Round 3: Road to the Finals – The Philippine’s Best Humor Blogs

11 07 2008

 

 

Palapit na tayo ng palapit sa huling hirit sa paghahanap sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Ilang pasakalye muna: Hindi na maaaring magpalit ng binoto. Warp level na to. Touch move.

 

 

*Update:  Dagdag Premyo.  Magbibigay ang The T-Shirt Project ng tig-iisang ‘Humor T-Shirt’ para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas.  Ngayon pa lang, browse na sa link dito o kaya sa Multiply site dito para makapili ng inyong size, hugis at disenyo.

 

Sa mga nominado, itodo na ang pangangarir sa kampanya. Gamitin ang karisma, alindog at laki ng nipol para makahakot ng boto. Kung masyadong mahiyain, pwede na rin ang paglalagay ng ‘Vote For Me Pls [+ blush icon]?’ sa sidebar ng iyong blog. Sa mga nabubuhay sa pambu-bully, pinapayagan ko bilang lehitimong paraan ng paghihikayat ng botante ang pag-tutok ng balisong sa mga bloggers na tumatambay sa mga Internet shops at Starbucks na may wifi. Kung ayaw kayong iboto, tanggalin nyo ang kanilang mata. Akong bahala. Oo, wala akong pakialam kahit si Gloria Arroyo pa siya. Alang-alang ito sa sangkablogosperyuhan.

 

Ang botohan ay opisyal na magsasara sa Septyembre 20, 2008, sampung araw bago ang pormal na anunsiyo sa 10 Best Pinoy Humor Bloggers. Ito ay para magkaroon ng panahon para iberipika ang bilang ng boto at para naman sa mga botanteng bloggers, makapagsampa ng reklamo kung hindi naisali ang pangalan sa parapol. Ang final announcement ng raffle winner [isa lang ang mananalo] at Philippines 10 Best Humor Blogs ay sa September 30, 2008.

 

At ngayon, heto na, para sa ating huling hirit bago ang Finals ng Project Lafftrip Laffapalooza, heto ang resulta ng Round 3 bilangan ng mga blogs na posibleng solusyon sa ating problemang puso, rice shortage, at global warming, ang mga iniidolo nating mga coolest, fantabulous, and riveting Pinoy Humorous Blogstars: [wag nyo akong tanungin kung ano ang riveting, cool pakinggan pero di ko talaga alam yan]

 

Rank 1: Inday [blogniinday.com]
Votes: 7,900 | Round2 Rank: 1 | Round1 Rank: 1

Ang sosyal at techie na katulong. Sobrang nakakaaliw talaga ang mga nosebleed hirit nya at ang lovestory nila ni Dodong. Itong blog na ito ang nagmulat sa akin para pasukin ang blogsphere, nagsimula ito sa isang e-mail ng friend ko about inday jokes at dahil mausisa akong tao mega open ko lahat ng link at don ko nadikubre ang iba pang mga blogger, hanggang naengganyo na rin akong sumali sa kulto na pagboblog. - anasarmiento.wordpress.com

 

 

Rank 2: Chiksilog [chiksilog.com]
Votes: 7,200 | Round2 Rank: 2 | Round1 Rank: 9-11

“A copious amount of wit, plus solid humor and a smack of sarcasm. Hmm, xienah na xienah di ba? Astig ‘to! Pag may nagtatanong sakin kung bakit siya ang paborito kong blogger, brains niya kaagad ang binibida ko. Bilib ako sa utak ng babaeng bakla na ito. Sobrang brilliant n’ya at para sakin, wala ng mas gagaling pa sa kanya. With her xGMonologues and exceptional hirits, kelan ba naman ako di napatawa nitong babaeng baklang to? Sobrang naaaliw ako dito kasi she never runs out of things to say. She made her readers laugh without even trying. ‘Yan ang dahilan kung bakit una sa puso ko ang Dyosa ng Sangkaitlugan!” - diakosipeterpromise.blogspot.com

 

 

Rank 3: Green Pinoy [greenpinoy.com]
Votes: 6,800 | Round2 Rank: 3 | Round1 Rank: 12-13

“Kung hindi naman dahil dito eh hindi ako magkakafriends dito sa sanblogosperyo. Andami mong makakalkal sa berdeng websayt na to. May forums, reader’s gallery, projectube, at higit sa lahat sandamakmak na koleksyon ng mga true blue, err.. green pinoy fun jokes at mga ka-ekekan (si Bacheengco pa pala!) Syempre meron akong post jan, sinadya ko talagang yan ang isubmit kong picture para naman masilayan nyo ang kagandahang taglay ng inyong labanderang tumatanggap lang ng labada pag linggo. Nga pala, day off ko every sunday. Nagfoforums ako sa Greenpinoy eh”. - trinalabandera.blogspot.com

 

 

Rank 4: Kokey Monster [kokeymonster.com]

Votes: 4,900 | Round2 Rank: 7 | Round1 Rank: 21-22
“The ultimate humor-slash-libog blog for the out of this world type of person award goes to FerBert. Eh putek, sya lang naman ang nagiisang alien na kumakarir para matuto ng tagalog para mapasaya naman tayong mga Filipino earthlings. Sa totoo lang hindi naman bastos ang blog na ito. Teh Tagalowging ispiking alien makes sense after all. Malandi talaga tong alien pitutoy nato, magbasa ka lang ng comments nya matatawa ka na at kikiligin. Eh kasi, meron na syang little miss alien, ay senorya pala. Syet. Lab ko yang dalawa na yan”.
- trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 5: Maruism [maruism.com]
Votes: 4,200 | Round2 Rank: 4 | Round1 Rank: 2

Ang kakabog sa mga dibdib ng mga sawing-palad. - blognialingbina.blogspot.com

 

Rank 6 - 7: Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
Votes: 4,000 | Round2 Rank: 9-10 | Round1 Rank: 9-11

“Ahay! Ito ang institusyon! Heto na ang nag-iisa at natatanging centennial blogger so bow down and pay respect kay Romy Diaz (kahit na hindi mo sya gagalangin paminsan sa mababasa mo sa kanyang diarya with the floral scent). Isa pa, maganda ang mga pictures na makikita mo dito. Photo shop kung photo shop para di na magtype at magkwento. Okay ang FYI series, may parts i ii iii iv v. Abnormal ka kung hindi ka matawa sa mababasa mo sa kanyang personal diarya.” - trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 6 - 7: Spontaneity [jojitah.com]
Votes: 4,000 | Round2 Rank: 5-6 | Round1 Rank: 5-6

“Nakakaaliw super! Magmumukha kang timang kapag nakita ka ng ibang tao dahil sa kakatawa sa mga banat ni Jojitah.” - enelym001.wordpress.com

 

Rank 8 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
Votes: 3,600 | Round2 Rank: 5-6 | Round1 Rank: 4

“Sobrang kulit na blog, ang blog na kumpleto rekado minsan may drama, minsan comedy, minsan naman action, minsan din horror. Sya rin ang blogger na laging may reply sa comment mo, enjoy din ako basahin mga comments sa bawat entry nya.” - anasarmiento.wordpress.com

 

Rank 9: Reyna Elena [reynaelena.com]
Votes: 3,400 | Round2 Rank: 8 | Round1 Rank: 3

ReynaElena blogs on Philippine economy and socio-political happenings and mishaps with an approach of so much humor and sarcasm that I always die laughing at every word she says. She is indeed so revolutionary funny and hilarious.” - smartglobalexpress.net

 

Rank 10: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]
Votes: 3,000 | Round2 Rank: 11-12 | Round1 Rank: 23-24

Wala nang pasikot sikot pa, kaya nyang maghatid ng punchline nang mabilisan. mas epektib dahil direct to the point”. - watusiboy.wordpress.com

 

 

Rank 11: Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
Votes: 2,700 | Round2 Rank: 11-12 | Round1 Rank: 5-6

AnakniKulapo makes me laugh at his posts and his ways of injecting so much humor in dealing with personal issues in his life and his environment making me feel so light and so funny. - smartglobalexpress.net

 

Rank 12: Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
Votes: 2,600 | Round2 Rank: 9-10 | Round1 Rank: 9-11

Natatawa ako dahil mahilig sya sa salitang utot.” - watusiboy.wordpress.com

 

Rank 13: Loser’s Realm [hachipatuchi.blogspot.com]
Votes: 2,100 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: None

Akalain mong isang loser lang pala ang magpapaligaya ng walang kwenta kong buhay! Eh ibang klase ang alindog na meron itong si Mariano Juancho. Nung una ay nandidiri pa ako sa kulay ng blog nya, napaka-boring, napaka-loser! May ADD yata to, pano, naghuhubad at naglalaslas ng tiyan nyang malaki. BOO! Hindi ko napansin na habang tumatagal eh mas nauuna ko pang bisitahin ang blog nitong bente dos anyos carinyoso na ito kesa sa sarili kong blog! Aba naman, kay lakas ng kanyang pwersa na pati ang puso at panti’t bra ko ay nalaglag na sa kanyang karisma. Mariano Juancho sayo ako! Kahit rank 23218987 ka pa sa blogkontes na to, rank 1 ka sa puso ko! Aylabyu.. webcam tayo ulet ah. (yikee) - trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 14 - 16: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 15 | Round1 Rank: 7

“Bihira na lang magpost pero iba pa rin ang hatak. Kakabagan ka din sa kakabasa ng blog niya. Lurker lang ako sa blog niya pero talaga namang binabalik-balikan ko”. - enelym001.wordpress.com

 

Rank 14 - 16: Chuvaness [mynosebleed.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 14 | Round1 Rank: 8
“Itayo ang kachurvahan-chenes-eklaboo-boomboom-bautista and ervielou ekekechenes.” - blognialingbina.blogspot.com


Rank 14 - 16: Blasted Brain Blog [crost23.blogspot.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 18-19 | Round1 Rank: 19-20
“Idol ko sa pagsusulat ng buhay niya na puno ng dumi at pananamantala. Lapitin ng mga chiks at hen pati rin rooster na babading sa kanya.” - dansoy.lukaret.com

Rank 17: Mundane Side of the Road [theblindrage.blogspot.com]
Votes: 1,800 | Round2 Rank: 13 | Round1 Rank: 33-39

“’Expounding On The Mediocre Since 200’ tag line pa lang pamatay na. Ultimo everyday conversation eh nosebleed english pa… Witty and Bitchy. Funny! Nyahahaha… Oras na basahin, tatawa ka na lang ng walang dahilan - ganyan kalakas ang powers ni Tina.” – marcelomcrey.blogspot.com

 

Rank 18 - 19: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]
Votes: 1,500 | Round2 Rank: 16-17 | Round1 Rank: 12-13

“This guy’s brilliant. Hanga ako dito. He is funny without even trying. I love his ascerbic wit. Walang katulad. Wala!” – jovi2hottie.wordpress.com

 

Rank 18 - 19: Defpotec [defpotec.wordpress.com]
Votes: 1,500 | Round2 Rank: 16-17 | Round1 Rank: 14-15

“Nalulungkot ka ba? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? O sadyang mahilig lang sa Bombay? Pumunta ka sa blog ni DEFPOTEC at nandoon ang lunas sa iyong kalungkutan. Garantisado!” – jovi2hottie.wordpress.com

 

Rank 20: King Daddy [kingdaddyrich.com]
Votes: 1,400 | Round2 Rank: 25-26 | Round1 Rank: 18

“Mas masarap basahin ang mga blogs na hindi naglalayon na magpatawa pero actually ay nakakatawang basahin. Isa na dito ang blog ni KDR. Mapa-emo o kwentong kalokohan, hindi ka mabobore sa kanyang mga lathala. Parang laging may something new”. - leynv.blogspot.com

 

 

Rank 21 - 22: Gasti [gasti.wordpress.com]
Votes: 1,300 | Round2 Rank: 18-19 | Round1 Rank: 14-15

Rank 21 - 22: The Badly Written Sitcom [sunriseshotgun.blogs.friendster.com]
Votes: 1,300 | Round2 Rank: 20 | Round1 Rank: 25-32

Rank 23: Damned In Blue [damnedinblue.blogspot.com]
Votes: 1,200 | Round2 Rank: 21 | Round1 Rank: None

Rank 24: A Piece of Crap [umleo23.com]

Votes: 1,100 | Round2 Rank: 25-26 | Round1 Rank: None

Rank 25 - 27: Marijuana Den [marcelomcrey.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 22-24 | Round1 Rank: 16-17

Rank 25 - 27: Pinoy Humor Blog [paulding.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 22-24| Round1 Rank: 16-17

Rank 25 - 27: Mandaya Moore [mandayamoore-orlis.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 44-46

Rank 28: Chona Mae In The City [chona.blogspot.com]
Votes: 900 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 40-46

Rank 29 - 30: Anukayayun [anukayayun.blogspot.com]
Votes: 800 | Round2 Rank: 23-24 | Round1 Rank: 19-20

Rank 29 - 30: Jake The Miserable [jakethemiserable.com]
Votes: 800 | Round2 Rank: 27 | Round1 Rank: 25-32

Rank 31 - 33: Blog ni Ella [ellaganda.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 21-22

Rank 31 - 33: Nanskii World [nanskii.multiply.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 25-32

Rank 31 - 33: Rhapsody [enelym001.wordpress.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 34 - 41: Reclamador [reclamador.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: None

Rank 34 - 41: Prince Arthur [princearthurnurikane.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 34 - 41: Mike Villar [mikevillar.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: None

Rank 34 - 41: Jeckyll27 [jeckyll27.wordpress.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 34 - 41: Loud Cloud [verbosecity.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: 40-46

Rank 34 - 41: Kamote Force [cycle.blogs.friendster.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: 23-24

Rank 34 - 41: The Balloon Dream [lobo.idlip.net]
Votes: 500 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: None

Rank 34 - 41: Pondahan ni KiwiPinay [pondahan.pansitan.net]
Votes: 500 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 42 - 47: Professional Heckler [professionalheckler.blog-city.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 - 47: Eat All You Can [eat-all-you-can.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 - 47: The World According to Nherz [nherz14.multiply.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: None

Rank 42 - 47: Chrone Icon [chroneicon.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 42 - 47: Turismoboi’s Chronicle [turismoboi.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 - 47: Xavierykym [xavierkymguillen.blogs.friendster.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 - 47: Munting Blog ni Agi [agistar.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 48 - 56: Ayanstein’s Laboratory [ayanstein.com/letras]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 - 56: Alexbam2006 [alexbam2006.multiply.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 - 56: Mister Hubs [misterhubs.blogspot.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 28 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 - 56: The True Asiatic [thetrueasiatic.multiply.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: Calvin’s Hub [calvinshub.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 - 56: Bomba [danielyuson.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 - 56: Kotseng Kuba [kotsengkuba.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: None

Rank 48 - 56: School Hopper [schoolhopper.blogspot.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 53-64| Round1 Rank: None

Rank 48 - 56: Taroogs [taroogs.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: None| Round1 Rank: None

Rank 57 - 66: Pinay Brodkaster [angpinaybrodkaster.wordpress.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 - 66: Twisted [jessicarulestheuniverse.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 - 66: The Uglyassin [uglyassin.multiply.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 - 66: Online Tabletas [humblejowdie.blogs.friendster.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 - 66: The Coffee Bean [cofibean.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 - 66: Holy Kamote [holy-kamote.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64| Round1 Rank: 40-46

Rank 57 - 66: Clockwork Orange [direkjap.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 - 66: Poging Payatot [pogingpayatot.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: | Round1 Rank:

Rank 57 - 66: Instant Pakulo [pbpbpb.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 - 66: Masaya Ang Buhay [masayaangbuhay.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 67 - 71:Geisha [jgsmart.wordpress.com]

Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 - 71: Sayote Queen [sayotequeen.com]
Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 - 71: Nakanampucha [nakanampucha.com]
Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 - 71: Funny Sexy [funnysexy.wordpress.com]
Votes: 100 | Round1 Rank: None | Round2 Rank: None

Rank 67 - 71: Panti Experience [jaypanti.blogspot.com]

 


Votes: 100 | Round1 Rank: None | Round2 Rank: None

Pahabol: May limang blogs na bumoto pero nung binilang ko ulit, nagdelete na ng blogs. Wala akong magagawa kundi iinvalidate ang inyong boto. Ang masasabi ko lang sa inyo.. tsk tsk.. sayang ang prize. Sa lahat ng sumali sa parapol at nominado, gudlak sa finals!

 

 





Questions of Faith

16 05 2008

Dear Papa Jesus,  Baka po napapakunot na naman ang noo niyo pag nagpaparamdam ako.  Sabihin niyo, ‘Nakupo, andito na naman ang salbaheng batang ‘to.  Ano na naman ba kailangan mo?’  Pasensiya na po, alam kong nakukulili na kayo sa akin pero may mga tanong lang akong naghahanap ng kasagutan. 

 

Pano po ba kung dalawang koponan ng basketbol ang nagdarasal sa inyo para manalo, tulad ng taunang banggaan ng Ateneo vs Dela Salle, sino bang pinapanigan mo?  ‘Yun bang nagsa-sign of the cross muna, o yung pinakaelitistang napapa-umaygad? Omigawd.  Omaygad.  Akseptabol ba sa ‘yo ang OMG?  Opo, parang txt na nga mag-usap mga tao ngayon, paiklian.  Meron nga akong bagong salitang ibibida sa inyo ngayon heto.  LOL. Labyu O Lord.  Kala mo ha.  Hehe.

 

Tingin ko lang, parang masyadong one-way communication ‘yung dasal.  ‘Yung nagdarasal lang ang panay ang daldal.  Wala po ba kayong balak na gawan ng pagbabago ‘yung sistema.  Halimbawa, nagdasal ako ngayong umaga, mamyang hapon ay may sagot na kung pwede ba o hindi pwede.  Pwedeng daanin sa mga signs ang sagot.  Pag oo, pwedeng patamaan ng kidlat ang kausap ko, pag hindi naman, pwedeng mahulugan ng bilboard sa EDSA ang boss ko.  Mga ganung signs.  Mas okey sana ‘yung malalaman mo na ‘yung sagot kung may tsansa ba o wala kaysa nakabitin sa hangin.  Tingin ko tuloy, parang sugal ang pagdarasal, hindi mo alam kung matutupad ang mga minimithi mo o hindi. Pano kung ang isang babae nagdasal na gustong magkaanak.  Mahirap kasing paghintayin mo pa ng tatlumpung taon tapos ang sagot pala ay hindi.  Mas mainam sana kung may sagot ka nang ‘Anak, hindi ka pwedeng mabuntis.  Sori, pero hindi talaga nakakabuntis ang kandila’.  Mas mainam na nagkakaintindihan.

 

Ang hina ko nga sa inyo.  Alala niyo pa po ba ‘yung dasal ko noon?  Sabi ko, pag hindi mo ko ginawang lawyer, magiging hubadero na lang ako sa isang strip club o kaya miyembro ng budol-budol gang.  Alam mo namang sa pagiging liar lang ako magaling.  Syempre di ka man lang natinag.   Kung abugado na sana ako ngayon, e di marami na sana akong mahihirap na natutulungan.  Siyempre, konting pakonsuwelo na din na meron akong dalawang Jaguar o Chrysler na tsikot.  Saka malaking bahay.  Saka rancho.  Etc.

 

Saan po ba kayo naggi-gym noong panahon nyo?  Ako, kahit siguro lifetime akong mag-gym hindi ako magkakaroon ng ganyang abs.  Nakakainggit kasi ‘yung abs niyo, six packs, borderline 8 packs pa nga.  Yan po ba ‘yung tinatawag na karpintero exercise.  Pero buti na lang fitness buff kayo kasi pano na lang kung butchog kayo tapos nakapako kayo ng paganyan sa krus, parang comedy tignan.  Di ko yata kayang magdasal ng masinsinan sa inyo kung ganun.    

 

Sobrang commercialized na po ang mundo.  Pansin niyo po ba?  Kabi-kabilaan ang sandamakmak na billboards at commecial ads.  Ibang iba nung kapanahunan mo.  Baka nga magulat ka pagbalik mo dito sa mundo alukin ka ng endorsements ng kung anu-anong produkto.  ‘Ang pagbabalik ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Mabuhay Miles!  Sayang ang miles’.  Walang kawala pati ang mahaba mong buhok, ‘Ang long curly black hair ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Sunsilk Shampoo.  Because life can’t wait’.   Ganun na nga po.

 

Bakit po ba matalim tumingin si Pope Benedict?  Magkamag-anak po ba si Uncle Fester ng Addams Family at si Pope Benedict?  May similarities kasi sila.  Galit ba siya palagi o nangtataboy lang siya ng mga bad spirits?  Siguro hindi pa lang po ako sanay kasi mula’t sapul si Pope John Paul na ang nakagisnan kong Pope.  Pero okey na din ‘yun kasi mas matatas naman managalog si Pope Benedict pag Angelus sa Roma kesa kay Pope John Paul.

 

Sana masanay na po kayo sa kakulitan ko.  Di bale, di na ako mangungulit palagi.   Musta nga pala tatay ko diyan sa langit?  Nakapasok din po ba siya diyan?  Pakituruan na lang po ng leksiyon baka minsan nakikipag-kerengkengan na sa mga anghel.  Di ba niya alam na walang pekpek ang mga anghel.  Baka magselos Mommy ko.  Saka pakibantay na din po.  Mahilig ang tatay ko sa pritong manok at tinola.  Baka mapagtripan niya ‘yung manok ni San Pedro e di lagot.  Sige po, sabi nga naming mga super totful na Pinoys, Ingats!

 

 

 





Couldn’t Ask For More

6 05 2008

Hapi bertdey BebeKo.  At dahil ayaw ng mga babaeng nababanggit ang edad nila, hindi ko sasabihing beinte nuebe ka na ngayon.  At dahil ayaw din ng mga babaeng nasasabihan silang matanda, hindi ko din ipapaalala sa ‘yo na mas bata ako ng isang buwan at dalawang linggo.  Ok ba?

 

Andami na nating pinagdaanan sa buhay.  Nakita mo kung pano ako nagbehave mula sa isang pagiging siraulong uhuging disc jockey,  ngayon isa na akong good boy at part time superhero.  Kung dati ako ang ini-stalk mo, inaabangan na marinig ang boses sa radyo at pag di pa nakontento, pasilip silip sa likod ng traysikel malapit sa tindahan namin at nagbabakasakaling masilayan ang anino ko.  Kala ko pa naman hard-to-reach hot tsik kolehiyala ka pa no’n, ‘yun pala, hobby mo na ang pagpantasyahan ako.  Hehe.  Pero ngayon bumaliktad na ang mundo, ako na ang adik na adik sa ‘yo.  Ultimo panty mo, hinahalik-halikan ko.

 

Noon, parang di pa ako seryoso.  Nung panahong ‘tayo’ na nga, hindi man lang kita binigyan kahit lantang red roses.  Pag lumalabas tayo, kung minsan, ikaw pa taya.  Kahit nga sunduin ka sa school pagkatapos ng klase mo, di mo ako maasahan.   

 

Pero hinintay mong magbago ako.  Andami mo ngang hirap sa akin.  Sa law school dati, nahuli mong nakalambitin sa akin ‘yung mga bebot tapos sa harapan mo pa.  Alam kong nasaktan ka dun.  Magpapaliwanang naman ako.  Akala ko kasi gusto lang nilang mag-Tarzan kaya hinahayaan ko lang silang magbaging sa malalaking braso ko.  Ilang araw tayong hindi nagkibuan.  Nung sumunod na araw, nagkasalubong tayo.  Hindi ka nagalit sa akin.  Pilit mong iniintindi ang mga kagaguhan ko.  Kung tutuusin pwede naman sana akong umiwas sa mga ‘yun pero kung bakit di nag-iisip ang kukote ko minsan.

 

Ayaw sa akin dati nina Mama mo saka ni Daddy.  Meron naman kasing mayamang bumbay na may karag-karag na kotse na nanliligaw at sumusundo sa ‘yo, bakit ako pa ang pinili mo.  Pag nagtatampo ka pa nga dati, sinasabihan mo ako ng ‘isang krimen ang mahalin ka’, pero anong nangyari ba’t tayo pa rin hanggang sa huli?  Ano bang nakita mo sa akin at nagawa mong talikuran ang buong mundo para makasama ako?

 

Nakailang break ups ba tayo noon? Tatlo, dalawa pa dun ay tumagal lang ng ilang minuto.  ‘Yung pangatlong break up ang seryosohan.  Alala mo pa ba?  Nasa tuktok tayo ng burol nun, magdidilim na.  Nagda-drama ka pa nga ng inglis sakin sabi mo, ‘Please, when you walk away, don’t look back so you won’t see me hurt’.  Para nakatalikod lang ako at naglilinis ng spark plug ng motorsiklo nagdrama ka na agad.  Oo nga naman pala, sinugod ka kasi ng isang nagmamagandang dilag kaninang umaga dahil sa akin [isang malinaw na kaso ng delusion].  Nagtapang-tapangan ka.  Pinakain mo si hitad ng maaanghang na salita.  Maluluma ang binitawang salita ni Cheri Gil kay Sharon Cuneta na ‘You’re nothing but a second rate TH copy cat’ sa imortal na linyang sinabi mo:  ‘Babae, andami namang bayag diyan sa paligid, hindi ka ba makahanap at kailangan mong makipagsiksikan?’.  Classic.  Pero alam ko napapagod ka na din sa kin.  Sawang sawa ka na sa kung sino-sinong umaaligid at gumagawa ng kwento sa ‘tin.   Isang malaking showbiz ang paligid natin.  Nagawa nila ‘yun kay Sharon at Gabby, pero di ko papayagang gawin din nila sa atin ‘yun.

 

Kaninang madaling araw, di mo alam, naalimpungatan ako, pinapanood kitang matulog ng mahimbing.  Ansarap mong tignan habang sarap na sarap kang sinisiksik ang mukha mo sa kili-kili ko, para bang ‘yung kili-kili ko na ang pinakamabangong unan sa mundo.  BebeKo, sigurado ka bang hindi ka basurera nung past life mo?  Hehe, biro lang po.  Gusto ko nga, pag gumigising ako, ikaw agad ang makikita ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang hanggan, kahit maputi na ang pubic hair ko.   

 

Naisip ko, mahal talaga ako ng Diyos.  Sa dinami-dami ng kalokohan ko sa buhay, ikaw pa ang binigay niya sa akin.  Napapailing na lang ako, ‘Kung sino ang ibinigay ng Diyos sa buhay mo,  isipin mo lang ganyan ka kamahal ng Diyos’.

 

Salamat sa lahat lahat.  Ikaw lang labs ko.  At para sa ‘king bespren, soulmate, at ka-wrestlingan tuwing umaga, gabi at madaling araw, Hapi Hapi Bertdey BebeKo!     





Catch Me If You Can

15 02 2008

Kakaiba talaga ang pagba-blog, nakakaadik.  Para kang may ‘Second Life’ sa ibang dimensiyon.  Suspetsa ko magiging patok pa ito sa mga susunod na henerasyon kaya malamang ganito ang magiging ‘future conversation’ ng bawat pamilya. 

Daughter:  Hate u na Dad.
Dad:  Bakit ba?
Daughter:  Ayaw mo akong ka-exchange link.  Kaazar.  Hmmp.
Dad:  Tangek, i ping back mo kasi ako. 

Pero dapat wag pa rin nating kakalimutan na der’s more to life than blogging.  Mga importanteng bagay tulad ng panonood ng mga babaeng nagre-wrestlingan sa putikan atbp.  Hehe.  At kung matagal akong mag-reply sa comment, heto ang mga pinagkakaabalahan ko sa labas ng blogging community: 

Football League.  Mainit ang match namin ng kalabang team nung nakaraang linggo.  Tanggal nga ‘yung isang ipin ng kasama kong si Harley, bali ‘yung nose bridge ni Brent, at duguan sa tuhod ‘yung dalawa pa, pero ayun, olats pa din kami.  Buti na lang ‘The Saints’ ang pangalan ng team namin kung hindi taena, baka dinaan na lang namin sa suntukan ang laro.  Nagcramps nga ‘yung hita ko pagkatapos.  Buti na lang tapos na ‘yung laro dahil kung nagkataong sa field ako na-injure, malamang nanugod na si BebeKo at pinagpapalo ‘yung mga nakalaban namin.  Protektib, kina-career ang pagiging stage wife.  Hehe. 

Manila Cup Dragon Boat Racing.  Kung matuloy kami, ito ang unang beses na magko-compete ako sa boat racing.  Ilang buwan na din kaming nagpa-praktis sa Manila Bay tuwing madaling araw.  Masangsang ang Manila Bay sa umaga dahil puno ng maliliit na isdang patay sa pampang.  Siguro nag-aaral pa lang lumangoy ‘yung mga isdang ‘yun kaya nalunod.  Sobrang lapot din ng tubig dahil sa plastik, dumi, at durog na dyebs, para nga akong naghahalo ng champorado sa higanteng kawa.  Kung di pa kami manalo sa ‘masagwang’ training na to, ewan ko na lang. 

Happy Walk.  Isang parada na sponsored ng Down Syndrome Association of the Philippines.  Pupunta kami dahil espesyal kay BebeKo ang mga special children.  Psychologist kasi siya.  Saka andami kong natututunang aral sa mga special children.  ‘Yung tipong pano nila nae-enjoy ang mga simpleng bagay tulad ng pag-ihip ng mga bula sa hangin.  Para ngang nakakainsulto dahil hindi ko kayang matuwa dun.  Parang tayo tuloy ang may disability, dahil wala tayong kakayanan matuwa sa mga simpleng bagay sa buhay. 

GP2W Olympics.  Parang intrams ito sa kumpanya namin, kelangang makipagbonding moments sa opismeyts para isulong ang aking hidden agenda na mangutang pag nakapos sa budget.  Maglalaro ako ng scrabble, bowling at pitik bulag.  Nagpraktis na nga akong maglaro ng scrabble kagabi kapustahan si BebeKo.  Isang Red Ribbon cake ang pusta.  At ngayon ko lang aaminin na pag umaalis si BebeKo para baliktarin ‘yung pinipritong isda, pinapalitan ko ‘yung mga tiles ko ng mga ‘winning letters’ sa lalagyanan.  Hehe. 

Comedy Cartel.  Mangungumusta kina pareng Patrick, Tim at Allan.  May palabas sila sa Mag:net Café sa The Fort.  Sila ang bumuo ng Comedy Cartel, isang all boys comedy group.  Oo, dahil may humor din ang boys.  Bago pa ito naging big time group na Comedy Cartel ngayon, naging saling pusa nila ako noon.  Pero nag-hiatus ako sa grupo dahil nakakasagabal sa aking planong maging pinuno ng Abu Sayaff.  Ang totoo nyan, fall guy ko lang sina Kumander Robot.  Ako talaga ang may pakana ng lahat ng kaguluhan sa Pinas.  As in.   

Run For Pasig River.  Di ko alam kung anong konek ng pagtakbo para luminis ang tubig sa ilog Pasig.  Pero try ko pa rin.  At pagkatapos kong tumakbo ng matulin, titignan ko kung luminis nga ang ilog Pasig.  Pag hindi pa rin, iihian ko na lang.  Merong acidic property ang ihi ko katumbas ng chlorine sa gripo, kaya baka sakaling luminaw .  Pag hindi pa rin, at least sa pagtakbo, sigurado akong liliit naman ang butchog ko. 

Tree Planting at Ipo Dam.  Environmentalist kaya ako.  Dati akong nagtrabaho sa DENR bilang tagabilang ng puno sa gubat [oo, merong ganung trabaho sa gobyerno].  Pag may nagregalo sa ‘yo na ang wrapper e diyaryo o lumang Remate o Tiktik, ako ‘yun.  Mahilig akong mag-recycle.  Pati nga ‘yung brip na sinuot ko ng Lunes, side B naman ‘yun pagdating ng Martes.   

CashFlow Game.  Naimbitahan akong maglaro ng isang kaibigan sa Ortigas.  May bayad pero discounted na daw ito sa halagang 250 pesos mula sa orihinal na 800 pesos kapag nilaro mo ito sa Asian Institute of Management.  Ang CashFlow ay isang game na naimbento ni Robert Kiyosaki, kilalang awtor ng Rich Dad, Poor Dad.  Pag naglaro ka nito, matututo ka daw ng sandamakmak na business insights and principles.  Tamang tama ‘to sa ‘kin kasi balak kong mag-business ng puto at kutsinta.  May promo pa nga akong binabalak na sa bawat isang daang puto na bibilhin mo, may libre ka sa king isang pirated porn DVD.   San ka pa. 

Oo, meron pa pala akong asaynment na turuan ng Tagalog ang bago kong bos na poreynjer.  Heto i-email ko nga sa kanya mamya: 

Tagalog Assignment for the Week:  Astig – (azzz-teeeg) adj. 1. means cool
Use in a sentence:  The water I am drinking is astig. 

Tinuruan ko din si bos ng kaugaliang Pilipino tulad ng ‘pasalubong’.  U hev to give pasalubong ebritaym  you come from different place.  Na-excite yata, kaya kahit galing lang sa labas, may dala-dalang pop corn.   Inuuwi ko naman kay BebeKo.  Hehe. 

Ikaw, kwentuhan mo nga ako, magkamustahan tayo, anong pinagkakaabalahan mo outsayd blogging? 





Project Lafftrip Laffapalooza [Dummy Entry Lang]

9 10 2006

Sali ako sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles – ang search para sa mga makukulit na blogs ng Pinas.   Heto ang 5 peyborit blogsites ko na kapareho kong makukulit.  

1.  Kwentong Tambay Pinaka-dabest na Pinoy humor.  Quick-witted, insytful saka creative.   Masarap basahin habang lumalagok ng ice cold beer saka fried chicken pulutan.  Entertainment-wise, pedeng pangtapat ‘to sa wrestling. 

2.      Smokin’ Rabbit Hole Sabi ko nga, ang blog na magpapataob sa youtube.com.  Irreverent, ‘badly-browned’ humor, nutty insights, at iba pang kakulitang naglalaro sa isipan ng ni robertdrew, isang OFW na nagtatarbaho sa mainit na siyudad sa bansa ng arabyano.  Hop in!

3.  Maruism  Ang tunay na kaseksihan ay ang pagkakaroon ng sandamakmak na kapilyahan + oozing with wit en humor.  Sometimes insane, sometimes normal-normalan, pero tunay na down to earth, sensible saka sincere sa kakulitan, ang aming online mare ni BebeKo.

4. Jessica Rules The Universe Wacky, oozing with intelligent brain cells saka perpek nosebleed inglis.  San ka pa?  Dito ka na sa female bersion ni Boy Abunda. 

5.  Nanskii  Ang mundo ni nanskii boy.  Kasing kulit ng surot, kasing kwela ng mario brothers.  Ang tigasin ng baryo dagat-dagatan.  Hehe, the wan, the only nanskii dude.

Sali na rin kayo.  Share niyo sa Project Lafftrip Laffapalooza ang iba pang ‘makukulit’ na blogs na palagi niyong tambayan at manalo ng papremyo.   Let’s bolt in!