Back for Good

13 04 2010

Sobrang tagal kong nag-hiatus. Mali. Pang-elite blogger ang salitang hiatus. Dun lang ako sa tipong ‘Magpahinga ka muna Badoods, mainit ka na sa mga parak’ [pang-kriminal?]. Wan enehap years. Shyet akalain mo ‘yun. At kung di pa aksidenteng napasama ‘yung e-mail sakin na mag-eexpire na pala ang domain name ng kwentongbarbero.com na napadpad dun sa ‘Everything Porn’ inbox folder ko, malamang di ko pa maaalalang mag-betlog blog.

Sori na.. It’s not you, it’s me.. Sobrang busy lang. Trabahong hayup ako ng nakaraang taon. Dalawang full time na trabaho pag weekdays. Basketbol sa Sabado at sex slave naman pag Linggo.

Nakapag-ipon naman ako ng maraming coins sa pagta-trabaho para magkaroon ng munting sakahan, prutasan, saka munting bahay at lupa. Hindi ‘yung account sa Facebook, iba ‘yun. Totoong bahay at lupa ‘to pero syempre munti lang.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Boob Job

12 07 2009

Pawirdo ng pawirdo ang balita ngayon.  Ngayong linggong ito, nag-leak ang balita tungkol sa pagpapaayos ng suso ng presidente ng Pinas.  Kaya hindi na ako magtataka sa mga susunod pang ibabalita:  First gentleman nahuling nagpalagay ng nipol ring. Napapakamot na lang ako dun sa balitang nagpadagdag pala ng dede si Gloria Arroyo noon pang 1980s.  Langya naman.  Ano na lang ang sasabihin ko kapag nagka-apo nako at tinanong nila ako tungkol kay Gloria Arroyo:  ‘Uh apo, siya ang kauna-unahang presidente sa mundo na nagpadagdag ng suso.’  At nakakarimarim ang posibilidad na permanente ngang mailalagay sa mga pahina ng librong pang-kasaysayan, Sibika at Kultura sa elementarya ang pagpapalagay ng boobs ni GMA.
Basahin ang karugtong nitong lahok »





Father’s Day

21 06 2009

Oo na, heto na mag-a-update na nga. Isang quickie post lang. Pasensiya na kung medyo natagalan. [Medyo? Tanginangyan, kalahating taon na pala akong nawala sa blogosperyo, I MISSED YOU ALL SANAMABITS!]. Etong mga palusot ko kung bakit hindi ako nakapag-update ng halos kalahating taon:

1. Nakipagtanan ‘yung katulong namin sa isa sa mga sunog baga sa kanto at walang pwedeng utusan sa gawaing bahay si misis kundi ako, ako, at ako [lagi na lang ako]. Bago lang ulit kami nakakuha ng kasambahay. Hindi singganda ng dati, pero singlandi pa rin. Parang alimango maglakad ‘yung bago at hindi ko alam kung sinadya ba ni misis na ipalagay sa advertisement ng wanted yaya na ‘legs not of equal length’ para madali naming mahahabol kunsakaling makipagtanan ulit.

2. Gusto kong yumaman agad. Dahil nagkaroon ng pagkakataong kumadyot ng kumadyot kumayod ng kumayod, kinagat ko naman. Pasensya na, mukhang pera ako, tao lang. Bale apat na oras na lang akong natutulog sa isang araw dahil sa trabaho. At kung ibabawas mo pa dun sa apat na oras na yun ang mag-blog, maliban pa sa mas importanteng gawain tulad ng paliligo, pagdyebs, at pangungulangot, baka isang oras na lang ang itulog ko.

3. Magbabago ang priorities mo sa buhay ‘pag tatay ka na. Totoo ‘yon. Kahit naman karibal ko sa atensiyon, pagmamahal at sa suso ang baby ko pagdating kay misis, natutunan na din naming mahalin ang isa’t-isa. [Hehe, sobrang mahal ko ‘yan, kahit pa iniihian ako, sinusukahan, at pagkatapos niyang gawin lahat ‘yon ay saka ka niya ngingitian.]

Unang beses kong ‘Father’s Day’ to. Excited? Oo. Kaya kailangan kong gumawa ngayon ng bagay na kapaki-pakinabang sa kapitbahay namin — ang maligo. Haha. Ano bang plano ko maghapon? Wala pa. Siguro mga tipikal na gawaing panlalake tulad ng magbasketball, magpakalasing at pag-uwi ay makipaglabing-labing [assuming na maiisahan ko ulit si misis, at kung hindi ay back to plan B – reyp-reypan mode].
Basahin ang karugtong nitong lahok »





Whatever Ten

30 01 2009

Para ito sa pagpapatuloy sa nasimulang tag ng chiksilog.com noong nakaraang taon na magsabi ng 10 bagay-bagay tungkol sa sarili mo. At dahil natural akong pakialamero ng rules, binago ko ang tag na ‘to – magsabi ng 10 interesanteng bagay tungkol sa sarili mo, siyam dun ang totoo at isa ang kwentong barbero.   Kaya heto na ang aking kontribusyon:

 

1.  Inglisera sa text ang Mommy ko kahit pa nirereplayan ko sa tagalog.  Pati mag-chat, english din.  Sabi niya sa ‘kin minsan sa YM:

 

Mommy:  How are you my son? What’s my superman doing?!

[*Naisip kong sabayan din ng inglisan ang Mommy]

Badoodles:  Yo! Wassup niggah?

Mommy: ?

Mommy:  Is this my son?

Badoodles: Yo.

Mommy:  Stop saying stupid things anak.

[*Nagalit?  Haha.  Tinarayan ako. ]

 

2.  Hindi talaga ako si Badoodles.  Badoodles ang nickname ng titi ko dati pa.  

 

3.   Tumatawa ako kahit natutulog.  Kung minsan nagigising ako sa sobrang lakas ng pagtawa ko.  ‘Kaloka pala maging asawa mo’, minsan nasabi sakin ng misis ko.

 

4.  Nagsasalita rin ako pag tulog.  Walang pagkakaiba kung tulog ako o hindi, pwede tayong magkwentuhan.  Mas maingay pa nga ako pag tulog.  Isa itong ‘genetic anomaly’ na wala pang kasagutan ang mga doktor ng Makati Med hanggang ngayon.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





From Here to Paternity

16 01 2009

False alarm ang panganganak ni misis nung bisperas ng bagong taon kaya balik ulit kami sa bahay, balik sa kanyang walang katapusang paglalakad-lakad at balik pagde-dress rehearsal kung ano ang gagawin namin kung sakaling sumakit ulit ang kanyang tiyan na walang kinalaman sa diarrhea.  Record to beat ay 5 minutes.  Lumipas ang isang linggo, wala pa rin.  Naiinip na ako. Pinapaakyat ko na nga si misis sa puno ng santol para mapwersa na ang baby na lumabas kaso lang ayaw ni misis.  [Sa dahilang ayaw niyang masilipan ko daw siya.  Akala mo pag-iingat sa sanggol ang dahilan ano? Haha].  At noong January 8 nga, isang napaka-kaswal na araw, sumakit ang tiyan ni BebeKo.  Naligo siya.  Ginising ako.  Ayaw kong magpagising.  Ginising ulit ako.  Naligo ako.  At pumunta kami ng ospital.

Pero hindi ganun kasimple.  Pagdating namin sa ospital, 3cm pa lang din si misis.  Walang pinagbago noong nakaraang linggo. Ibig sabihin, ‘yung etits ko pa lang din ang may kakayahang  magpanik-panaog sa kanyang loob, in-out, left-right, up-down saka jump.  Hindi ko alam kung tamang desisyon ba pero pina-admit ko pa rin si misis para iinduce labor.  Nagpaalam na kami sa  isa’t-isa dahil bawal daw ang isang malaking mikrobyong nagkatawang tao sa loob ng delivery room.  Hmmkei.  At pasensiya na kung di ko alam ang sasabihin ko para i-cheer up ang isang buntis.  Wala akong nasabi sa kanya kundi ‘Go go girl?’ na may kasamang choreography ni Ultraman.

Nakalingat lang si misis, masaya na akong nakikipaglandian sa admitting section [kailangang ganun talaga, kinakausap ko kung baka naman pupwedeng ilipat kami sa private room dahil punuan ng mga panahong 'yon].  Mamaya pa, bigla akong pinatawag ni doktora para bulagain ng isang OMG na balita.  Sabi niya humihina ang heartbeat ng fetus, ‘pag hindi nag-stabilize kailangan nang hiwain si BebeKo para i-caesarian.  Nabura lahat ng landi factor sa mukha ko.   

Sa unang pagkakataon, nakapagdasal ako kay Papa Jesaz ng seryosohan.  Usapang lalaki.  Pakiusap ko wag niyang pabayaan si misis at si fetus.  Nangako ako sa kanyang mamamanata at maglalakad ng walang tsinelas sa taunang pista ng Poong Nazareno sa Quiapo.  Nagpramis din akong maglalagay ng banal na salita sa blog ko – size 24 Arial Bold na font na nagsasabing, ‘Barilin ang nakikiapid’ at ‘Pag bad ka, lagot ka!’, mga ganun.   Kung pwede lang ibigay kalahati ng buhay ko sa misis ko para siguradong makayanan niya ang panganganak, binigay ko na.  Sa kabilang banda, ‘yun din ‘yung mga desperadong panahon na naiisip kong kung pwede lang ding isanla ang kaluluwa ko kay Satanas at maging advertising/PR manager niya sa impiyerno, ginawa ko na rin [yun ay kung mas maayos ang negosasyon namin].  Tulirong tuliro ako ng mga panahong ‘yon.  Oo, at may ‘as in’ talaga ‘yan dear ate Charo.
Basahin ang karugtong nitong lahok »





Kwentong Barbero 2008 Year Ender Shoutout

31 12 2008

 Tingnan mo yan, isang taon na naman ang nakalipas.  Ambilis ng takbo ng oras.  Hindi ka ba nagsususpetsa na baka dinadaya na tayo ng orasan?  Nakalingat lang ako ng sandali may puting buhok na ako, nagkarayuma at humaba  ng 1 cm ang titi ko [o baka lumiit lang ang palad ko, di ko alam kung alin sa dalawa ang totoo]. 

Andito ako ngayon sa ospital [naka-weroam lang]. Hindi ako magpapatuli dahil hindi naman totoo yung urban legend shit na pag pukpok lang sa albularyo ang pagkakatuli sa ‘yo magiging supot ka ulit. Umpisa na ng labor ni misis para sa aming unang baby. Baby girl. Hindi nagkatotoo ‘yung hiling ko kay Papa Jesaz na sana baby boy. Ok lang, ang importante maayos ang panganganak. Syempre may kahalong kaba na baka paglabas ng baby, dayain na naman ako ng haring orasan, dalaginding na ‘yung lumabas. At tulad ng komersiyal ng Globe sa tv, maririnig ko na lang na kausap niya ang kanyang mga BFF at kumekerengkeng na nagkukwento sa latest escapade ng boypren niya na, ‘Nag-kiss na kami ever’. Mapapa-huwwaaaaaaaaaah na lang ako sa huli. Ok, mukang nagoober-react ako.

Anyhoots, shoutout lang muna ako sa mga kasama kong bloggers na tumanda na naman ng isang taon. You’ve been had by Father Time. Shoutout kina: 

 
Basahin ang karugtong nitong lahok »





To Be A Better Man

20 12 2008

Isang taon na pala ang nakakalipas mula ng mapikot kinasal ako sa maganda  kong asawa.  Heto ang mga bagay na natutunan ko bilang may asawa:

 

1.  Pag nagkakainitan sa usapan,  divert the topic.   Halimbawa,

BebeKo:  Lakwatsa ka ng lakwatsa, anong akala mo binata ka?  Kahapon.. yada.. yada…

PogiMe:  Be ano ‘yung nakasabit sa bintana?  Manananggal! [sabay turo]

BebeKo:  Asan?  Wala naman eh?

PogiMe:  Syempre wala na, nakalipad na. Antagal mong tumingin. 

 

2.  Pag nagkatampuhan, ‘wag piliting magkabati, take it slow.  Sabi ng mga ninong at ninang namin sa kasal, wag matutulog nang hindi nagkakaayos.  Di ko alam kung anong reference material nila sa pagsabi nila no’n, baka Abante Tonite saka iyottube.com.  Pero mas okay ‘yung wag munang magkibuan, pahupain ang sama ng loob.  Tapos mamyang madaling araw, oras ko na para umatake, maglambing, at yumakap ng mahigpit.  Wala nang usap-usap ‘yan.  ‘Yun na ‘yun.  Hindi nga lang fool-proof ang advice na ‘to dahil kung minsan, napagkakamalan niyang gumaganti pa din ako dahil hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa leeg.  Choke slam kung choke slam ito.  Hahaha.

 

Hindi na masama ‘yan, dalawang aral sa isang taon.  Tama ‘yung sinasabi nila na ‘wisdom comes with age’ saka ano… ahm…  ‘sex is the best teacher’. Oo, ‘yun nga.   Anong typo error, walang typo error ‘yan, wag ka nang umangal kung ayaw mong masaktan.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Manny Pacquiao Jokes

8 12 2008

Isang madaliang post muna dito bago ako bumalik sa pagtatrabaho. Lapit na Pasko kaya raket lang ng raket. Sabi nga ni Manny, ‘payt lang ng payt’. Congrats kay Manny Pacquiao. Ayos nanalo ako ng bente pesos sa pustahan. Sayang, sana pala itinaya ko na pati bahay namin, mga kasangkapan, tinidor, plato pati na din buhay ng mga kapitbahay namin para mas malaking panalo.

Napansin niyo ba na lumapit si Dela Hoya kay Manny pagkatapos ng laban? Oo hetong inside scoop ng kanilang usapan tagalized version:

Oscar: Manny, kahit basagin mo ang bungo ko ng todo todo, hindi mo mababago ang simpleng katotohanang mas pogi pa din ako sa yo.

Yan lang nakuha kong scoop. Pinag-usapan pa nila kung anong kulay ng brief nila pero wala nang news value ‘yun.

Importante sakin ang pagkapanalo ni Pacquiao dahil hayskul pa lang, idolo ko na yan, pinapanood ko na ang laban niya sa amateur boxing. Masaya ‘syimpri’ dahil nabuhay tayo sa panahong merong pwedeng hangaan na totoong tao – ‘yung walang pretensions sa buhay – matigas ang dila, mukhang cartoons, at higit sa lahat nagsabi ng imortal na linyang ‘Payt lang ng payt’. ‘Yan na din ang naging batas ko sa buhay, dapat payt lang ng payt. Hindi ‘yung tipo ni Mahatma Gandhi na dinadaan sa gutom ang mga bagay bagay na wala namang pinagkaiba sa isang batang hindi pinansin ng magulang kaya maghapong nag-emote, ngumuyngoy at di na kumain. O kaya tulad ni Jose Rizal na nagpabaril sa Luneta habang tumutula ng Espanyol. Cut the fagshit.

Dahil nanalo naman si Manny, hindi naman siguro makakabawas sa sanlibong idol points ang paminsan-minsan, siya ang ating spotlight sa kuwentuhang barbero.

PS. Wag na kayong magreklamo sa kaputa-putahang corny jokes ko. Shyatap. Pwede na yan. Importante may post at di tayo nagkakalimutan. Bye. :P





My Wife Is A Gangster

4 12 2008

 

Pag nag-asawa ka na, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot.  Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot habang nakakulob kaming dalawa sa iisang kumot.  Ang sweet ano?  Sana wedding song na lang namin ‘yung ‘Killing Me Softly…’.  Nung minsan naman, kumportable kaming nakahiga habang nanonood ng tv sa kwarto.  Kala ko nagba-vibrate ‘yung cellphone ko sa kama.  ‘BebeKo, pakiabot naman ‘yung cellphone ko may message’, sabi ko habang nakaabot sa kanya ang isa kong kamay.  Dedma lang tapos ang sabi, ‘Wag mong pansinin ‘yun, utot ko lang ‘yun’.  Natigilan ako, nagtakip ng ilong.  Mamya sabay na kaming nagtawanan.   

Isa pang bago kong nalaman sa misis ko, ayaw niyang magsuot ng bestida.  Parang gumuho lahat ng pantasya ko sa buhay.  Old school ako, gusto ko ‘yung pag-uwi ko sa bahay, naka-daster ang misis ko na nag-aantay sa akin.  Pantasya ko na ‘yun mula pagkabata.  At kahit ilang beses kong sabihin na maganda siya ‘pag naka-bestida at tigas na tigas ang titi ko pag nakasuot siya ng ganun, waepeks pa din.  Ayaw niya talaga.   Ngayon kahit walong buwan na siyang buntis, ayaw pa din niyang magbestida, laging naka-maternity pants.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Under the Same Sun

26 11 2008

 

Napanood ko sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagkakahuli ng lider ng mga sundalo matapos makorner ang kanilang buong grupo.  Pamilyar ang pangalan.  ‘Sana hindi, sana hindi’, napaso pa ang dila ko sa paghigop ng kape kakasabi nito.  Tuluyan na ngang pinakita sa tv ang mukha ng sundalo, na parang ‘photo grab’ lang mula sa kanyang Friendster account.  [Napaka-resourceful ng media].  Lintik.  Si Cammayo nga.

 

Nagbalik sa alaala ko ang nakaraan.  Upper class ko ‘tong si 1Lt Vicente Cammayo mula ROTC days pa lang hanggang sa sumubok akong magsundalo.  Mabait na tao si Cammayo.  Sobra nga ang respeto sa ‘kin ng taong ito kahit minsan hindi pa ako pinatikim kahit isang unday ng suntok.   Mas malaki kasi ako sa kanya kaya di niya ako magawang batukan. 

 

Pag pumasok kang opisyal ng ROTC kung anu-anong ‘rites of passage’ ang ipapagawa sa ‘yo.  Meron ‘yung pag MWF na pagpasok ko sa school dapat nakarubber shoes ako sa kanang paa tapos tsinelas naman sa kaliwa tapos may necktie pa na parang nareject sa audition na maging miyembro ng ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs.  O kaya naman ay bigla lang akong pasisigawin ng tulang ‘Andres Bonifacio Atapang Atao’ sa gitna ng pila ng bayaran ng tuition fee.  May kasama pang matinding hand gesture ‘yan.  Tawanan ang mga nakapila kaya kilala na ako sa accounting office.  Siyempre basta kagaguhan game ako dyan, minamani-mani ko lang.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »