naming schedule ng ‘modern position’.  Samantalang nung tinanong naman kami nung pre-marriage counsellor ng simbahan ng ‘Do you agree when your partner wants to ‘do it’ the modern way?’, e oo lang siya ng oo.  Tatanungin ko pa sana ang lay counselor ng paignoranteng ‘Can you please qualify what do you mean modern way?’ e kaso umoo na ang aking butihing maybahay.  [At opo, merong ganyang klaseng tanong sa simbahan bago ikasal].  Tutal naman sabi naman po sa Bibliya, galing kami kina Eba at Adan at hindi sa lahing unggoy, tanggalin na lang ang tail bone na ‘yun.  [At pag wala na ‘yun, the possibilities are endless, biruin mo,  pwede nang gawin ng mga couples kahit saan, sa lababo, sa bubungan, o loob ng washing machine ang gusto nilang gawin sa kanilang buhay at walang pwet na sasakit at magrereklamo].

 

- Bakit po kapag nae-excite kami e balahibo namin ang tumatayo?  Mali po ‘yun eh.  Isipin mo na lang na matutuwa ka tapos biglang ang magtatayuan ‘yung buhok mo sa pwet.  Ampangit.  Parang cartoons.

 

- Isa pa po ‘tong appendix namin.  Sabi nung Science teacher ko wala naman daw silbi ang appendix pwera na lang kung vegetarian ka tulad ng kalabaw na kailangan ng extra pouch na lalagyanan ng ulam.  Dahil karamihan naman po ng Pinoy ay walang balak maging vegetarian sapagkat masarap ang tocino, dinuguan, menudo, bopis, kare-kare saka nilagang baka, sana lang sa susunod na salinlahing Pilipino, wala nang appendix.  [Opo selfish ako, gusto ko Pinoy lang ang walang appendix].

 

- Saka isa pa po ‘yang  wisdom tooth na yan.  Bakit po ba may wisdom tooth.  Pag hindi pa po ba tinutubuan ng wisdom tooth ibig sabihin e bobo ‘yung tao.  At pag may wisdom tooth na ay magkakaroon ka na ng wisdom?  Mas mainam po bang pampatalino ang pagkakaroon ng wisdom tooth kesa kumain ng mani at paglaklak ng isang karton ng Tiki-Tiki?  Kaya po ba mukang monay sabi ni Xienah Girl si Judy Ann Santos dahil kasinlaki ng kalabaw ang kanyang wisdom tooth?

 

- Kung ako lang ang tatanungin, hindi bagay sa kalalakihan ang may nipples.  Bakit po ba may nipples kami hindi naman kami nagpapasuso?  Saka hindi po ako sanay na nilalapirot ni BebeKo ang nipples ko pag natutuwa siya sa pinapanood niyang soap opera.  Kaya kung pwede, wala na lang.  Gawin na lang ‘abs’ mula dibdib hanggang tiyan.

 

- Last but not the least, ilipat ang betlogs sa noo ng kalalakihan at gayundin ang pukengkeng ng kababaihan.  Mahirap na kasi ang panahon ngayon, hindi mo na madistinguish kung sino ang lalaki sa babae.  May lalakeng mukhang babae.  May babaeng may bigote pero babae.  May bading na mas maganda pa sa babae.  Lagi nga kaming natatanso sa Glorietta pano kala mo pagkagagandang dilag e mas mahahaba pa ata ang lawit ng mga hitad. 

 

‘Yun lang po.  Hindi ko po alam kung may suggestion box dyan sa langit, pero kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, sana lang po mapakinggan ang aking payak na hiling.

 

P.S.  Pahabol lang po, baka pwedeng padagdag na din ng guhit sa aming palad at daliri.  Alam mo naman kaming mga Pinoy, mga rice-loving people.  Eto kasi ginagamit naming pansukat ng tubig sa bigas.  Si misis kasi pag nagsaing, kung hindi malabsa e tutong.  Pag mas maraming guhit, malamang mas accurate ang sukat ng tubig.  Tenkyu berimats po.





Boxer or Brief

1 02 2008

Alam ko may pagkapilyo ‘tong si God nang mag-iwan ng ‘human glitch’ sa pagkakagawa ng kalalakihan.  Human glitch ‘yung pagkakaroon namin ng morning sickness o ‘yung biglaang pagtigas ng pototoy sa umaga, lalung lalo na pag malamig ang paligid. Wala lang, trip trip lang siguro ni God, para naman hindi boring ang mundo kung perpekto ang pagkakagawa ng mga bagay bagay.  

Struggle talaga sa kin ‘yung morning sickness dahil air con bus ang sinasakyan ko papasok ng opis.  Bigla na lang maninigas ang pototoy ko ‘pag umaga sa kadahilanang, wala lang, trip nya lang talagang mag-stretching exercise.  Sa ngayon, may nahanap akong panandaliang solusyon sa ‘morning sickness’ ko – ang pagsusuot ng brief.  Oo, hindi ako nagbi-brief.  Isang dekada na yata ang nakakalipas ng huling mag-brip ako.  Hehe, siyempre naka boxer shorts naman kasi ako.  Nasanay akong magboxer shorts nung college, nung panahong cool ang maghubo sa harap ng school admin at sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Pero hanggang ngayon di ko pa rin ma-konek kung bakit kelangang  maghubo muna kami bago sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Ang alam ko lang, mas madaling hubarin ang boxer shorts kaysa sa brip.  

Advantage ng boxer shorts, maluwang,  may built in ventilation system para mahanginan ang ibong namamahay sa loob, at makapaglaro ng habulan-taya ang nag-uumpugang betlogs.  At kasabay din ng pakikipaglaban ko sa aking karapatan bilang estudyante,  natuto ring magdemand ng right to freedom of space at right to fresh air ang ibon ko.  Kaya dun nagsimula ang aking boxer shorts story. 

On the other hand, ngayon ko lang muling na-realize na okey din naman sa ‘kin ang pagsusuot ng brief, lalo na pag mas masikip, bakat na bakat kasi ‘yung etits ko kaya nagmumukha tuloy malaki. Mukhang XL.  San ka pa.    

Pero tulad ni Scoffield ng ‘Prison Break’, alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang pototoy kong makawala sa brief ko.  At pagdating ng panahong ‘yon, meron pa naman akong huling alas na natitira – ang gumamit ng industrial strength packaging tape para mapirmi ang kanyang kalalagyan sa ‘karug’ – oo karug, ‘yung karugtong ng bulbol sa may bandang ibaba ng pusod.  At pag hindi pa rin umubra ang packaging tape, gagamit an ko na ng higanteng stapler at ii-stapler ko ang potoytoy ko sa makunat na balat ng aking yagbols.  Wala lang, pauso ko lang. 

Pero pano kung ikaw ang tatanungin, ano bang nararapat, boxer ba o brief?  Dagdag pogi points ba sa mga kababaihan kung nakaboxer shorts o brief ang kanilang mister o boypren?  Huwag niyong ismolin ‘tong pinag-uusapan natin dahil isa itong seryosong usapin.  Dito nakasalalay ang magiging desisyon ng susunod na henerasyon ng Pilipino.  Kung dapat nga bang boxer o brief.  Kaya ang tanong ng taong bayan, boxer ba o brief?  Let the historical debate begin!





Tales from the Barbershop

24 01 2008

Kahit stubborn tayong mga mister, obligado pa rin tayong magpapapogi kay misis.  Kaya nagpagupit ako sa barbero sa ‘min kahapon dahil lumalabas na naman ang tunay kong anyo, nagmumukha na ulit akong kapre.  ‘Bosing, kelangan mo nang ipa-relax ang buhok mo’, suggestion sa akin ng barbero namin habang ginugupitan ako.  Hindi ko maintindihan bakit kailangang i-relax ang buhok.  Dahil crap mode ako dahil hindi ako pinagbigyan ni misis kagabi dahil may buwanang dalaw kaya nag-reply ako ng pabalang,   ‘Bakit, nate-tense na ba ang buhok ko habang ginugupit mo?  At may parelaks-relaks ka pang alam’.  ‘Magkano ba yang ganyan?  Tinuro ko ‘yung listahan ng hair treatment na ini-offer.  Tumama ang hintuturo  ng barbero sa bandang Swarkzkoptf Hair Treatment – 500 pesos.   ‘Sige, kung kaya mong ipro-nounce yang hair treatment nyo.  Magpapaganyan ako’.   

‘Bosing, Swarzkof.’
‘Mali.’
‘Swarzops.’
‘Mali din.  Ang tamang pag-pronounce dyan ay ‘Swarzenegger’.   

Ayaw maniwala.  Nangti-trip daw ako.  Tarantado talaga ‘yung barberong ‘yun.  Hehe.  Ang totoo nyan, wala lang talaga akong perang pamparelaks ng buhok.  Sinabi ko na lang na, ‘Yaan mo pare.  Uutusan ko na lang kumalma ang buhok ko.  Buhok, relaks ka lang, wuzzah, take a deep breath, taena kaya mo yan gunting lang yan’.  Pero mukhang matigas ang kukote mana sa akin kaya hindi rin sumunod.   

‘Dry na ang buhok nyo bosing, magkakasplit ends kayo’, huling alas na sales pitch ng barbero.  Naku, magtaka ka kung basa at pawisan ‘yan malamang iba na yan, bulbol ko na ‘yan. 

Pero kahit naman pa-siraulo akong sumagot sa mga barbero,  malaki ang utang na loob ko sa kanila.  Andyan ‘yung ginunting ako ng papoknat nung kapanahunan ng ROTC nung college, nagawan ng paraan ng Macarubbo’s Barber Shop.  Nung ayaw akong pag-enrolin ng Dean ng college of Engineering sa ‘min dahil sa pang April Boys kong long hair [na tinatawanan ni BebeKo pag naaalala], barbero din ang gumawa ng paraan para magmukha akong tao.    

Hindi naman ako takot magpagupit sa mga parlorista.  Sige na nga, medyo lang.   Una, ayaw ko kasing nahihipan ng mainit na hininga sa may batok.  Ganun ang kalimitang ginagawa sa kin ng mga adik na parlorista.  May imbisibol force field kasi sa batok ko na kapag nahipan, nati-trigger ang aking amygdala at hippocampus, daan para magsend-out ng signal sa aking neural circuit, tumaas ang balahibo, maalarma ang aking fight-or-flight response at lalong humihigpit ang hawak sa bolpen na anumang oras ay pwedeng manuhog ng mata, isawsaw sa suka at gawing pisbol.    

Nakapunta na rin naman ako sa mga salon, baka sabihin niyo sobrang idyot ko.  [Oo aaminin ko idyot ako, idyooootttt!] Nagpagupit na din naman ako dati sa mga mamahaling pagupitan, kaso dahil parang kiniliti-kiliti lang ‘yung dulo ng buhok ko, konting blower, himas himas, tapos mamya sisingilin na ako ng dalawang daan, pakiramdam ko nawantutri ako.  At pag-uwi ko, napapatanong pa ako sa sarili ko ng, ‘Teka, nagpagupit na nga ba ako?’.   Kaya wag na lang.  Tanong ko lang, bakit ba sinasabi nilang ‘Gandang Ricky Reyes’ ‘yung isang salon e pangit naman si Ricky Reyes?  At  kahit siguro lumipas pa ang isang milyong taon at magbago ang standard ng kagandahan ay hindi ko pa rin siya tatawaging maganda.  Kaya ‘pag sinabihan kang ‘Gandang Ricky Reyes’, sarkastik ‘yon, hindi ka maganda.     

Pampatibay sa relasyong mag-asawa, sinasamahan ko din naman si BebeKo pag nagpapagupit at nagpapatanggal ng makulit na ingrown sa paa.  Oo, ‘yung makulit na usli sa kuko na nagpapahirap sa kanya para makalakad ng lakad pangtao.  Nakapunta na din ako kahit papano sa ‘F Salon’ na tinatawag kong Fuck Salon dahil sa tuwing magpapagupit dun si BebeKo ay laging punuan.  Ayaw nilang i-accomodate ang mala-dyosang kagandahan ng misis ko ng mga taenang insecure.  Fuck.  Isa pa, fuck.  Ayan, I’m relieved, nakakaginhawa talaga ng pakiramdam ang pag-fuck.





License To Wed

10 12 2007

Civil wedding sana namin ni BebeKo nu’ng June sa probinsiya pero dahil nga childhood dreams niya ang maglakad pagong sa gitna ng simbahan, naging December para makapag-ipon ng maipapakain sa mga kung sinong ‘hu u ba?’ na iimbitahin.  Sabi ko nga baka pwede namang mag-packed lunch na lang ang mga bisita, ayaw ba naman.  Kung pwede lang naman. Haha.  Hirap magpakasal ngayon, di tulad nung panahon ni Eba saka Adan.  Lambutsingan to da max agad, wala nang rece-reception na nangyari.  Ang handa nga lang nila ay isang epol na naging mitsa pa ng pagiging makasalanan ng mundo [at di ko pa din makuha ang logic na naging makasalanan ang bilyon-bilyong tao dahil sa pagkagat sa epol na ‘yan].  

Pero kahit sabihin pang conservative ang Pilipins, nire-recognize ng ating batas ang pagiging natural na malibog ng mga Pinoy.  In pak, Article 34 ng Family Code of the Philippines, ang pagsasama ni lalake at babae as live in pakners for a minimum of 5 years ay ground for exemption para kumuha ng marriage license bago magpakasal.  In short, di na kelangan ng lisensiya para maikasal.  Sayang, dapat no’n pa lang nag-living together na kami para nakasama sa exemption.  Ang ganitong pagpapakasal ay tinatawag na ‘ratification by marital cohabitation’. May natira pa palang latak ng istak knowledge kahit papaano ‘yung pag-aaral ko ng abogasya no’ng nakaraang taon.    

Sa Muntinlupa na kami nag-apply ng lisensiya sa kasal.  May kasamang seminar pa ‘yun.  Eksaktong bagong sunog ang cityhall kaya dun kami malapit sa bangketa ng palengke kina-counselling.  Habang inihahanda kami ng mga marriage counsellors sa buhay may asawa, may sumisigaw ng ‘Kangkong! Kangkong kayo diyan.  Limang piso lang’.  Kala ko kangkang, papakyawin ko na sana. Haha. Pansin ko parang mga abnoy na frustrated comedians ‘yung mga marriage counsellors.  ‘Yung una isang government employee, anlakas manlait ng mga nagseseminar [nakatsinelas kasi ‘yung iba, tapos ‘yung iba buntis na]. ‘Yung pastor naman, nag-ooffer ng catering package.  Napaka-profound nga ng natutunan ko dun.  ‘Yung nars naman nagturo kung paano magsuot ng condom.  Watda. Ineexpek ko sana ‘yung medyo mahirap naman.  Halimbawa, tuturuan ‘yung mga babae pano isuot yung condom kay mister gamit ang pilikmata.  Mga ganun.

Pagkatapos nun, mga papers naman sa simbahan ang inasikaso namin ni BebeKo.  Tatlo ang magiging pari namin sa kasal.  Si Archbishop, si Fr. Rannie na dean ng San Beda college of law na isa din sa outstanding philosophers of the century at saka isang kamag-anak na pari.  Di ko na kinulit si BebeKo kung bakit kelangang tatlo, para di halatang engot ako sa religious churba churba.  Inisip ko, baka siguro mas malakas ang signal ng prayers pag tatlo ang pari.  ‘Wow!  Three bars, anlinaw nga’, baka mapatalon pa si San Pedro sa tuwa.  Nung pinuntahan namin si Archbishop para kuning pari sa kasal, medyo nakangiwi ako.  Baka kasi maalala nya ako at ‘yung kalokohan ko nung college.  Curious lang naman ako e.  Kasama si pareng Ice, tinanong ko si Archbishop ng, ‘Monsignor, nakakaramdam din ba kayo ng makamundong pagnanasa?  Anong ginagawa nyo pag ganun?’ [read:  Monsignor, pag nakakita kayo ng seksi, nagtitikol din ba kayo?] na sinagot naman ni Archbishop ng ‘Syempre naman.  Tao din kami’.  Pagkatapos nun, hindi na kami muling pinaapak sa Archbishop’s Palace. 

Pero mabait talaga si papa Jesus.  Sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay, binigyan pa nya ako ng mabait na BebeKo – my soulmate, bespren forever, saka wrestling partner.  Papa Jesus, I owe you much.  Pramis, magpapakabait nako.





War For Peace

29 11 2007

Number wan na nakakabadtrip sa buhay ‘yung bigla kang nabibitin.  Sarap pa naman ng yosi breyk kasama ang barkada.  Perpek na lamig ng paligid, humidity, wind velocity at altitude sa baba ng Makati Stock Exchange.  Mamya biglang may nagpaputok sa mismong katabing Manila Peninsula Hotel.  Putek, eto nga ‘yung sinasabi nila kaninang umaga na magkukudeta na.  Nautot pa sa takot si pareng Abdiel.  Nasira na ang perpek moment.  Bad trip di ko na inubos ‘yung yosi.  Nagtatakbuhan na ang mga taong nagra-rally. Pers taym kong makakita ng nagwewelgang pilay na ambilis kumaripas ng takbo.  Sayang di ko nadala yung video cam, siguradong patok ‘yun pag na-upload ko sa youtube.  

Live na nagco-cover ng balita ang ABS-CBN chopper.  “Tara kaway tayo para makita tayo sa tv,” sabi ko sa mga uto-uto kong prens.  Pano na lang kung pinatulan kami ng ABS-CBN.  “Ahh, ako po si Doris Bigornia, heto ang live coverage sa Makati.  May limang unggoy na kumakaway, mukhang tuwang-tuwa sila sa nangyayari”.  Haha.  “Sana gumawa tayo ng banner na kartolina na may nakasulat na ‘Hi to my prens, family and kapitbahay.  Heto binobomba na kami, ansaya.”, dagdag ng isa pang siraulo kong barkada na si pareng Nathan.   

Balik kami sa opis para magtago sana pero redi na palang mag-evacuate mga kasama namin.  Sinabihan ako nung isang bosing na hanapin ‘yung immediate boss ko.  “Sa lower ground tayo dadaan, sabihan mo si boss mo na wag magpanic ha”, kulit sa akin.  Mabait naman akong sumunod kaya tumawag agad. “Boss, asan ka na?  Nagkukudeta na dito.  Andami nang tora-tora na lumilipad.  Papasabugin nila ang buong Makati.  Sabihin ko raw sa ‘yo, WAG KANG MAGPANIC HA?! WAG KANG MAGPAPANIC!!!”.  Haha.  Ewan ko ba lalo namang nagpanic.  Sira ulo talaga si boss. 

Palabas na kami ng harangin ng sekyu.  Delikado na raw lumabas.  Seryoso si manong guard.  Convincing kasi namumula ang mga pimples sa galit parang si Hellboy.  Parang gusto ko tuloy bawiin lahat ng pinakain ko sa kanyang libreng Jollibee meals mula nung January pa.  Nagbitiw na lang ako ng isang makabagbag damdaming verbal threat:  “Putsa pre, tirisin ko yang pimples mo, makita mo”.  Mamya, pinayagan na din kaming lumabas.   

Maayos ang evacuation.  Going to Ayala triangle ang lahat na parang mga langgam na sunod-sunod.  Pero dahil likas na matigas ang ulo ko, mula Paseo nag-U turn kami ng mga barkada ko pabalik ng LandMark galing Dela Costa.  Di pa kasi ako nakakakita ng Hummer na pang-giyera kaya gusto kong makiusyoso.  Nakakita naman ako.   

Wats my teyk on dis?  Bitin.  Sobrang pikon.  Wala man lang totoong bakbakan.  ‘Yung tipong matira matibay.  Mula pa nung Oakwood Mutiny, wala man lang nasaktan kahit isang guhit ng galos sa pwet.  Para ka lang nanonood ng boksing na nagpipitikan ng tenga.  Sabi sa balita, nagwalkout itong si Trillanes.  Ang alam ko, babae lang ang mahilig mag-walkout.  Ano kaya mga pinagsasabi nya?  “Asar na me [tampo].  Hurt na me.  Dito na lang me sa Manila Pen magpapalipas ng sama ng loob”.  Tapos ‘yung mga sundalo ng gobyerno naman, “Trillanes, Kainis na u.  Lumabas na u diyan.  Now na.  As in.  Kundi tatapunan ka namin ng tear gas na para kang nagmarathon movie ng Maalala Mo Kaya”.  Hay nakow, parang ganon na nga nangyari, puro satsat.  Ang alam ko, inevitable ang giyera para magkaron ng katahimikan once and for all.  Kelangan talaga ng bloodshed.  Kung sa video games nga, para makapagpatayo ka ng isang great civilization, kaylangan mong ubusin ang kalaban.  Kung nagkabarilan sana, tapos nanalo si Trillanes e di nagkaroon ng military takeover.  E di tapos na.  O kaya naman nadedbol si Trillanes.  Panalo ang gobyerno, back to normal ang lahat.  The end.  Lahat makakapagtrabaho ng matino.  Ewan mukang desensitized na ko sa mga nangyayari kaya nadedemonyo na ‘tong utak ko.  Bahala na sila sa buhay nila.  Magtitikol na lang ako.    





Pickup Lines

19 11 2007

Sabi ng mga barkada kong pabling, epektib talaga ang pick up lines.  ‘Yung tipong dadaan ka sa isang bar, may hot chick na umoorder ng tequila sabay singit ka ng, “Miss, mabilis ka siguro sa puzzle no?  Kasi kasisimula pa lang ng araw ko, nabuo mo na agad”.  Sabay pakita ng killer dimple at ngiting pusa.  Oo, parang pusang gustong makipaglambutsingan sa bubong magdamagan.  Ngyawwrrr! Kelangan lang daw ng konting tapang ng dibdib sabay swabeng confidence, tiyak  90% accuracy na mapapangiti ang chick.  Heto pa ang ibang pick up lines na pinagyayabang ng mga kabarkada ko: 

  • Miss, hindi ka pa ba napapagod?  Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko. 

  • Mahilig ka ba sa crayola?  Ikaw kasi nagbibigay kulay sa buhay ko. 

  • Exam ka ba? Gusto na kasi kitang i-take home! 

  • Me lisensya ka ba? Coz you’re driving me crazy. 

  • Naniniwala ka ba sa love at first sight? O gusto mong dumaan ulit ako? 

Iniisip ko lang bakit kelangan pa-cute ang mga pick up lines.  Ang alam ko, ang gusto ng ibang babae, ‘yung may pagka-maginoong medyo brutal.  Dapat ganito: 

  • Hey, para ka namang kulangot, you’re playing hard to get. 

  • Peyborit fud mo ba ang Alpo?  You’re bitchier than my dog. 

  • Para kang kuto,  I can’t get you out of my head. 

Pero ako, hindi ako naniniwala sa mga pick up lines.   Hindi ko naman nadaan si BebeKo sa mga pakyut-cute na ganyan.  Nilaro-laro ko lang  ‘yung pendulum sa harap ni BebeKo sabay sabing ‘Repit apter me…’  “Ampogi ni Badoodles…  Kamuka siya ni George Clooney…”  Mga 100 times siguro na pinaulit-ulit ko sa BebeKo ‘yun sabay suklob sa kanya ng helmet.  Hanggang ngayon, naniniwala pa rin siyang kamuka ko nga si George Clooney.  Oo, kung minsan si Tom Cruise naman.  Tsk tsk, nakakabulag talaga ang pag-ibig. 

Wala lang.  Huling pagbabalik tanaw sa pagkabinata.  Ang pagbabalik tanaw na ito ay hatid sa inyo ng Rhea Rubbing Alcohol – di lang pampamilya pang isports pa.





All That Boob Tube BooBoos I

15 10 2007

Naprito na yata ng satellite radiation ang brain cells ng mga tao sa likod ng tv industry.  Nanonood kasi ako sa bus papasok sa opis ng Umagang Kay Ganda, ‘yung morning show sa ABS-CBN.  Di ko alam kung bakit Umagang Kay Ganda ’yun tapos ang binabalita ‘yung tungkol sa nasaksak, adik na nagwala, saka nagkabanggaan na sasakyan.  Seryoso kaya sila?  Kasi di ko makita asan ‘yung ‘Kayganda’ dun.  Anong ini-expect kaya nilang expression ng nanonood:  “Wow! May nagbanggan na isang ten-wheeler saka padyak sa Binondo.  Pitpit ‘yung ten wheeler.  Cool”.  “’Yung mama natagpuang lumulutang sa Pasig River, para lang daw nagsa-sun bathing, nakakatuwa naman”.  Weirdo.  Iniisip ko pano na lang kaya sasabihin nung nagrereport sa scene of the crime: “Isa pong katulong tinurbo ng mga manyak sa pwet, abangan ang detalyeng ‘yan mamaya sa pagbabalik ng Umagang Kay Ganda!”.  Sabay ngiti bago mag-commercial.  Hanep.   

Uso na din sa mga morning show ‘yung pinapakita sa may ibaba ng tv ‘yung temperatura sa iba’t ibang bansa.  Nakow, bakit kailangan ‘yon e ano ngayon kung mainit sa Sidney at Tokyo.  Pa-uso ba yan in preparation for a high-tech future.  Baka ba in the near future pati temperatura sa ibang planeta ipakita na.  “Tignan mo below zero degrees pala ngayon sa Jupiter, anak ko, kelangang magdala ka ng jacket pag bumili ka sa Jupiter ng suka ha”.   Madapacking sheyt. 

May mga commercial naman na mukang ang nag-conceptualize e laging naiiwan ang utak sa higaan.  Sabi ni Boy Abunda magiging at home ka pag kinain mo ‘yung Argentina carne norte.  Tangek, pano naging at home ‘yun e Argentina nga ‘yun.  Kung sinabi sanang ‘masarap ang carne norte fresh galing sa saksakan sa Tondo, at home ka sa sarap’.  ‘Yun maniniwala talaga ako.  Saka ‘yung commercial ni Kris Aquino tungkol kay Ninoy sa Goldilock’s.  Hanggang ngayon di ko pa rin ma-connect kung pano napasok ‘yung heroism sa icing ng cake.  Teka, hulaan ko.  “Ang cake ay parang bayani, nilalagyan ng kandila”.  ‘Yun ba ‘yun?  Putek… Hmmm… conspiracy theory talaga. 

Parang di na nga pinag-iisipan ‘yung ibang palabas ngayon.  Di tulad ng mga gawa ni Mars Ravelo, may mga hidden meanings na mind-fucking talaga.  Tulad ng Darna, sabi sakin ni pareng Stephen, kwento daw talaga ‘yun tungkol sa droga.  Kasi pag sumisigaw si Darna ng ‘Ding, ang bato!’, saka pa lang siya nakakalutang sa alapaap.  Hanep ang kwento di ba?  Hehehe. 





Conversations with God I

1 10 2007

Dear Papa Jesus, Sensiya ka na kung di ako nakakapag-pray lately.  Dami kasing opis work kaya pag-uwi sa bahay, pagkasampa ko pa lang sa higaan ng ten seconds e umaatungal nako ng hilik.  Pero come to think of it, di ba siya pa ‘yung isang litanyang pakikinggan mo out of those billions and billions of prayers ebri second in da whole wide unibers.  [Tanong ko lang, nag-pi-pray din po ba ang mga aliens? May ‘Indineym of the father' din po ba silang nalalaman?]  Nakakapraning naman pala ‘yang trabaho mo Papa Jesus.  Meron ka din bang ‘prayers department’, ‘yung mga anghel na tagasalansan ng prayers parang tulad dun sa nakita ko sa post opis.  Bawi na lang ako ng maraming prayers next time.  ‘Yung prayers ko last month, ‘yun na lang din po ‘yung prayers ko ngayon.  Hehe, the ultimate Juan Tamad po ba ako?  Sori po, kahapon naman, nung may nakasalubong kami na mga poreynjer chicks sa Glorietta, e napausal naman ako ng prayer before meals.  “Bless me O Lord, for these thy gifts, which I am about to receive…”  Madapacking sheet, hindi pala ako ‘yun, ‘yung mga barkada ko lang na makukulit ‘yun.  Hehe, Pramis. 

Papa Jesus, tanong ko lang, pag naging kaluluwa ba ako e tatanggalin mo ba ang titi ko?  Napagkwentuhan lang namin nung opismeyt kong si Abdiel kahapon.  I am upset.  Really.  Tsk!  Sabi niya kasi kahit mga anghel wala na din daw pekpek kasi wala nang gamit ‘yon sa langit.  E bakit po tinawag na langit ‘yon kung wala na rin pala silang pekpek?  Nagbibiro lang po.  Pero kung gusto mong sagutin, okey lang din. 

Sori nga pala nung panahong may LQ tayo.  Pano naman kasi, bago-bago pa lang akong nanunumbalik magsimba [sa pangungulit na rin ni Fr. Bernie, na spiritual adviser ko slash FHM borrower na di marunong magsoli on time aysus!] binigyan mo agad ako  ng sandamakmak na pagsubok sa buhay.  Pede bang gawin mong installment ang pagsubok para di naman ako nagugulat?  Por dis month maholdap ka muna, next month ma-reyp ka ng sangkatutak na chicks naman.   

Alam mo ba ‘yung wish ko?  Sana in your time, makakulitan naman kita sa inuman.  Nabasa ko kasi ‘yung kinonvert mong wine ‘yung tubig na inumin ng mga tagasunod mo.  Baka kako mahilig ka rin sa inuman with smoking hot sisig na pulutan.  Hapi hour ngayon sa Alabang 120 lang isang bucket.  Hehe.  Biro lang po ulit.  Alam kong nakukulitan na kayo sa ‘kin pero di pa po ako lasing, nakainom lang.  Kaya ko pang mag-math.  2 times 2 equals 8.  Sana ‘wag kayong magsawa sa pag-iintindi sa kin. Amen.





Betlog Diaries 2: 8 Crazy Things About My Life

12 09 2007

Bakit otso?  Hindi ko alam kay Chuck en’ Clare  en Pepe na nag-tag sa akin at wala ding kinalaman ang otso sa haba ng etits ko o sa aking lucky number.  Here’s 8 nutty things about me: 

1.   Kung anu-anong trabaho pinasok ko para makagradweyt.  Madiskarte sa buhay at kayang mabuhay sa tagilid na lupa.  Naging disc jockey sa Campus Radio saka Star FM gamit ang diplomang Made in Recto.  Undergrad pa kasi ako nun.  Sa radio kami nag-meet ni BebeKo nung college.  Best female guest dj kasi siya.  Nung year-end top twenty countdown, nag-propose ako sa kanya on-air.  Di ko alam na patay na patay na pala siya sa akin dati pa kaya sagot siya agad ng u-oh.  Haha! 

2.  Naging corps commander sa ROTC.  Na-expel lahat ng ka-batch kong officers dahil sa hazing at ako lang natira.  May pagka-sutil pa ako nun.  Pinapagulong ko sa field ang mga kadete pag may tantrums ako like nawala ‘yung scientific calculator ko o kaya nababato ako at gusto ko lang matawa.  [Kaya di ako makapaniwala pag sinasabi nilang ako daw ang pinakamabait na corps commander in da whole wide world] 

3.  Nagtrabaho bilang waiter sa Rose Garden, isang low class prostitution den nung hayskul pa lang.  Pang-gabi ang schedule ko sa halagang trenta pesos magdamag.  Minsan, tinawag akong ‘kulangot’ ng isang lasing na humihingi ng ice bucket.  Badtrip ako kaya bago ko muna binigay ’yung ice cubes, kinaskas ko muna sa betlogs ko para subukan ko kung talagang malamig.  Anlamig nga.  Hehe.  Lesson in life:  Be nice to waiters.  Be very nice. 

4.  Kahit adik mga barkada ko nung college, never tried doobie at all.  Not even once.  Never even joined frat groups. Kahit pa ‘yung limang barkada ko e presidente ng kung anu-anong frat.  Paniwala ko kasi ang mga sumasali ng frat ay duwag.  Sabi nga ni Conrado De Quiros, “they are like mosquitoes, they are brave when they’re in droves”.   

5.  Naging presidente ng student council sa college of law.  Sa law school ko din naranasan maging Best Brief twice [hindi ‘yung sinusuot na sumusuporta sa betlogs, ‘yun ‘yung tawag sa pleadings ng korte]  dahil sa pagiging natural na sinungaling sa courtroom.  Naka-rubbing elbows ko din si Joan De Venecia, miyembro ng UP debate society na naging bar topnotcher noong 2006.    

6.  Muntik na akong maging sundalo.  CAFGU kasi si Papa tapos kalahating taon na din akong nagte-training sa kampo [Camp Upi, Gamu].  Iyak ng iyak si Mommy with matching sikip ng dibdib epek epeks kasi ayaw niya talaga pero kino-convince ako ng mga kapatid ko na tumuloy para meron naman daw silang kapatid na de kanyon.  Nag-teyk a breyk muna ako for a year para pagbigyan si Mommy.  Na-deploy naman agad sa Mindanao ang mga kasabayan ko [kasagsagan noon ng Abu Sayyaf].  Nabaril ng Abu ’yung ka-buddy ko at inuwing dedbol sa amin.  Buti na lang di pala ako nagtuloy.  Six feet below da ground na sana ako ngayon.  Di ko din sana naramdaman kung pano mainlab  at maranasan mag-blog at makipagkulitan sa internet. 

7.  Currently working as software engineer sa Makati Stock Exchange.  High tech promdi.  Natutuwa ako sa elevator kasi sanay lang ako dating sumasakay sa kalabaw.  Pag walang kasabay, tumatalon-talon ako sa elevator at biglang napapakanta ng ’takatak mo’.  Marunong akong makisama ke sunog baga boys man o senior executives.  Pag senior execs at di ako maka-ride on, dinadaan ko na lang sa usapang theory of relativity saka the medici phenomenon. 

8.  Pag may sobrang pera, nagpagti-tripan kong manlibre ng Jollibee super meal o Starbucks kape sa sinumang pulubi o mukang gutom na palaboy-laboy sa daan.  Sabay kwentuhan na din ng buhay buhay.  Mas okey na ‘yun kesa tumeybol ka ng pokpok sa Cubao.  Mga mukha na ngang ewan, di pa marunong mag-handle ng conversation.  Anong akala nila sa ming boys, pekpek lang ang habol?  Hehe.  Biro lang.  Pekpek lang talaga habol namin.  Hala naku!  Hehe. 

Never had regrets sa katarantaduhang pinaggagawa ko sa buhay ko.  Life is short.  Enjoy the ride.  You only pass this journey once so live it.  Laugh at your mistakes but never be afraid to cry.  Now, I’m tagging the following:  bebeKo [diyosa ng kaning lamig], brokenman [by reading this, u are estopped],  sawn [8 kamanyakan, sige na wak ka na bagumbuhay], chillidobo [hot, hot, hot] , nelo [boy tulis], si Chuck ulit [hehe, okay lang un 8 crazy things naman ‘to], earthlotus [boy tulis2], maru [hmm… can’t wait to read urs] .  Okay lang kahit di kayo sumagot.  May kilala naman akong voodoo doctor.  Biro onli.  ‘Yung iba, welcome din makipagkulitan sa tag na ‘to.

*Shoutout to Al and Tim Tayag,  mga guardian angel  at devil ko sa kakulitan para sa kanilang pagbabalik sa ‘Sup Radio – ‘the only morning radio show at night’ sa Jam 88.3 which airs Monday to Thursday, 9-midnight.  Kinig kayo.





Lessons from the Dead

20 08 2007

Adik sa soap opera ang mga Pilipino.  ‘Wag ka nang magtaka kasi meron ‘tong malalim na dahilan.  Kung ano ang anyo ng demokrasya natin ngayon, nabuo ito dahil sa isang magulong ‘love triangle’.  Sa libro ni Conrado De Quiros na Dead Aim, umiikot ang mundo nina Ninoy, Cory at Imelda sa tema ng pagmamahal, galit at paghihiganti.  Walang gaanong nakakaalam na minsang naging escort ni Imelda itong si Ninoy sa isang charity ball.  Hot chick probinsiyana si Imelda noon.  Inaamin naman ni Ninoy na nagka-crush siya kay Imelda.  Pero kung bakit di sila nagkamabutihan, sinasabi lang ni Ninoy na “She’s too tall for me”.  Pero kung si Imelda ang tatanungin, alam niya kung bakit di siya niligawan.  Wala siyang maipagmamalaking breeding at wala din siyang pera.  Isang probinsiyanang nagbakasakali at sumali ng beauty contest sa Miss Manila, di niya inaasahang magku-krus ang kani-kanilang landas.  Pero mas pinili nga ni Ninoy ang isang tagapagmana ng hacienda.  Si Cory Aquino.  Tulad ng isang soap operang napapanood na may sound epek epeks pa ng Pers Lab Neber Dies, alam mo na na ‘yung isang karakter na naapi at nasaktan e magbibitaw ng linyang “Babangon ako’t dudurugin ang mga taong umapi sa ‘kin”.  Basta parang ganun. 

Hindi imposibleng nagustuhan nga ni Imelda si Ninoy.  May ‘thing’ kasi si Imelda sa mga pa-bad-boy epeks.  Laking kanto at Manila boy itong si Ninoy.  Ang tawag nga sa kanya ni Nick Joaquin [national artist for literature], ay batang siga.  Pero para sa isang pusong nasaktan, may ‘knight-in-shining-armor’ na magpapakyut.  Dobleng brusko at mahangin pa.  Isa sa mga mambabatas sa kapulungan noon at nakakitaan na ng kumpiyansa [at kayabangan] na magiging presidente balang araw, nakita ni Ferdinand Marcos si Imelda sa isang cafeteria.  Basta na lang lumapit at nagpakilala.  Hindi naman nabastusan si Imelda sa ganun.  In pak, na-impress pa nga.  Hiya naman daw itong si Imelda.  Kasi naman hindi daw siya ‘prepared’.  Nakapambahay kasi saka tsinelas lang.  Na love-at-first-sight si Marcos and right there and then ay nagpropose na pakasalan si Imelda. 

Hindi nga tinantanan ni Ferdie si Imelda.  Araw-araw may three red roses na natatanggap si Imelda.  Matapos ang labing-isang araw na pagpapakyut ay kinasal ang dalawa.  Ang lupet.  Kung nagkataon na nakasabayan kong lumaki itong si pareng Ferdie, sa kanya dapat ako nagpaturo ng ‘da moves’.  Nagpatuloy ang aktibong political career ni Ferdie habang si Imelda ay all-out support na tagakanta sa mga political rallies ng asawa.  Sa isang panig naman ay ang pagpayagpag ni Ninoy na naging pinakabatang mayor, pinakabatang senador [two weeks underage na muntik pang ma-disqualify] at sanay naging pinakabatang presidente ng Pilipinas.   

Naging presidente si Marcos.  Nasarapan sa aircon sa Malacañang kaya di na nagbalak umalis.  Nagdeklara ng martial law para ma-extend ang paggamit ng aircon kaya nagkaroon ng matitinding kaaway.  Isa dun si Ninoy.  Pero dahil under military regime noon, lahat ng kontrapelo ay kinukulong.  Nakulong si Ninoy sa Fort Bonifacio ng matagal na panahon.  Nagka-heart problem at na-confine sa Philippine Heart Center.  Ayaw niyang magpagamot dun dahil si Imelda nga ang nagpatayo.  Alam ko may halong tampo ‘yun.   

Nung May 8, 1980, isang surprise visit ang ginawa ni Imelda kay Ninoy sa hospital.  Ang sabi sa diyaryo, kinausap ni Imelda si Ninoy kung gusto niyang sa Amerika na lang magpagamot.  Pero iba ang iniisip kong pag-uusap ng nangyari: 

Imelda:  Una kang naging akin Ninoy. 

Ninoy:  Ipagpatawad mo.  Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang nasa isip. 

Imelda:  Sinungaling mong puso! 

Nagpagamot nga si Ninoy sa Amerika at dun na rin nanirahan kasama ang pamilya.  Nagpumilit bumalik sa Pilipinas at binanggit ang katagang ‘the Filipinos are worth dying for’.  Sa bandang huli ay na-assassinate.  Makasaysayan ang mga sumunod na pangyayari tulad ng Edsa revolt habang ang buong mundo ay nakatutok sa soap operang ito.  At kung bakit di pa rin nareresolba ang kaso ng assassination ni Ninoy hanggang ngayon, marahil magandang tignan ang anggulong ‘love triangle’.  Wat yu think?








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 94 other followers