Kwentong Barbero 2008 Year Ender Shoutout

31 12 2008

 Tingnan mo yan, isang taon na naman ang nakalipas.  Ambilis ng takbo ng oras.  Hindi ka ba nagsususpetsa na baka dinadaya na tayo ng orasan?  Nakalingat lang ako ng sandali may puting buhok na ako, nagkarayuma at humaba  ng 1 cm ang titi ko [o baka lumiit lang ang palad ko, di ko alam kung alin sa dalawa ang totoo]. 

Andito ako ngayon sa ospital [naka-weroam lang]. Hindi ako magpapatuli dahil hindi naman totoo yung urban legend shit na pag pukpok lang sa albularyo ang pagkakatuli sa ‘yo magiging supot ka ulit. Umpisa na ng labor ni misis para sa aming unang baby. Baby girl. Hindi nagkatotoo ‘yung hiling ko kay Papa Jesaz na sana baby boy. Ok lang, ang importante maayos ang panganganak. Syempre may kahalong kaba na baka paglabas ng baby, dayain na naman ako ng haring orasan, dalaginding na ‘yung lumabas. At tulad ng komersiyal ng Globe sa tv, maririnig ko na lang na kausap niya ang kanyang mga BFF at kumekerengkeng na nagkukwento sa latest escapade ng boypren niya na, ‘Nag-kiss na kami ever’. Mapapa-huwwaaaaaaaaaah na lang ako sa huli. Ok, mukang nagoober-react ako.

Anyhoots, shoutout lang muna ako sa mga kasama kong bloggers na tumanda na naman ng isang taon. You’ve been had by Father Time. Shoutout kina: 

 
Basahin ang karugtong nitong lahok »





To Be A Better Man

20 12 2008

Isang taon na pala ang nakakalipas mula ng mapikot kinasal ako sa maganda  kong asawa.  Heto ang mga bagay na natutunan ko bilang may asawa:

 

1.  Pag nagkakainitan sa usapan,  divert the topic.   Halimbawa,

BebeKo:  Lakwatsa ka ng lakwatsa, anong akala mo binata ka?  Kahapon.. yada.. yada…

PogiMe:  Be ano ‘yung nakasabit sa bintana?  Manananggal! [sabay turo]

BebeKo:  Asan?  Wala naman eh?

PogiMe:  Syempre wala na, nakalipad na. Antagal mong tumingin. 

 

2.  Pag nagkatampuhan, ‘wag piliting magkabati, take it slow.  Sabi ng mga ninong at ninang namin sa kasal, wag matutulog nang hindi nagkakaayos.  Di ko alam kung anong reference material nila sa pagsabi nila no’n, baka Abante Tonite saka iyottube.com.  Pero mas okay ‘yung wag munang magkibuan, pahupain ang sama ng loob.  Tapos mamyang madaling araw, oras ko na para umatake, maglambing, at yumakap ng mahigpit.  Wala nang usap-usap ‘yan.  ‘Yun na ‘yun.  Hindi nga lang fool-proof ang advice na ‘to dahil kung minsan, napagkakamalan niyang gumaganti pa din ako dahil hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa leeg.  Choke slam kung choke slam ito.  Hahaha.

 

Hindi na masama ‘yan, dalawang aral sa isang taon.  Tama ‘yung sinasabi nila na ‘wisdom comes with age’ saka ano… ahm…  ‘sex is the best teacher’. Oo, ‘yun nga.   Anong typo error, walang typo error ‘yan, wag ka nang umangal kung ayaw mong masaktan.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Manny Pacquiao Jokes

8 12 2008

Isang madaliang post muna dito bago ako bumalik sa pagtatrabaho. Lapit na Pasko kaya raket lang ng raket. Sabi nga ni Manny, ‘payt lang ng payt’. Congrats kay Manny Pacquiao. Ayos nanalo ako ng bente pesos sa pustahan. Sayang, sana pala itinaya ko na pati bahay namin, mga kasangkapan, tinidor, plato pati na din buhay ng mga kapitbahay namin para mas malaking panalo.

Napansin niyo ba na lumapit si Dela Hoya kay Manny pagkatapos ng laban? Oo hetong inside scoop ng kanilang usapan tagalized version:

Oscar: Manny, kahit basagin mo ang bungo ko ng todo todo, hindi mo mababago ang simpleng katotohanang mas pogi pa din ako sa yo.

Yan lang nakuha kong scoop. Pinag-usapan pa nila kung anong kulay ng brief nila pero wala nang news value ‘yun.

Importante sakin ang pagkapanalo ni Pacquiao dahil hayskul pa lang, idolo ko na yan, pinapanood ko na ang laban niya sa amateur boxing. Masaya ‘syimpri’ dahil nabuhay tayo sa panahong merong pwedeng hangaan na totoong tao – ‘yung walang pretensions sa buhay – matigas ang dila, mukhang cartoons, at higit sa lahat nagsabi ng imortal na linyang ‘Payt lang ng payt’. ‘Yan na din ang naging batas ko sa buhay, dapat payt lang ng payt. Hindi ‘yung tipo ni Mahatma Gandhi na dinadaan sa gutom ang mga bagay bagay na wala namang pinagkaiba sa isang batang hindi pinansin ng magulang kaya maghapong nag-emote, ngumuyngoy at di na kumain. O kaya tulad ni Jose Rizal na nagpabaril sa Luneta habang tumutula ng Espanyol. Cut the fagshit.

Dahil nanalo naman si Manny, hindi naman siguro makakabawas sa sanlibong idol points ang paminsan-minsan, siya ang ating spotlight sa kuwentuhang barbero.

PS. Wag na kayong magreklamo sa kaputa-putahang corny jokes ko. Shyatap. Pwede na yan. Importante may post at di tayo nagkakalimutan. Bye. :P





My Wife Is A Gangster

4 12 2008

 

Pag nag-asawa ka na, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot.  Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot habang nakakulob kaming dalawa sa iisang kumot.  Ang sweet ano?  Sana wedding song na lang namin ‘yung ‘Killing Me Softly…’.  Nung minsan naman, kumportable kaming nakahiga habang nanonood ng tv sa kwarto.  Kala ko nagba-vibrate ‘yung cellphone ko sa kama.  ‘BebeKo, pakiabot naman ‘yung cellphone ko may message’, sabi ko habang nakaabot sa kanya ang isa kong kamay.  Dedma lang tapos ang sabi, ‘Wag mong pansinin ‘yun, utot ko lang ‘yun’.  Natigilan ako, nagtakip ng ilong.  Mamya sabay na kaming nagtawanan.   

Isa pang bago kong nalaman sa misis ko, ayaw niyang magsuot ng bestida.  Parang gumuho lahat ng pantasya ko sa buhay.  Old school ako, gusto ko ‘yung pag-uwi ko sa bahay, naka-daster ang misis ko na nag-aantay sa akin.  Pantasya ko na ‘yun mula pagkabata.  At kahit ilang beses kong sabihin na maganda siya ‘pag naka-bestida at tigas na tigas ang titi ko pag nakasuot siya ng ganun, waepeks pa din.  Ayaw niya talaga.   Ngayon kahit walong buwan na siyang buntis, ayaw pa din niyang magbestida, laging naka-maternity pants.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Under the Same Sun

26 11 2008

 

Napanood ko sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagkakahuli ng lider ng mga sundalo matapos makorner ang kanilang buong grupo.  Pamilyar ang pangalan.  ‘Sana hindi, sana hindi’, napaso pa ang dila ko sa paghigop ng kape kakasabi nito.  Tuluyan na ngang pinakita sa tv ang mukha ng sundalo, na parang ‘photo grab’ lang mula sa kanyang Friendster account.  [Napaka-resourceful ng media].  Lintik.  Si Cammayo nga.

 

Nagbalik sa alaala ko ang nakaraan.  Upper class ko ‘tong si 1Lt Vicente Cammayo mula ROTC days pa lang hanggang sa sumubok akong magsundalo.  Mabait na tao si Cammayo.  Sobra nga ang respeto sa ‘kin ng taong ito kahit minsan hindi pa ako pinatikim kahit isang unday ng suntok.   Mas malaki kasi ako sa kanya kaya di niya ako magawang batukan. 

 

Pag pumasok kang opisyal ng ROTC kung anu-anong ‘rites of passage’ ang ipapagawa sa ‘yo.  Meron ‘yung pag MWF na pagpasok ko sa school dapat nakarubber shoes ako sa kanang paa tapos tsinelas naman sa kaliwa tapos may necktie pa na parang nareject sa audition na maging miyembro ng ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs.  O kaya naman ay bigla lang akong pasisigawin ng tulang ‘Andres Bonifacio Atapang Atao’ sa gitna ng pila ng bayaran ng tuition fee.  May kasama pang matinding hand gesture ‘yan.  Tawanan ang mga nakapila kaya kilala na ako sa accounting office.  Siyempre basta kagaguhan game ako dyan, minamani-mani ko lang.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Take Me Home

19 11 2008

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Maid In The City

12 11 2008

 pugadbaboy

 

Ang mahirap sa bagong mag-asawa, ‘yung nagtuturuan kayo sinong gagawa ng ganito ganyan.  Sinong magluluto, sinong maglalaba, sinong tagamasahe atbp.  Kailangan pa naming daanin ni BebeKo sa jack en poy, pustahan sa Scrabble, at marahas na paraan tulad ng wrestling hanggang mapigtas ang hininga kung sino ba ang toka sa mga gawaing bahay.  Pero lahat ng problemang ‘yan, solb lahat ‘yan ‘pag may katulong na.  At dahil mahirap kumuha ng katulong na basta-basta na lang, nagpadala ang aking paboritong dad-in-law ng makakasama namin sa bahay galing sa probinsiya namin. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 94 other followers