Number wan na nakakabadtrip sa buhay ‘yung bigla kang nabibitin. Sarap pa naman ng yosi breyk kasama ang barkada. Perpek na lamig ng paligid, humidity, wind velocity at altitude sa baba ng Makati Stock Exchange. Mamya biglang may nagpaputok sa mismong katabing Manila Peninsula Hotel. Putek, eto nga ‘yung sinasabi nila kaninang umaga na magkukudeta na. Nautot pa sa takot si pareng Abdiel. Nasira na ang perpek moment. Bad trip di ko na inubos ‘yung yosi. Nagtatakbuhan na ang mga taong nagra-rally. Pers taym kong makakita ng nagwewelgang pilay na ambilis kumaripas ng takbo. Sayang di ko nadala yung video cam, siguradong patok ‘yun pag na-upload ko sa youtube.
Live na nagco-cover ng balita ang ABS-CBN chopper. “Tara kaway tayo para makita tayo sa tv,” sabi ko sa mga uto-uto kong prens. Pano na lang kung pinatulan kami ng ABS-CBN. “Ahh, ako po si Doris Bigornia, heto ang live coverage sa Makati. May limang unggoy na kumakaway, mukhang tuwang-tuwa sila sa nangyayari”. Haha. “Sana gumawa tayo ng banner na kartolina na may nakasulat na ‘Hi to my prens, family and kapitbahay. Heto binobomba na kami, ansaya.”, dagdag ng isa pang siraulo kong barkada na si pareng Nathan.
Balik kami sa opis para magtago sana pero redi na palang mag-evacuate mga kasama namin. Sinabihan ako nung isang bosing na hanapin ‘yung immediate boss ko. “Sa lower ground tayo dadaan, sabihan mo si boss mo na wag magpanic ha”, kulit sa akin. Mabait naman akong sumunod kaya tumawag agad. “Boss, asan ka na? Nagkukudeta na dito. Andami nang tora-tora na lumilipad. Papasabugin nila ang buong Makati. Sabihin ko raw sa ‘yo, WAG KANG MAGPANIC HA?! WAG KANG MAGPAPANIC!!!”. Haha. Ewan ko ba lalo namang nagpanic. Sira ulo talaga si boss.
Palabas na kami ng harangin ng sekyu. Delikado na raw lumabas. Seryoso si manong guard. Convincing kasi namumula ang mga pimples sa galit parang si Hellboy. Parang gusto ko tuloy bawiin lahat ng pinakain ko sa kanyang libreng Jollibee meals mula nung January pa. Nagbitiw na lang ako ng isang makabagbag damdaming verbal threat: “Putsa pre, tirisin ko yang pimples mo, makita mo”. Mamya, pinayagan na din kaming lumabas.
Maayos ang evacuation. Going to Ayala triangle ang lahat na parang mga langgam na sunod-sunod. Pero dahil likas na matigas ang ulo ko, mula Paseo nag-U turn kami ng mga barkada ko pabalik ng LandMark galing Dela Costa. Di pa kasi ako nakakakita ng Hummer na pang-giyera kaya gusto kong makiusyoso. Nakakita naman ako.
Wats my teyk on dis? Bitin. Sobrang pikon. Wala man lang totoong bakbakan. ‘Yung tipong matira matibay. Mula pa nung Oakwood Mutiny, wala man lang nasaktan kahit isang guhit ng galos sa pwet. Para ka lang nanonood ng boksing na nagpipitikan ng tenga. Sabi sa balita, nagwalkout itong si Trillanes. Ang alam ko, babae lang ang mahilig mag-walkout. Ano kaya mga pinagsasabi nya? “Asar na me [tampo]. Hurt na me. Dito na lang me sa Manila Pen magpapalipas ng sama ng loob”. Tapos ‘yung mga sundalo ng gobyerno naman, “Trillanes, Kainis na u. Lumabas na u diyan. Now na. As in. Kundi tatapunan ka namin ng tear gas na para kang nagmarathon movie ng Maalala Mo Kaya”. Hay nakow, parang ganon na nga nangyari, puro satsat. Ang alam ko, inevitable ang giyera para magkaron ng katahimikan once and for all. Kelangan talaga ng bloodshed. Kung sa video games nga, para makapagpatayo ka ng isang great civilization, kaylangan mong ubusin ang kalaban. Kung nagkabarilan sana, tapos nanalo si Trillanes e di nagkaroon ng military takeover. E di tapos na. O kaya naman nadedbol si Trillanes. Panalo ang gobyerno, back to normal ang lahat. The end. Lahat makakapagtrabaho ng matino. Ewan mukang desensitized na ko sa mga nangyayari kaya nadedemonyo na ‘tong utak ko. Bahala na sila sa buhay nila. Magtitikol na lang ako.
Bagong Puna